The Professionals
by: Rejmon*****
—Blending through the darkness—
THROUGH the gleam of moon it became visible.….
Naging visible sa kaniyang paningin ang akala niya'y hindi masisilayan sa totoong buhay.
Yet, naging totoo na at palapit na ng palapit sa kaniyang kinatatayuan.
"Totoo ba 'tong nakikita ko?" Nanglalaking matang nakatingin siya sa kaharap… "Panaginip lang 'to.…isang hamak na panaginip…"
Hindi manlang magawa ng kaniyang mata ang pumikit ng kahit isang beses.
Parang ora-mismo ay para siyang hihimatayin sa kaniyang kinatatayuan. Bloody hell! Pati ang sarili niyang paa ay hindi niya magalaw, parang nakalubog ang mga ito sa kumunoy. Kahit anong pilit niyang gawin na gumalaw ay hindi nakisama ang kaniyang katawan.
"F*ck!" Sobrang nangangatog ang kaniyang binti.
"Apo may pagkain ka'ba riyan?"
Ang kaninang pangangatog ay biglang napalitan ng pagka-gulat.
"May pagkain ka'ba riyan apo?" Muling tanong ng matanda sa mahinang boses.
Hindi niya magawang sumagot sa kaharap. Gulat na napatanga siya na tumingin sa kaharap. Walang salita ang namumutawi sa kaniyang bibig.
Hanggang sa napahikbi nalang siya at dumausdos ng tuluyan sa lupa ang buo niyang katawan.
"L—lola bakit po kayo nanakot…." pautal-utal niyang tanong sa kaharap habang patuloy paring humihikbi.
Halos lumabas na kanina ang kaniyang puso dahil sa kabang nararamdan nang tuluyan niyang masilayan ang kabuoan ng kaharap.
Hindi makahanap ng tamang salita dahil sa pagkabigla. Akala niya totoong multo na ang nasa harapan niya. Dahil hindi manlang kaagad ito nagsalita at panay lang ang pagtitig sa kaniyang mata.
"Hindi ako nanakot sadiyang ganito na ang hitsura ko nang mapunta ako rito.... at bakit ka nakaupo sa lupa?" Medyo kalmadong saad ng matanda. At pinasadahan ng tingin ang kabuoan ni cheska na parang may hinahanap. Maya-maya ay napailing ito ng may napagtanto.
"P—po? May sinasabi po kayo lola?" Mahinang tanong ni cheska ng medyo nahimasmasan na siya. Parang may binubulong kasi si lola kaso hindi niya masyado nakuha.
Nakalugay ang buhaghag at mataas na namumuting buhok ni lola. Madungis at kumukulubot na ang balat. Nakasuot ng di-mawaring mataas na damit. At ang mas tumakot sa kaniya ay ang hawak nitong mataas na kutsilyo.
Kaya nagaalangan siyang lumapit ng tuluyan rito dahil baka mamaya bigla nalang siyang saksakin. "Trust no one, or else you will be dead in an instant." Katagang itinatak sa kaniyang isipan.
Because not everything that you had seen or witnessed was real. Because some real are not realy real.
Habang sinusuri naman niya ng tingin si lola ay palaisipan sa kaniya kung bakit pati si lola ay nasali sa ganitong paligsahan. Ngunit sa huli'y napaisimid.
‘‘ Bakit pa nga ba ako magtataka? Kung pati nga ako hindi alam kung bakit andito,’’ ani niya sa kaniyang isipan.
"Matagal na ako rito apo, kaya kahit madilim nakakakita ako dahil sanay na ang mga mata ko sa kadiliman....kaya ikaw binabalaan kita maging alerto ka.…"
"M—meron po ba kayong nakikita lola? Multo po ba ang nakikita niyo...?" Nauutal niyang biro sa matanda dahil kotang-kota na siya sa takot.
BINABASA MO ANG
The Professionals
Mystery / ThrillerMystery/Thriller "Killing is not a sin, but you being alive is a worst sin"-Game master Author/Writer: R E J M O N ⓒ