Nagising ako sa ingay ng mga babae sa labas at sinisigaw rin nila ang pangalan ni axel kaya naman lumabas kaming tatlo sa room at naki chismis kung anong meron at bakit naligaw sya dito sa building namin.
Dug dug. Dug dug.
Masaya syang nakikipag usap sa mga babae ang bait nya talaga. Napapangiti ako sa nakikita ko hindi talaga ako nagkamaling ikaw ang naging crush ko ewan ko lang bakit sinayang ni shiela ang katulad mo na almost perfect na. Madami din nagpapicture sakanya haaay! Diko talaga kayang gawin yan kaya naman kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan sya.
"Punong puno na yan ng stolen pictures ni axel ah?" Sabi ni lyza kaya naman tinago ko nalang ulet.
"Alam mo kia ikaw ang pinaka maganda sating tatlo pero ikaw pa yung walang boyfriend lapitan mo na kase at magpakilala ka" sabi naman ni kylie.
"Ayoko okay nako sa ganito" sagot ko.
Nawala sa paningin ko si axel. Ayan tuloy nasan na sya pa linga linga pako ng bigla akong kurutin at hampasin ng dalawa kong kaibigan at muka silang tangang nangingisay alam nyo yun tapos ngumunguso pa? Problema neto? Kaya naman napatingin ako sa likod ko.
Tila nag slowmotion na naman ang paligid ko at sya lang ang nakikita kong naglalakad nakangiti at nakatitig sakin at palapit na sya ng palapit sakin.
Dug dug. Dug dug.
At tumigil sya sa harapan ko as in talaga sa HARAP ko.
"Kiara dane?" Sabi nya.
Tulala padin ako at hindi makapag salita sa harapan nya titig na titig lang ako sa kanya totoo ba to? Hindi to panaginip diba?
"Kiara?" Ulet nya sa pangalan ko.
"Ba..kit? Utal kong sagot.
Ngumiti sya na parang natagpuan nya na ang papakasalan nya kyaaa! Charoot.
"Chm ka pala? Kanina pa kita hinahanap eh buti nalang may nakakakilala sayo at tinuro ka" Hinahanap nya ko? Why?
"Bakit moko hinahanap? At paano mo nalaman ang pangalan ko?" Myg! Feel ko talaga lalabas na ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok.
Nilabas nya ang panyo ko at pinakita ang nakaburda kong pangalan. Kaya pala, hinanap nyako para ibalik lang ang panyo ko? O dahil para makita ako ulet.
"Here, thank you pala ang bilis mo kaseng maglakad nun e di tuloy ako nakapag thank you sayo" abot at sabi nya kaya naman tinanggap ko nanginginig pa kamay ko nakakahiya.
"Pwede ka ba mamaya? Yayain sana kitang mag coffee after class" Ako? Niyayaya nya? Can't believe this po!
"Oo pwede sya wala naman kaming lakad eh" singit ni lyza kaya naman napa tingin ako sakanya.
"Ikaw yung girlfriend ni dale diba?" Tanong nya.
"Yes, tsaka eto si kylie girlfriend ni brent" Nag hi naman si kylie sakanya.
"Yes i remember, so ikaw si kia? na kasama nilang dalawa sa gym kahapon?" Napatango naman ako lord sana po di nya maalala yung sinigaw ng dalawang to.
"They are right maganda ka nga sige sunduin nalang kita mamaya ha? Bye" Nakangiti nyang sabi sabay alis kaya naman nawala na samin ang atensyon nila.
Tama ba ang narinig ko? Maganda ako? At susunduin nya daw ako mamaya? Kinurot ko ang sarili ko kaya naman nasaktan ako totoo nga! Susunduin nya ako mamaya! Kyaaaaaaaaaaaaaaaaah! Sinundot nanaman nila ako sa tagiliran at pinaghahampas ako.
"Ayieeeh! Sa wakas napansin ka din nya!" Duet nilang dalawa.
"Makahampas naman kayong dalawa dyan!" Reklamo ko pero hindi mawala sa labi ko ang ngiti ko susunduin nya ako mamaya mygawd! Hehehe
Inaasar lang nila akong dalawa nung makapasok kami ulet sa room at chinika na talaga nila agad sa boyfriend nila na pinuntahan ako ni axel at susunduin daw ako kadaldalan talaga nilang dalawa. Kaya naman inspired ako sa klase ngayon at hindi mawala ang ngiti ko panay din ang pag sagot ko sa recitation kaya naman natatawa silang dalawa sakin. Inaasar din ako ng mga classmates ko na suportado daw kuno sa love team namin ni axel sa wakas daw magkaka boyfriend na ako niyaya lang akong lumabas boyfriend agad? Kaya naman lalo akong kinikilig sa naiisip ko na kaming dalawa lalabas mamaya.
