The Professionals
by: Rejmon*****
—She's no more innocent—
**Previous**
SOBRANG napaka dilim ng paligid. Ngunit hindi hadlang ang kadiliman sa mga mata ng nagmamasid. Nakamasid ang mga 'to sa kinalalagyan ng isang babae na parang hirap na hirap sa pagbaba.
Inaabangan ng mga 'to ang maaring gawin ng babae.
Maya-maya lang ay hindi mapigilang mamangha ng nagiisa ang kaniyang nakikita.
"Mahusay.." Komento nito ng makita niyang pinasway-sway ng babae ang paa nito para maka kapa ng maari nitong mapagtuntongan.
Ngunit ang pagkamangha nito ay biglang napalitan ng pagka gulat at biglang napatayo dahil sa nasaksihan ng biglang mahulog ang babae sa kinaroroonan.
Sobra-sobra naman ang tuwang nararamdaman ng dalawa pang nagaabang. Dahil hindi naman pala sila mahihirapang patayin ang magiging kalaban nila.
"Weakling!" Komento pa nila.
Ngunit 'yong babae'ng akala nilang tuluyan ng mamatay mula sa pagkahulog. Datapwa't agad silang napatahimik nang parang bigla'y sumasabay na ang katawan nito sa hangin.
Parang isang action star ang kanilang nasaksihan dahil umiikot-ikot ang kabuoan nito sa eri, at ng lumapat ang paa ay nagpaback-flip ito ng paulitulit at gumugulong sa lupa para bawasan ang impact na matatamo.
Kaya agad napaisip ang magkasamang lalaki sa maari nilang gawin dahil parang hindi pala basta-basta ang kanilang makakalaban. Ngunit sa posesyon naman ng isa ay hindi nito mapigilang mapangiti…"magaling! parang may alam ito sa pakikipaglaban".
Kaya walang pagdadalawang isip na pinuntahan niya ang babaeng nakatayo na ngayon…'yon nga lang hindi niya inaakalang matatakot ito sa kaniya.. at hindi maiwasang mapabulong..."Alas.."
*****
**Present**
YOU need to fight inorder to survive. Eventhough the way is against from your will.
She wants to stop from running and end everything right now.
But who's she kidding? What's her advantage against from the two big men?
"L—lola parang hindi na po sila nakahabol sa atin. Mukhang pwedi na po muna tayong magpahinga kahit saglit," humihingal na sabi ni cheska habang patuloy parin sa kakatakbo. Tumatagaktak na ang malalaking butil ng pawis sa kaniyang mukha.
Ngunit wala siyang nakuhang sagot mula sa matanda.
Matulin itong tumatakbo habang hawak-hawak ang kaniyang kaliwang kamay. Hindi manlang hinihingal o napapagod.
Pero sa tuwing nakakalagpas sila sa punong kahoy ay napapansin ni cheska na parang humihina ang takbo ni lola.
Pahina ng pahina hanggang sa huminto na ito ng tuluyan sa medyo wala ng nakatayong matatayog na puno. And it's like a cue for cheska to stop.
"Magpahinga ka na muna riyan apo at magmamasid ako," sabi pa ng matanda habang sinusuyod saglit ng tingin ang pagod na kabuoan ni cheska.
Maya-maya lang din ay naglakad na ito ng hindi kalayuan. Parang naghahanda para sa parating na kalaban.
"Malapit na.." Mahinang sambit ni lola. Dahil 'yong akala ni cheska na nawala na nila ang mga sumusunod sa kanila ay 'yon pala nakamasid na.
BINABASA MO ANG
The Professionals
Mystery / ThrillerMystery/Thriller "Killing is not a sin, but you being alive is a worst sin"-Game master Author/Writer: R E J M O N ⓒ