Lock

7 1 0
                                    

Chapter 4

Gusto kong magmulat ng mata pero tinatamad pa ako. Narinig ko na may kausap si Kiko.

"Kamusta na sya?"

"Maayos na po parang di nga naaksidente sa sobrang pagka hyper kanina nung gumising"

"Mabuti naman at hindi sya gaanong napuruhan"

"Oo nga po, pero sana tuloy-tuloy na. Sabi po kasi ng doktor na kailangan pa nyang mag stay dito ng ilan pang linggo para mai-check kung talagang okay na sya"

Huh? Bakit naman kailangan pa nila akong i check? Eh ayos na ayos na ako e. Wala na namang nasakit saakin bukod sa sugat na meron ako. Minulat ko ang mga mata ko.

Tiningnan ko si Kiko kausap nya pala si Tita.

"Oh gising na sya. Good evening hija." sabi ni tita nang ibaling nya ang tingin nya sa akin.

"Good evening din po" pilit ko namang iniangat ang sarili ko para maka upo. Pero ang hirap dahil sa sementado kong binti. Ang hirap nya igalaw.

"Tulungan mo sya Kiko, i-adjust mo yung kama nya para hindi sya mahirapan" utos ni tita kay Kiko.

"Wag mo munang pilitin ang sarili mo"

"Sorry" sabi ko dito.

"Okay na. Gusto mo bang kumain?" Tanong ni Kiko.

"Oo"

"Manaanas muna ang kainin mo. Nabili pa si daddy ng pagkain natin" sabi ni Kiko at hiniwa ang mansanas. Matapos nya itong hiwain ay inabot naman nya 'to sa akin.

"Gusto mo?" Tanong ko sa kanya. Nakatitig lang ito sa akin.

"Ikaw po tita? Gusto nyo po"

"Sige lang hija"

"Okay po"

Ibinaling ko naman ang tingin ko kay Kiko. Nakatingin pa rin sya sa akin. Kumuha ako ng slice ng mansanas at kinagat yon pagkatapos ay tinapat ko naman sa bibig nya yung kinagatan ko. At kinain naman nya.

Tsk. Gusto pang sinusubuan. Ganon lang ginawa ko hanggang sa maubos yung masanas.

"Balat ka pa please..." sabi ko dito at nagbalat naman sya ng mansanas at dalawa na ang binalatan nya ngayon.

"Salamat" sabi ko dito at kinain na ulit yon ng kahati sya.

Nangangalahati na ang binalatan nyang mansanas nang mag tanong si tita.

"Naglilihi ka ba hija?" Nanlaki naman ang mata ko sa tanong na yon.

"Hala tita! Hindi po! Virgin pa po ako!" Mabilis kong sagot sa kanya.

"Nagtatanong lang ako hija" sabi nito at tumawa nakitawa naman sa kanya si Kiko kaya napa pout nalang ako.

Grabe sila sa akin.

"Mom, Favorite nya ang mansanas kaya ganyan yan" sabi ni Kiko matapos nitong tumawa.

Luko-luko.

"Pero I'm glad na hindi mo ikinakahiyq na Virgin ka pa" sabi ni tita. Nginitian ko naman sya.

"Eh itong si Kiko kaya? Virgin pa?"

"Baka po hindi na. Hahahhahahahah" sagot ko kay tita at tumawa naman ito.

"Virgin pa ko" sabi ni Kiko na naka straight face lang.

"Talaga ba?" Tanong ko dito.

"Tss"

"Ows?"

"Oo nga! Kulit mo!"

"Yung totoo?"

"Oo nga sabi!"

"Mamatay man ako?"

"Syempre hindi! Loko ka rin"

"Edi nagsisinungaling ka nga? Hindi kana Virgin 'no?"

"Virgin pa nga"

Tawa naman ng tawa si tita sa kakulitan namin ni Kiko. Hahahahhaha. Nakakatuwa kaya ang mukha ni Kiko. Halatang naiinis na sya.

Maya-maya pa'y may pumasok na sa kwarto.

"Oh, gising na pala ang asawa ng anak natin" Hala si tito! Asawa agad? Di ba pwedeng fiance lang? Chararotttt. Jowa pa nga lang e.

