Chapter 1:Good News

111 1 0
                                    

Update :))

Chapter 1 : Good news

Hi ako pala si "Princess Akira Corpuz" o madalas tawagin na "Cez" o "Akira"... 16 taong gulang pa lamang ako na lumaki sa Probinsya... Hindi kami mahirap o mayaman kundi sakto lang... 9 kaming magkakapatid at ako ang bunso saAmin... Sabi nila maganda daw ako, may pagkapilya, mabait pero masama kung magalit, kayumanggi, matalino at may sapat na katangkaran...

Andito ako ngayon sa bukid namin nagtatanim ng palay... May sakit kasi si ama kaya hindi sya makatrabaho.. Kaya naman nagprisinta ako na pumunta dito kasama ng ilan kong kapatid kahit ayaw nila ama at ina...

Haixt ang init sobra at nakakapagod... Makapagpahinga nga muna...

"ui Akira inum ka muna ng tubig alam ko namang pagod ka na at hindi ka naman sanay sa gawaing bukid" sabi naman ng aking bestfriend habang inaabot ung botelya ng tubig...

Sya si "Kristoffer Sai Fernandez" o "Sai" ang aking matalik na kaibigan at kababata...Gwapo, matalino, hot, may kaya sa buhay, mabait at higit sa lahat habulin ng babae... Pero kahit habulin sya wala pa syang syota..

At tama kayo ng nababasa hindi ako sanay sa gawaing bukid... Ayaw kasi nila ama kaya naman naiinggit ako sa mga kapatid ko kasi marunong sila...

"Salamat..." sabi ko at inabot ang botelya ng tubig

"Ayos lang ako anu ka bA" dagdag ko pa panu naman kasi worried ung mukha nya...

"Anong ayos eh tignan mo nga sarili mo ang itim mo na... Tapos pawis na pawis ka pa" ayan nanaman po sya ang bestfriend ko na parang tatay kung magalit..

"ay hindi pumuputi ako haha " pabiro kong sagot

"at saka wag mo nga akong sermonan na para kong tatay.. May mata ako para makita ko pagbabago sa kulay ko at kahit umitim pa ako maganda parin ako" dagdag ko pa habang nag aaktong hinahawi ang buhok kong mahaba

"lakas din ng self confidence mo ano... Kamukha mo na nga si Jaya sa itim mo hahaha" pang aasar nyang sagot sakin

Kahit kailan talaga mapang asar itong Sai na ito kaya naman pinag babato ko sya ng kung anu man mapulot ko...

"Aray... Tama na Akira..." sagot nya habang umiilag sa mga pinagbabato ko sakanya...

"anong tama na... Bagay yan sayo... Oh sige ilag lang hahaha " sagot ko habang tUmatawa at pinagbabato...

"Oi Akira wag yan masakit yan... Hindi na magandang biro yan" sabi nya habanp pinipigilan akoNg ibato ung malaking bato..

Oo may malaki akong batong hawak-hawak at ibabato ko sana nung biglang nagsalita si kuya Khio

"Akira parang tinatawag ka ni ate Daisy mo" sabi nya habang tinuturo ang babae sa di kalayuan..

"ah sige kuya una na ako" pagpapaalam ko kay kuya

"Sige ingat ka... Sai samahan mo na baka may ahas dyan sa daan" sagot ni kuya habang patuloy sa pagtatanim...

"Halika na Sai bilisan mo" sigaw ko kay Sai habang tumatakbo

Pero nagulat ako ng bigla nya akong hawakan sa kamay at hinila patakbo...

"h-hoy Sai bitiwan mo nga kamay ko " at aktong hinihila kamay ko habang ramdam kong namumula ako

Oo may gusto ako sakanya haha crush lang naman hihi... Anu bA yan lumalandi

Pero hindi nya binitiwan kamay ko hangGang nakarating kami kay ate...

"Bakit ate at tinatawag mo ako?" tanong ko habang hingal na hingal sa pagtakbo

"tawag ka ni ama kasi may dumating na sulat" sagot ni ate kaya naman humawak ako sa braso nya habang naglalakad kami pauwi...

Nakalimutan ko na ngang kasama ko si Sai eh hehe

Pagkarating sa bahay inabot agad ni ama ung sulat...

o_O nagulat ako nung nabasa kong galing AU... Nag entrance kasi ako at nagbabasakali

"galing po to sa Ayanakouji University ama ah" sabi ko kay ama

Ang Ayanakouji University ang pinakakilalang Unibersidad sa lupalop ng Pilipinas..

"buksan mo daliiii... Ano kaya yan baka pumasa ka anak sa entrance" sabi ni ina na aktong excited buksan ung sulat...

Habang binubuksan ko, nakapikit ako na aktong nananalangin na sana resulta ito ng entrance exam at pasado ito

At pagkabukas unti-unti kong binubuksan mata ko

Ng

o_O Oh my Gosh pasado ako... Yez!!

At dah!l sa tUwa niyakap ko si ama at ina na nagpapatalon talon pa

"Ama, Ina, Pasado akoO" sabi ko habang yakap sila

"Salamat sa Diyos... Buti na lang Fernan sakin nagmana ng utak tong bunso natin" pang aasar ni ina kay ama

"Anung sayo? Sakin nagmana yan noh mas magaling ata ako ng math sayo Gloria" sabat naman ni ama kay ina na pangisi ngisi pa

Kaya naman bago pa humaba ang bangayan sumingit na ako...

" Hep hep para walang away wala sainyo pinagmanaan ko" proud kong sabi haha

"at bakit" sabay pang sabi ni ama at ina na nakapamewang pa..

"May stock knowledge ako... Kayo meron po bA?" pang aAsar kong sabi

Ang masama sabay pa nila akong binatukan at nagtawanan..

"Aray naman ama, ina, bigat ng kamay nyo huh.. Dyan na nga kayo ibabalita ko pa toh kay Sai" at naglakad na palabas habang hinihimas ung binatukan nila

Pagdating ko kila Sai ay agad kong binalita sakanya na nakapasa ako pero parang hindi sya masaya

"ui Sai good news balita ko hindi bad news para ka namang nalugi sa muka mo" sabi ko sakanya habang nakabusangot ang mukha nya

"masaya naman ako para sayo pero panu na ako iiwan mo.." sabi nya na para bang batang iiwan

"psh anu ka ba may cellphone naman para makapagcommunicate tayo.. Tawagan mo ako madalas" nakangiti kong sabi para icheer up sya..

"Oo na basta pangako mo na ako lang bestfriend mo wala ng iba" pangisi ngisi nyang sabi na parang bata

" Oo naman kaw lang talaga pangako" sabay abot ng pinky finger ko na nagpapatunay na nangangako ako

At inabot nya naman ito... Nag Pinky promise kami...

_________

Zaunaco's Note:

salamat po sa pagbabasa... Ipagpatuloy nyo lang po :) hehe sa pamilya po ni Akira ay nakabase sa pamilya ko iniba ko lang pangalan ng mga kapatid ko... :)

Pavote naman po :))

Probinsyana (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon