Two.

18 0 0
                                    


Hindi pa din ako makapaniwala sa sinabi ng dalawa kong kaibigan. Lutang akong nakauwi ng bahay pa ulit ulit na nag eecho sa isip ko ang sinabi nila. Bakit? Paano nangyari? Ang huli ko lang na naaalala yung palapit na naman sya sakin at alam kong imagination ko lang yun.

Kinuha ko ang laptop ko at humiga ano pa bang gagawin ko? Edi mag check ng new post ni axel, scroll down and up. Why so gwapo axeeeeel! Binasa ko mga comments sa pictures nya grabe talaga ang daming nag kakagusto sakanya kyaaah! Swerte talaga ni shiela pero bat nakikita kong mas madalas magkasama si shiela at kyle?

"Makatulog na nga!"

Pinatay ko na ang ilaw at natulog. Nagising ako sa ingay ng cellphone ko ang aga aga pa eh!

"Hmm" sagot ko.

"Kia, nakita mo na ba yung post ni kyle?"

"Anong meron kay kyle? Sino ba to?"

"Lyza the pretty duh?! Bumangon kana nga dyan at tignan mo ang post nya daliii!!"

"Ang aga aga pa eh! Mamaya nalang"

"Kyle posted a picture with shiela kia! ibig sabihin wala ng pag asa si axel sakanya!"

Napamulat at napatayo ako sa narinig ko pinatay ko ang call ni lyza at nag online at dun ko nakita ang picture nila na magkahawak kamay what happen? alam naba ni axel to?

Habang naglalakad ako papunta sa room rinig ko ang usapan about kay kyle at shiela paano na si axel? Paniguradong alam nya na yun at nasasaktan sya ngayon nasaan kaya sya ngayon? Pagkapasok ko iniwan ko lang ang gamit ko sa upuan at lumabas ulet hahanapin ko si axel kahit saan ako dumaan usap usapan padin sila naririnig ko din na naaaawa sila kay axel. Where are you ba axel?

Dug dug. Dug dug.

Nakarating ako sa garden at bigla ko nalang naramdaman ang pag bilis ng puso ko andito sya. Nagtago ako sa likod ng puno habang nakatingin sakanya gusto ko syang lapitan at tanungin kung okay lang ba sya? Pero obvious naman ang sagot dun kitang kita ko ang pagtulo ng luha nya habang nakatingin sa mga halaman. Naramdaman ko naman ang pag vibrate ng cellphone ko.

"Nasan ka?" Bungad ni kylie.

"Garden" sagot ko.

"Ano namang ginagawa mo dyan? Padating na si sir uy!" Sabi nya.

"Ky, umiiyak si axel"

"Huh?" Litong sagot nya.

"Nandito ako sa garden at nandito si axel umiiyak sya lalapitan ko ba?" Tanong ko habang nakatingin kay axel.

"Ikaw bahala kaya mo ba?" Ky.

"Susubukan ko bye na" Pinatay ko na ang tawag diko namalayan na naiiyak na din pala ako. Bat parang ang sikip ng dibdib ko? Dahil ba nasasaktan din ako kase nakikita ko syang umiiyak? Dahil ba nasasaktan din ako kase nasasaktan sya? Ganito na ba talaga kita ka gusto axel? Sa twing nakangiti ka ngumingiti din ako grabe pala ang epekto mo sakin.

Yumuko sya at patuloy pading umiiyak, naglakad ako palapit sakanya at umupo sa tabi nya, hindi ko alam kung paano ko sya kakausapin dahil sobrang bilis ng heartbeat ko feel ko namamawis na tong kamay ko sa sobrang kaba. Eto na kia! Katabi mo na sya.
Enhale Exhale. Enhale Exhale.

Dug dug. Dug dug.

"Hi" Kabado kong sabi.

Napatingin naman sya sakin at pinunasan ang luha nya bakit ang sakit na makita kang umiiyak.

"Are you okay?" Tanong ko ulet.

Nakatingin lang sya sakin at hindi kumikibo.

"Ahmmm sorry na istorbo kita bakit ka umiiyak?" Shocks! Kia seriously kinakausap mo si axel? At nagtanong kapa talaga!

"Im okay" Sagot nya. Wait! Ang ganda ng boses nya ah ang sarap pakinggan. Kinuha ko ang panyo ko at inabot sakanya.

"You're not okay, take it pasensya na sa istorbo" Sabi ko at derederetsong umalis gosh! Kinabahan ako dun ah. Hindi ako lumingon dahil baka pag lumingon ako tumakbo ako palapit sakanya at yakapin sya ng sobrang higpit.