"Hindi pa nga po nag po propose e. Asawa agad?" Pabirong tanong ko kay tito na ikinatawa naman nito.

"Oh? Bat ka namumula? Kakagatin kita dyan, parang mansanas!" Sabi konsa kanya.

"Hala hon, magkakagatan yung dalawa. Dapat na ba tayong umalis?" Sabi ni tito. Nagtawanan naman kami sa sinabi nito. Grabe talaga to si tito.

Mabuti nalang at hindi ako masyadong pikunin.

Kumain na kami ng dala ni tito na hapunan. Nagtake out lang sya sa isang fast food.

Natapos kaming kumain ng hapunan at nag stay mula sila dito ng isang oras bago umalis. Ihahatid sana ito ni Kiko hanggang sa kotse nila pero sabi nila emay dito nalang daw si Kiko para may kasama ako.

Ang sweet nila. Sana sila nalang ang magulang ko.

Ni lock ni Kiko ang pinto ng kwarto.

"Hoy! Anong binabalak mo at ni lock mo ang pintuan?" Tanong ko dito.

"Sabi mo gagawa tayo ng baby natin?" Sabi nito nang may nakakalokong ngiti.

"Hoy! Hindi pa ako magaling!" Sabi ko.

"Gusto mo naman?"

"Oo! pero hindi pa ngayon!"

Gusto kong magkaroon ng anak pero hindi pa ngayon 'no! Hindi pa ako ready. Tsaka ambata bata ko pa e. 23 lang ako! Buti pa sya at 25 na!

"Alam mo bang gusto ko ng isang squad na anak? Yung may basketball players at cheerleader, para complete pakage?"

"Loko ka! Ginagawa mo akong inahing baboy sa lagay na yan ha?!"

"Kaya babe, dapat na nating simulan ngayon para makarami pa tayo"

Aba may kalibugan din palang taglay 'to.

"Hoy Mr. Virgin. Kung mapagsalita ka parang napaka dami mo nang experience ah! Umamin ka nga. Di ka na Virgin 'no?!" Sumbat ko dito.

"Tss. Hoy. Virgin pa ako! Baka ikaw ang hindi dahil ipinagpipilitan mo sa akin yan ha!"

"Hoy Virgin pa ako. Kahit tingnan mo pa. Kahit buklatin mo pa. I-check mo sige! Halika dito kalkalin mo!" Sigaw ko sa kanya.

"Oh tingnan mo ikaw naman ngayon ang highblood na highblood!"

"At least ako kaya kong patunayan na Virgin pa ako. Ikaw? Anong patunay mo?"

"Oo na. Wala akong patunay pero virgin pa ako! Ni hindi ko pa 'to na ipapasok sa kahit sino 'no! Hanggang kamay lang ako! Pero kung gusto mo naman na wala ang pagka birhen nating dalawa willing naman ako babe ih. Sabihin mo lang." anlaswa ng bunganga nito ngayon. Ano bang nakain nito?

"Bunganga mo nga! Anlaswa na nanglumalabas dyan!" Sigaw ko sa kanya.

"Ikaw kase. Kung ano ano rin ang lumapabas sa bibig mo kaya nahahawa ako"

"Hoy. Sa ikinatagal-tagal nating magkasama ngayon ko lang natinig na ganyan ang bibig mo. Imposible naman yang sinasabi mo"

"Tss. Wag ka na kasing magsalita ng kung ano-ano babe. Matulog na nga pang tayo"

"Ikaw, may kalibugan ka ring taglay dyan sa katawan mo ha!"

"Lahat naman ng lalaki ganon"

"Tara dito. Tabi tayo matulog!" Sabi ko sa kanya. Malaki naman kasi yung hinihigaan ko kasya pa sya.

Tumabi naman sya akin.

"I love you babe" aniya at nilapatan ako ng marahang halik. Tsaka ako pumikit.

'Mahal din kita' gusto kong sabihin yan kaso hindi pa ito ang tamang panahon.

Mas okay na yung ganito na magkasama kami. Tama na muna yung ganon.

At matapos iyon ay nilamon na kami ng antok.

Bad HabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon