Usap usapan pa rin ang nangyari isang linggo na simula ng malaman ng lahat na si kyle at shiela na isang linggo na ding hindi pumapasok si axel, kamusta na kaya sya? Wala man lang syang post sa lahat ng accounts nya. Masyado talaga syang nasaktan sakabila ng nangyari marami ding natuwa lalo na yung mga babaeng dead na deadz sakanya syempre kasama na ako dun hahaha madami na namang umaasa na mas mapapansin sila ng sobrang gwapong mylabs ko natatandaan nya kaya ako? malabong mangyari yun asa pako."Kia, nasa gym daw si axel maglalaro daw sila sabi ni dale"
Agad naman akong napatingin kay lyza at tinignan sya ng mabuti kung nag sisinungaling ba sya o hindi kase madalas nya akong pag tripan nung nakaraang araw eh. Muka naman syang seryoso kaso muka syang tangang nakangiti kaya natawa kaming dalawa ni kylie sa itsura nya.
"Muka ba kong clown? Kung makatawa kayong dalawa dyan no!" Sabi nya tampururut pa ng konti.
"Bat kaba kase nakangiti dyan?" Tanong ni kylie.
"Happy lang ako kase may date kami mamaya ni boyfie at happy din ako kase magiging happy na naman si kia!" Sabay yakap sakin woaaah! sweet naman.
"Punta muna akong gym" sabay kuha ng gamit ko makikita ko sya ulet.
"Wait sama kami" duet nilang dalawa.
Tumango nalang ako matik na yun pag dating namin madami ng nakaupo sa unahan lakas talaga ng hatak ni axel sa girls. Nakahanap kami ng pwesto banda sa gitna dahil umalis yung tatlong lalaking nakaupo dun siguro may pasok na buti nalang. Hinahanap ko naman ang lalaking isang linggo ko ng hindi nakikita where na ba you?
"Kia chill nagbihis lang yun"
Napansin nya na pala akong naghahanap. Bigla naman nag sigawan yung mga girls at bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko malapit na sya nararamdaman ko na at dun ko sya nakitang nakikipag usap sa team mate nya na nakangiti.
Dug dug. Dug dug.
Tila slowmotion sa paningin ko ang paglalakad at pag ngiti nya habang papasok sa loob ng court napangiti ako dahil nakita kong okay naman na pala sya masaya ako dahil masaya na ulet sya.
"Matunaw KIARA!" Sigaw ni kylie sa tenga ko saket ah baliw talaga.
"Namiss ko sya eh" sagot ko at nakatitig pa din sakanya.
"Miss kaba? Haaay! Asa pa you dika nga kilala eh" singit naman ni lyza.
"I don't care, hindi naman na importante sakin kung kilala nya ako o hindi basta makita ko lang sya ulet na masaya okay nako" Nakangiti kong sagot sa dalawa.
"Sus! Talaga lang ah?" Ky.
"Oo nga manood na nga lang kayo ayan na oh! Maglalaro na boyfriend nyong dalawa!"
Tumingin naman na silang dalawa sa court at tinignan ang mga labs nila at syempre ako sakanya lang nakatingin sa lalaking matagal ko ng gusto.
"Go babe! I love you" sigaw ni kylie at syempre at hindi papatalo si lyza dyan.
"Baby! May kiss ka sakin pag nanalo kayo kaya galingan mo ah!" See? Magpakapaos kayong dalawa dyan hahaha.
Mas lalo namang umingay nung i cheer nila si axel.
"Axeeeeel! Baby! Galingan mo woooah!"
"I love you Axeeeeel!"
"Sasagutin kita pag nanalo kayoooo!"
Grabe sige lang cheer lang ng cheer ang sarap talaga nyang titigan pag nakangiti kaya naman halos mangisay sila sa twing ngingitian sila ni axel ako kaya kailan nya ako ngingitian?
"Go axel! Support ka daw ni kiaaa!"
Nanlaki naman ang mata ko ng sumigaw ang dalawang babaeng to! At talaga namang nagtawanan pa sila nakakahiya! Grabeee! Napatingin tuloy sakin yung mga nakakakilala sakin ano nalang iisipin nila.
"Kiaaa Support ka namen kay axel gusto mo pala sya?"
"Oo nga! Bagay kayo"
Ngumiti nalang ako sakanila at tinignan ng masama tong dalawang parang tanga at binunyag pa talaga nila ang sinisekreto ko? Sana hindi narinig ni axel myg! Bat ba ako natatakot eh hindi naman nya ako kilala. Pag tingin ko sa court bigla akong kinabahan bakit? Bakit sila nakatingin sakin?
Dug dug. Dug dug.
Nakatingin sakin si AXEEEEEL! at Ngumiti myg! What happen? Ano nangyari? Teka tinagalog ko lang ah haha pero wait! Bakit sya nakatingin sakin? Sinundot naman ako sa tagiliran ng busit na dalawang to!
"Ayieeeeh! Nakita ko yun" lyza.
"Keneleg kebe?" Pang aasar ni kylie.
Natawa nalang ako sakanilang dalawa dahil inaasar nila ako pero kilala bako ni axel? O baka naman dahil maingay tong dalawa to kaya sya napangiti? Kung ano ano tong pumapasok sa isip ko dahil sa ngiti nya! Nag simula naden ang laro at todo naman ang sigawan nila lalo na ang mga nag checheer sakanya. Gusto ko din sanang sumigaw kaso nahihiya ako gusto ko din sanang malaman nya na sinusuportahan ko sya. Natapos ang laro at syempre PANALO! kyaaaah! Kahit sa isip ko lang sya chinicheer atlis panalo sila. Kanya kanya naman ang punta nilang dalawa sa boyfriend nila kaya sumunod nalang din ako sakanila.
"Kia" Tawag sakin ni brent.
"Hi" sagot ko at ngumiti.
"Wala kapang boyfriend diba?" Agad naman akong umiling.
"Papakilala kita kay axel para naman makapag move on na" sabi nya at nagkatinginan naman kaming tatlo.
"Bat ako?" Gawd! Hehe
"Ikaw lang kilala naming single na kaibigan ni lyza e muka namang bagay kayo" Sabi naman ni dale Teka? Bagay kami? True ba? Kyaaah! Keleg is me naman.
Hindi ako nakasagot dahil hindi ko alam ang sasabihin ko kaya naman pa ngiti ngiti ako at sila sakin yung halatang kinikilig na nangaasar.
"Bakit pala tumingin kayo kanina sa pwesto namen? Masyado ba kaming maingay?" Tanong ni kylie.
"Tinuro lang namin si kia kay axel sabi namen single sya at pormahan nya si kia" sagot ni brent.
Whaaaaaaaaaaaat?! Pormahan ako? Bakit ako? Nakakahiya hindi naman ako maganda nakakahiya naman pero pwede din luh? Landi ko na! Hindi pwede alam kong masakit paren ang nangyari sakanya kaya hindi madaling mahulog ang loob nya sa isang katulad ko lalo na hindi ko kayang higitan si shiela.
Vacant time namen at nagpaalam muna ako kela lyza at kylie na maglalakad lakad muna ako feel ko lang mag emote. Nakarating ako ulet sa soccer field at umupo sa ilalim ng puno at nanood ng practice hindi naman na siguro ako matatamaan ng bola dito katulad nung isang araw hindi ko pa pala natanong yung nangyari nun at kung bakit si axel ang nagbuhat sakin. Hala! Okay lang kaya itsura ko nun?
Dug dug. Dug dug.
Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko kaya naman napatingin ako sa paligid at hinanap sya. Nakita ko syang nakikipag biruan sa mga kaibigan nya habang naglalakad papasok sa field.
Ang gwapo mo talaga axeeeeel. Paano ba maging sayo?
BINABASA MO ANG
His Alluring smile 😊
Historia CortaYung isang ngiti nya palang hulog na hulog kana! 😍