Chapter 1

179 6 0
                                    

Chapter 1
Hanggang kailan paba?

Renxel POV

Napapakagat nalang ako sa aking ibabang labi dahil sa mga nakikita ko ngayon. Masakit sakin bilang asawa na makita ang taong mahal mo na may kasama na ibang babae. Ako ang asawa nya pero parang hindi ko naman maramdaman yun.

Bakit feeling ko ang pinaka malas na asawa sa buong munod? Wala ba akong karapatan na mahalin man lang tulad ng pagmamahal na ipinaparamdam ko?

"See you tomorrow baby..'' rinig kong sabi ng magaling kong asawa sa kanyang babae. Hindi ko maiwasang magtubig ang mga mata ko sa tuwing naririnig ang malambing nyang boses sa iba. Pero sakin? Kinakausap nya nga ako pero mas malamig pa sa bangkay.

"Sure.." sagot naman nung babae.

Kung sa ibang mag aasawa. Pag nakikita nila ang kanilang mga asawa na may kalandian na babae ay susunggaban na nila ng sabunot at kung ano ano pa ang mga 'yun.

Pero ako hindi ko magawa. Dahil ako ang may gusto nito. Na pakasalan sya. Kahit na alam ko sa una palang na wala syang nararamdaman sakin.

Nang makaalis na ang babae ay sya namang pagpasok ni Jonaldd sa bahay namin. Lumabas na ako sa gilid ng sasakyan na pinagtataguan ko.

Huminga ako ng malalim para ayusin ang sarili ko. at saka pumasok ng bahay.

"Hi'ja. Saan ka galing?..'' manang ask me when i enter the kitchen.

"Nagpahangin lang po manang..'' matabang kong sabi.

Alam ni manang kung anong meron kami ni Jonaldd. Alam nya na malamig lagi ang trato sakin ni Jonaldd. at alam rin ni manang na may ibat ibang babae si Jonaldd na dinadala dito sa bahay namin.

"Nag away na naman ba kayo?.." 

Mapait akong natawa.

"Manang kahit hindi kami mag away. Feeling ko ganon din yon. Lagi nga kaming mag kaaway kasi nga cold sya sakin. Pero hanggat kaya ko manang. Handa ako na pagtiisan sya.." litanya ko.

Lumapit sakin si manang at hinawakan nya ang dalawa kong kamay.

"Bakit kasi ayaw mopa na makipag hiwalay sa kanya?.." 

Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni manang.

Kaya ko pa naman siguro na pakisamahan sya. Ginusto ko ito at paninindigan ko yun.

"Akyat lang po ako manang.." pag iiba ko ng usapan.

Umalis na ako sa kusina. 

Hindi ko kasi kayang pag usapan ang tungkol sa 'hiwalayan' na yan. 

Kaya nga ako nagpakasal para makasama sya e.Kahit na walang imikan o tipid na salita lang ang nagaganap samin. I don't care. Sapat na sakin yun para maging panatag ang loob ko.

Panatag na wala syang kawala sakin. Na akin sya! Selfish man pero hindi ko hahayaan na mawala sya sakin.

Pag akyat ko. Nadatnan ko ang aming kwarto na makalat. Nagkagulo gulo ang bedsheets ng kama, unan at comforter. Sa sahig naman ay nagkalat ang hinubad na tshirt, shorts at ang condom na ginamit.

Nasapo ko ang aking noo saka niligpit ang mga nakakalat. 

Malamang nasa cr si Jonaldd at naliligo dahil rinig ko ang tubig na rumaragasa.

Una kong pinulot ang mga nagkalat sa sahig. Pinaglalagay ko yung mga labahin sa basket at sa basurahan naman yung ginamit na condom. 

Sumunod kong iayos ay ang kama namin na nagkagulo. 

Naupo ako sa gilid ng kama pagkatapos. Narinig ko naman ang pagbukas at sara ng pinto sa cr. Agad akong lumingon sa gawi ng likuran ko. At nakita ko sa aking paglingon si Jonaldd na naka boxer lang at topless habang nagpupunas ito ng kanyang basang buhok. 

Kita ko kung paano magflex ang mga biceps nya. Kita ko rin kung paano maglandas ang ibang butil ng tubig sa kanyang leeg pababa sa dibdib at sa kanyang V line. 

Napalunok ako ng laway at agad na nag iwas ng tingin. Para akong hindi makahinga bigla. Natutuyuon din ako ng laway sa lalamunan at para bang nag iinit ang katawan ko. Shit!

"What's a dinner Renxel?." 

Nagulat ako sa biglaang tanong nya sakin.  Ni minsan hindi sya nagtanong kung ano ang dinner. Pero ngayon!

"Ah... A-Ano.. Hindi ko alam ." kinakabahan kong sagot sa kanya. Kinakabahan ako dahil first time kong marinig ang tanong na yan.

Tumayo na ako mula sa aking pagkakaupo at muling lumingon sa kanya para mag paalam.

"Sige. Una na ako.." agad akong lumabas pagkasabi ko non.

Pagkasara na pagkasara ko sa pinto ng kwarto ay napasandal ako sa pader at napahawak sa aking dibdib.

Hanggang kailan paba ko magiging malambot sa kanya?

Kapag ba wasak na wasak na ang puso ko at hindi na kayang buuin pa?

Hanggang kailan ko paba sya pagtitiisan? 

Hanggang kailan pa ang pagmamahal ko sa kanya?

Hanggang kailan paba?

My Heartless Husband (On Going)Where stories live. Discover now