Nag didiscuss ang prof namen sa harapan pero heto ako nakatingin sa labas iniisip kung ano ng ginagawa nya? Okay naba sya? Nakapag usap na kaya sila ni shiela? Umiiyak pa din kaya sya? Gosh! Gusto ko syang puntahan at kausapin alam kong kailangan nya ng kausap ngayon.

"Kia? Okay ka lang? Tulala ka dyan umalis na si sir lunch na tayo" Sabi ni lyza.

"Sige" Sagot ko.

"Okay ka lang ba? Masama ba pakiramdam mo?" Singit naman ni Kylie.

"Okay lang ako, iniisip ko lang si axel girls kitang kita ko kung paano sya umiyak ramdam kong sobrang nasasaktan sya kaya nasasaktan din ako" Naalala ko na naman yung kanina.

"Apektadong apektado ah? Go and find him malay mo gumaan ang loob nya lalo na hindi ka nya kilala diba minsan mas maganda mag labas ng sama ng loob sa stranger? Right Ky?" Sabi ni lyza.

"Actually frienyyy, kinausap na ata ni kia si axel kanina tama bako?" Ky.

"Oo, dahil stranger ako sakanya hindi nyako kinausap at im okay lang ang sinabi nya sakin"

"Really? Nakaya mo? Iba ka talaga frieny shock yun sa beauty mo panigurado at baka mamaya lang nakalimutan nya na si shiela at ikaw na ang hinahanap hanap nya!" Baliw talaga tong kaibigan ko nagtawanan naman kaming tatlo pero okay naba talaga sya? Kia! Okay lang sya okay?

After our classes nagpaalam na silang dalawa sakin dahil may date pa daw sila edi sila na! Nag library nalang ako para mag research research mas maganda ng handa no kesa sa dalawang yun puro pag ibig lang ang ginagawa haaay! Pero diko sila masisisi okay din naman silang students eh pero mas okay ako haha.

"Miss? Magsasara na tayo hindi kapaba tapos?" Sabi ng librarian.

Napatingin naman ako sa orasan oo nga mag 6pm na tumayo na ako at humingi ng paumanhin masyado akong nag enjoy magbasa eh. Bumalik ako sa room at kinuha ang payong ko umaambon kase eh mahirap na baka lumakas at maging basang sisiw ako pauwi. Pababa nako ng hagdan ng may narinig akong umiiyak. Gosh! May multo ba dito? Dahan dahan akong bumaba at sumilip ng konti pero iba ang nasilip ko si axel at shiela hindi muna ako lumabas at pinili ko nalang mag stay sa pwesto ko at pakinggan ang usapan nila.

"Sorry axel sinubukan ko namang mahalin ka e pero sya padin talaga" sabi ni shiela.

"Hindi ko pa rin pala talaga sya kayang palitan sa puso mo" sagot ni axel.

"Axel, sinabi ko naman sayo na wag mo ng gawin to?" Shiela.

"Gusto kita kaya kahit alam kong wala akong pagasa sayo ginawa ko padin to, handa kong pakinggan ang mga hinaing mo sa twing nasasaktan ka sakanya, kahit nasasaktan ako sa twing nakikita kitang umiiyak ng dahil sakanya pero wala naman akong magagawa dahil sya pa din talaga ang gusto at mahal mo siguro hanggang dito nalang talaga tayo okay nakong napapasaya kita wag kang magalala hindi ako galit sa inyo magiging masaya din ako para sa inyong dalawa" Ramdam ko ang sakit na dinadala ni axel dahil ganun din ang naramdaman ko ng nakita ko syang umiyak kanina. Tumulo na naman ang luha ko! Ang sakit.

Bigla namang bumuhos ang malakas na ulan at mukang nakikisang ayon ang panahon sa nangyari ngayon. Sumilip ako ulet at umalis na pala silang dalawa kaya lumabas na din ako para makauwi na.

"Ginabi ka naman iha, ayan tuloy naabutan ka na ng ulan" sabi ni kuya guard.

"Madami pong tinapos eh una na po ako byebye po" paalam ko.

Nakauwi nako ng bahay at humiga masyado akong napagod ngayon at feeling broken hearted din katulad nya. Binuksan ko ang facebook ko at binisita ulet ang account nya. Wala syang bagong post mukang wala pa syang balak makipag usap ngayon makatulog na nga lang.

His Alluring smile 😊Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon