Chapter 8
(kinanbukasan nang 5:30 am)
Ready to school na ‘ko nang biglang nag ring ‘yung mamahalin kong
telepono. tinignan ko kung sino at si walang hiyang Mathew lang naman
pala ang tumawag sa ‘kin.
“hellow?” sabi ko
“Steph---”
“babay” hindi ko na siya pinatapos sapag sasalita nang binabaan ko na siya kaagad.
*krrrriiiiinnnggg* *krrrriiiiinnnggg*
tumatawag nanaman siya. hidni ko nalang ‘to sinagot baka sirain niya nanaman ‘yung
araw ko. matagal tagal ding nag va-vibrate ‘yung phone ko ah? hindi naman kaya siya
napapagod niyan?
umalis na ‘ko sa unit ko. binuksan ko ‘yung pinto at nglakad nang mga limoang hakbang.
“wooaaaah!” boom! nahulog ko ‘yung cellphone ko. pa’no ba naman kase, ‘yung kaptibahay ko.
nakasalubong ko. natakot naman ako bigla. ang agaga. naka taas ‘yung kilay. haist.
“ahh. eeh.. hellow!” sabay kaway tska ngiti. tinaasan niya lang ako nang kilay ahh.
haist. “napaka taray. kala mo, menopausal baby ‘tong lalaking ‘to. haay! bahala ka
na nga!” bulong ko sa sarili ko. pero mukang narinig niya yata. lagot ako nito!
huhubels!
“anong sabi mo ms.?” tanong niya sa ‘kin habang naka cross arms pa.
lumingon muna ako sa kanan, sa kaliwa, at sa likod. “ahh, ako? ano sabi ko?”
sabi ko habanag naka turo sa sarili ko.
“hindi, ‘yung unit mo. malamang ikaw! ano ko? baliw? nag sasalita nang
mag isa?” aba’t nang bara pa ‘tong kumag na ‘to ah! nakaka irita na!
“hoy MR! kinakausap kita nang maayos. kaya wag mo ‘ko pag lo-lokohin!”
iritang sinabi ko sa kanya.
“hoy MS! para sabihin ko sayo. ikaw ang nag simula, may binubulong ka tungkol sa’kin!
kaya wag ka nang mag kaila! anong sinabe mo?” sabi niya sa ‘kin habang
naka taas ‘yung kilay. muka talaga siyang bakla. haist! juiceko! bakit ganito? kung sino
pa gwapo, siya pa ‘yung bakla! huhuhuhuhu kawawa naman ‘tong nilalang na ‘to!
“alam mo naman palang may binubulong bulong ako dito, bakit ka pa nag tatanong?”sabi
ko sa kanya.
“e alam mo naman na bumulong ka, natural, hindi ko maririnig!” sabi niya sa ‘kin.
“e pano mo nalaman na bumulong ako kung ‘di mo narinig.” sabi ko sa kanya nang naka
cross arms at naka taas ‘yung kilay. “naturingang chismosa pala ‘tong baklang ‘to!” bulong ko
ulit sa sarili ko.
“malakas kaya ‘yung pagka bulong mo. at ayan! bumulong ka nanaman! dinig na dinig
ko!” sabi niya nang may facial expression na naiirita.
“kung malakas, bakit ‘di mo narinig? ang gulo mo rin e no!”
mag sasalita pa sana siya nang biglang bumukas na ‘yung elevator. pumasok na ‘ko
agad baka maunahan niya pa ‘ko. pinindot ko na ‘yung G button para maka baba na. baka
makahabol pa ‘tong kumag na ‘to!
“HAHAHAHA! diyan ka na! babayu!” kumaway ako sa kanya nang may halong belat.
“may araw ka sa ‘king feeler ka!” sigaw niya naman sa ‘kin bago pa mag sara ‘yung
elevator nang tuluyan.
haist! napaka impakto talaga nung lalaking ‘yun! nakaka urat. akala mo talaga,
mataray na bakla, o di kaya, menopausal, o broken hearted, na marami pa!
naiinis ako sa kanya!
“Stephanie!” napalingon naman ako kaagad sa likod ko kung
saan may tumawag sa mala diyosa eeste, dyosa kong pangalan!
“Junjun! ikaw pala!” sabi ko sa kanya.
“bakit ang aga aga, naka kunot ‘yang malapad mong noo!” sabi ni Junjun.
*waaapaakk!* “wala pang nag sasabi na malapad ‘to!” sabi ko sa kanya.
“makinis lang talaga ‘tong noo at muka ko! inggit ka lang!” dagdag ko pa.
“’to naman! special moves mo na yata ‘yang pag batok e ‘no?” sabi niya.
“oo e. automatic na ‘tong kamay ko. hehe” sabay ngiting wagas.
“hay nako steph. puro ka kalokohan!” sabi niya habang hinihimas himas ‘yung
hinampas ko sa kanya.
“o bakit ka ba naparito?” tanong ko sa kanya.
“naka limutan mo na ba? sinabi mo sa ‘kin kagabi? na sunduin kita!” sabi niya.
“ay. oo nga pala! hehehe.” sabio ko sa kanya.
“kanina parin ako tawag nang tawag sayo e! bakit di mo sinasagot?”
“ay, ikaw pala ‘yun? akala ko kasi si Mathew na e.” pinasok ko ‘yung kamay ko sa
bulsa ko. pero parang wala akong makapa? sa kabila ko ring bulsa. wala din ‘yung
phon ko.
“Steph? ano nangyari? ano hinahanap mo?” tanong sa ‘kin ni junjun.
“’yung phone ko. nawawala!” binuksan ko narin ‘yung bag ko. pero wala parin
akong makitang phone dun sa bag ko. nilabas ko nab aril ko, bazooka ko, laptop
ko, make up kit ko. hehe. joke lang. wala parin akong mahalungkat. nu bayan!
baka naman, “Kyyyyaaaaaaaaahhhh!” napatili ako nang maalala ko, na
nahulog ko pala sa harap nang unit ko ‘yun. baka nakuha na ‘yun nang kumag na ‘yun?
“steph? bakit ka tumili? ano meron?” tanong ulit sa ‘kin ni junjun.
“’yung phone ko. nahulog kop ala sa harap nang unit ko. nakalimutan ko na naman.”
“bakit mo ba nahulog ‘y----”
“mamaya ko na ku-kwento jun, kukunin ko lang! wait ka lang diyan!” ‘di ko na pinatapos
‘yung sasabihin ni junjun kasi, tumakbo na ‘ko kaagad papunta sa elevator
na may bumaba. GRRRRR! ‘yung kapitbahay ko. haist.
BINABASA MO ANG
I Met Mr. Snobbero
Teen FictionSi Stephanie Smith ang babaeng mayaman, maganda, maputi, makinis, halos lahat ay nasa kanya na. Pinag kaka-guluhan siya ng kalalakihan at kina iidolohan ng mga kababaihan. Feeling niya tuloy lahat nang kalalakihan ay nag kakagusto na sa kanya. Paan...