Vacant ulet kaya lumabas muna silang dalawa at pupunta daw sa boyfriend nila nag paiwan ako kase nahihiya akong lumabas baka pag usapan pa ako nakakahiya talaga kaya mas pinili ko nalang mag stay at nakinig ng favorite music nya.
(Beep) tunog ng cellphone ko. May nag text na unknown number.
"Kia right?" Basa ko sa text rereplyan ko ba? Parang iba kase pakiramdam ko sa text.
"Sino to?" Reply ko.
"Axel, akala ko kase mali ang binigay na number sakin ni dale eh" Muntik ko na mabitawan ang cellphone ko sa nabasa ko nag text sakin si axel! Kinuha nya ang number ko? Kyaaaaaaaaaah!
"Hey, wrong send ba ako" Text nya ulet. Sorry naman kinikilig pa kase ako.
"Ahh yes si kia to" Mygawd! Totoo ba to? Para nakong tangang nakangiti dito! Pinagtitinginan nako ng mga classmates ko.
"Okay, see you later" Takip muka! Ngiti kyaaah! Gusto kong sumigaw sa sobrang kilig dito. Hindi ako makapaniwalang nangyayari sakin to ngayon. Paano pa kaya mamaya pag sinundo nya na ako? Lord thank you po! Hindi ko naman po to hiniling pero binigyan nyo po ako ng ganitong moment.
Dumating na sila kylie at napansin nilang sobrang pula ko kaya naman tinitigan nila akong dalawa.
"Anyare? Bakit parang may hindi kami alam?" Sabi ni lyza at titig na titig sakin.
"Wala" Sagot ko at ngiting ngiti pako.
"Anong wala? ano ngang meron? may hindi kaming alam na nangyari e" pangungulit ni lyza.
"Nagtextsakinsiaxel" mabilisan kong sabi at kinilig kyaaaaah!
"Ano?" Gulong tanong ni kylie.
"Nag text sakin si axel" malinaw kong sabi.
Nagkatinginan naman silang dalawa at sabay tili at hampas sakin. Aw! ang sakit ah nakakadami na sila ngayong araw.
"Pabasa? Hihihi" sabi ni ky.
"Ayaw!" Sagot ko.
"Damot sige naaa!" Kiniliti nila ako para makuha ang phone ko kaya wala na akong nagawa kundi tignan nalang silang parang tangang nagbabasa at maghampasan haaay! Mga abnormal talaga mga friendship ko. Kaya napapangiti nalang ako sakanilang dalawa.
Dumating na ang instructor namen at nag discuss at heto padin ako lutang na lutang at lumilipad ang isip haaay. Lord thank you po talaga! Woaaah! Natapos na ang klase na hindi ako napansin na wala sa sarili. Nag aayos ako ng gamit ng marinig ko ang mga tilian ng mga babae sa labas.
Dugudug. Dugudug.
Bumibilis na naman ang heartbeat ko. Kaya naman napatingin ako sa labas at kitang kita ko ang lalaking nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Naglalakad syang dala ang ngiti sa labi nya dahil sa titig na titig ako sakanya bigla nalang nagtagpo ang tingin naming dalawa feel ko nga may kuryenteng nag dudugtong sa mata naming dalawa.
Kaya naman inayos ko na ang bag ko at naglakad papunta sa pinto kung saan sya nakatayo at naghihintay sakin. Dati pangarap ko lang to ang sunduin nya ako para ihatid sa bahay. Hindi pa din ako makapaniwala na nangyayari talaga to! Parang slowmotion naman akong naglalakad palapit sakanya.
"Hi" sabi ko ng nasa harap nya nako.
"Let's go?" Gosh! feel ko mahihimatay na talaga ako dito! Kyaaaaaa! Talaga!
Tumango nalang ako at nag paalam sa dalawa kong kaibigan na tulala sa mga nangyayari ngayon. Eto na talaga napapasulyap pa ako sa kanya habang sabay kaming naglalakad hindi ko na masyado napapansin ang mga tao sa paligid ko dahil sya ang kasama ko. Napapangiti ako sa nangyayari ngayon na akala ko hanggang imagination nalang. Nakalabas kaming dalawa ng gate na pinagtitinginan kaya naman diko din maiwasan yumuko.
Pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse nya at sumakay can't believe this talaga! Ngumiti sya at inistart ang sasakyan ni hindi ako makapagtanong kung saan kami pupunta napasandal nalang ako at iniimagine na eto ang first date naming dalawa.
Thank you po talaga! 😍