Chapter 3
Kiko's POV
Hindi ko alam kung nasaan sya ngayon pero isa lang ang sigurado ko. Gusto nyang mapag-isa at wala syang pakielam kung saan man sya mapadpad.
"Kiko, sinagot na ba nya ang tawag mo?" Tanong ni tito
"No tito, hindi pa po. Meron po ba kayong alam na pwede nyang puntahan?"
"Wala. Hindi ko alam. Kinakabahan na ako Kiko"
"Hon, uminom ka muna ng tubig oh, ginusto nya yon hayaan mo na sya" narinig kong sabi ni tita Hilda.
"I will call you later, tito, babalitaan nalang kita pag sinagot nya ang tawag ko o kung mahanap ko naman sya" sabi ko sa kanya at binaba ang tawag.
Neri nasaan kana ba kasi? Miski ako kinakabahan na sayo.
Nagdrive lang ako ng nag drive. Thirty minutes na ang kumipas at drive pa rin ako ng drive. Nasaan na ba yon? Nagpatuloy lang akong magdrive. Hanggang sa isang oras na ang lumipas.
Hindi ko na rin alam kung nasaan ako pero ang mahala sa akin ay ang mahanap si Neri.
Maya-maya pa'y may nakita akong mga tao na nakapaikot sa isang intersection. Kaya hininto ko ang kotse ko.
"Ano kayang nangyari?"
"Mukha namang hindi lasing yung driver"
"Ambilis kasing magpatakbo"
"Nakakaawa naman sya"
"Nasaan kaya ang nagulang nya?"
"Bakit kaya hinayaan nilang magdrive yon? Parang ambata-bata pa e"
Kabilaang bulong ng mga tao. Kaya naman agad akong napasingit sa mga tao.
Please. Wag naman sana.
Nakasingit ako sa mga tao at nakita ko ang kotse na malayo sa isa pa. Pero parehong may malaking yupi sa mga kotse nila. Parang sobrang lakas ng impact ng bungguan kaya medyo nalayo ang isa.
Napatingin naman ako sa plaka ng kotseng medyo malayo.
WBD 435
It's her car! What the fuck!
Tinakbo ko agad ito kahit na may pumipigil sa akin na mga pulis.
"Sir, wag na kayong lumapit sa sasakyan!" Sita sa akin nito at hinigit ako palayo dito.
"Let me go! That's my girlfriend's car!"
"Sir, isinugod na po sa hospital ang babaeng nakasakay sa kotse na yan magpasama nalang po kayo sa isa sa mga pulis"
Convoy naman ako dito.
"Babe, please be safe..."
Nakarating kami ng mabilis sa hospital.
"Nasaan sya?" Tanong ko sa pulis.
"Nasa operating room pa daw po"
Hinatid naman nya ako sa tapat ng operating room.
The heck. She's inside that fucking room. Nag-aalangan akong tawagan ang daddy nya.
It's his fault. Kung hindi nya sana pinaalis si Neri sa bahay nila edi sana hindi mangyayari 'to.
Paikot-ikot ako sa tapat ng pinto ng OR, hindi ko alam kung anong gagawin. I should call my parent.
/Calling Mommy/
"Mom! I need you right now!"
"Why? What happened?"
"Mom! Neri is in the hospital right now. She's in critical condition! Please come here quickly!"