"Friennnnnnyyyyy!"Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ng isa sa friendship ko her name is lyza pretty, smart and medyo kalog yan lumingon ako at nakita kong mukang iritada naman ang isa ko pang friendship na si kylie pretty din kaso may pagka maldita eh minsan lang pag wala sa mood.
Inakbayan naman ako ni lyza pag lapit sakin at syempre nag beso beso din kami oops! Btw my name is kiara 2nd year college na kaming 3 at CHM students.
"Kia, bat hindi ka sumama kahapon samin? Ang saya kaya sa party ni dale diba ky?" Sabi ni lyza habang naglalakad nakami papunta ng classroom.
"Ikaw lang naman nag enjoy sa birthday ng boyfriend mo no!" Sagot naman ni ky.
"Wow ah? Kaya pala kung makipag sayawan ka sa mga boys kagabi wagas e no? Kulang nalang makipag halikan kana din sumbong kita kay brent dyan eh!"
See? Ganyan sila magbangayang dalawa hindi ko nga alam kung bakit naging friendship ko tong dalawa na to eh ang layo layo ng ugali ko sakanilang dalawa hehe tahimik lang kase ako shy type ganern pero pag sila kasama ko may pagka maingay din naman ako.
"Tumigil na nga kayong dalawa dyan parehas lang kayong nag enjoy okay?"
Natahimik naman silang dalawa nakarating na kami ng room at umupo. Dahil wala pa ang instructor naming gwapo na pinagpapantasyahan ng dalawang to kinuha ko ang cellphone ko at nag earphone at nakinig ng favorite music ni axel at dumuko sa desk ko.
"Kia si axel dumaan" Lyza.
"Tanggalin mo earphone besh wag tungaw!" Kylie.
"Ang ganda ko namang tungaw duh?" Lyza.
Kinalabit naman ako ni lyza at sumenyas na may sasabihin sya.
"Dumaan si axel kako" sabi nya.
Napatingin naman ako sa bintana at nakita ko namang nakikipag usap si axel kasama si shiela, si shiela na maganda, mabait, magaling kumanta at si shiela na mahal na mahal nya.
Hanggang tingin nalang talaga ako sayo kase walang wala ako sa taong mahal mo.
"Frieny, wag ka ng sad hindi pa naman sila e may pag asa kapa" hindi ko alam kung nang aasar tong si kylie eh.
"Kia, magtapat ka kaya sakanya puro ka nalang sulyap eh kahit tuloy pangalan mo hindi nya alam" sabi naman ni lyza.
"Hindi ko gagawin yun no! Hindi ako katulad ng ibang babae dyan" sagot ko talaga naman kase eh diko ibababa ang sarili ko para lang mapansin ng taong gusto ko.
"K fine! Suko na meee" sagot ni lyza.
Nag usap nalang silang dalawa dahil alam nilang di nila ako mapipilit sa gusto nilang lapitan at makipagkilala kay axel mylabs plinay ko nalang ulet ang favorite music nya at tsaka sya tinitigan mula sa bintana.
Kitang kita ko kung paano tumawa ang isang gwapong katulad nya bawat pagbukas sara ng bibig nya bawat pag labas ng dimples nya sa twing ngingiti sya hindi ko namamalayan na napapangiti na din pala ako.
"Ang gwapo mo talaga"
Umalis na sila at sakto din ng pagdating ng instructor namen at syempre halos mag hampasan na naman ang dalawang to sa kilig yung tipong nag uunahan pa sila pag may recitation haaay! Kawawa naman ang mga boyfriend ng dalawang to.
Natapos na ang klase at as usual nag paalam na yung dalawa dahil sasabay na silang mag lunch sa mga boyfriends nila bat di ako kasama? Hindi talaga ako sumasama kahit sino sa kanilang dalawa ano ako chaperone? Duh! Kahit pinipilit nila ako hindi talaga ako umuoo kaya sanay na sila sakin at nagpapaalam nalang pag lunch na. Sanay nadin akong mag isa no!
Naglalakad ako papuntang gym dala ang food ko. Ayoko sa cafeteria madaming couple bitter e no? That's life. Pakagat pa lang ako sa sandwich ko ng makita kong papalapit sakin si axel. Teka? Wait... Tinitigan ko syang naglalakad palapit ng palapit sakin at boom! nilagpasan nya ako at dumeretso sa babaeng nasa likod ko. Papunta sya sa babaeng kahit kailan hindi ko kayang pantayan ASSUMING ka kiara dane!
Napalingon naman ako sa kanila at kitang kita ko na naman ang ngiti nya, ngiti nyang gusto ko ako naman ang maging dahilan kaso malabong mangyari yun dahil kahit pangalan ko hindi nya alam. Ni hindi nya nga alam na may nag eexist na katulad ko na since first year college palang gusto ko na sya. Bawat makikita ko sya pagngiti nalang ang palagi kong nagagawa kahit maraming nag papaepal sakanya okay lang sakin basta makita ko lang syang nakangiti sobrang bait kase nya plus gwapo pa! mahilig din sa sports haaayz! Sino bang hindi magkakagusto sakanya diba? Dream guy ko talaga sya period.
Tumayo na ako at umalis. Di naman ako tanga para pakinggan ang pag uusap nila lalo'nat naririnig ko pa kung paano nya pakiligin si shiela. Si shiela na talagang mahal na mahal nya hmm. Pumunta ako sa soccer field at umupo sa ilalim ng malaking puno. Pinapanood ko lang yung mga varsity player mag practice kahit sobrang init. Malapit na kase ang foundation day kaya todo practice na sila kasali din sya dito pero mas pinili nya pang makasama ang mahal nya sabagay magaling din naman sya kaya di nya na kailangan mag practice.
Plinay ko ulet ang favorite songs nya pumikit at sumandal sa puno. Iniimagine ko lang na ako na yung susunduin nya sa room para sabay kaming mag lunch, yung ihahatid nya ako pauwi, tatawagan nya ako para kamustahin ang araw ko magkausap hanggang sa antukin. Ang sarap siguro sa feeling ng ganun pero ano nga bang magagawa ko? Isa lang naman akong simpleng babae na masaya na kapag nakikita ang ngiti nya okay nako.
Dumilat ako ng mata at nakita ko na namang palapit sya sakin, imagination ko na naman siguro to tinitigan ko ang mata nyang nakatingin din sakin at biglaaaang booooooooooom! Dumilim ang paningin ko.
Nagising ako dahil sa ingay ng dalawa kong kaibigan. Nasa clinic ako alam ko dahil ilang beses nako nakapunta dito."Ikaw na kaseng bumili!" Sigaw ni lyza.
"Bakit ba ako ang pinipilit mo eh sa tinatamad ako eh!" Sigaw pabalik ni kylie.
"Hindi ba kayo titigil dyan? Lalong sumasakit ulo ko sa inyong dalawa eh!" Sabay naman silang napatingin sakin.
"Okay kanaba? Ano ba kasing ginagawa mo sa fields? Bakit dun mo naisipan kumain alam mo namang puro bola ang mga nandun!" Sermon sakin ni kylie! K fine.
"Eh sa ayokong makita si axel na nakikipagusap kay shiela" Haayz naalala ko na naman teka? Bago ako mawalan ng malay nakita ko pang papalapit sakin si axel ah.
"Sino nagdala sakin dito?" Tanong ko.
Hindi naman sila agad nakapagsalita at nagkatinginan muna silang dalawa at sobrang lawak ng ngiti yung akala mo mapupunit na yung bibig nila kakangiti.
"Guess who?" Sabay kiliti sakin.
"Ano ba? Sino ba kase?" Sagot ko habang tumatawa parang tanga kase eh.
Nag tinginan ulet silang dalawa at sabay sabing.
"Si axel"