The Professionals
by: Rejmon*****
—PREDATOR—
SUNSET has come yet the lion still on the ground. Watching the prey attentively and waiting for the right time when the prey fall.
Kumukulo na ang tiyan ni cheska dahil kanina pa siya nakaramdam ng uhaw at maging bituka niya ay parang gumagalaw.
"Argg! Gutom na gutom na ako!"
Idagdag pa ang pagsusuka niya kanina na naging sanhi ng sobra-sobra niyang pagkauhaw.
"Lord! Parang awa niyo na gutom na gutom na ako." ani ni cheska na parang walang buhay. "Gusto ko ng bumaba lord at sobrang pagod na pagod na akong kumapit dito sa taas, ngunit papaano? Kung nakabantay itong dambuhalang leon."
Nakapanggigil na nakakaiyak ang kaniyang sitwasyon. Pero wala siyang magawa kundi ang magtiis at maghinatay ng tamang pagkakataon.
Bumuntong hininga siya ng malalim at humawak ng mabuti sa sanga ng kahoy upang hindi mahulog.
"The prize is right, but you need to compete before you get it. Once you enter no backing out."
Katagang paulit-ulit na lumalakbay sa kaniyang isipan.
Kung alam lang talaga niya na ganito ang sasapitin niya ay hindi talaga niya nanaisin pumasok doon. Ngunit heto na siya at wala ng magawa pa. Sabi nga nila wala sa unahan ang pagsisi.
Medyo tumatago na ang araw dahil padilim na ng padilim ang paligid.
*KIRK!*
*KIRK!*
Biglang naalerto si cheska sa kaniyang kilalagyan. Kumapit at padapang sumisiksik sa mayabong na dahon kung saan maaring makukubli ang kaniyang sarili ng maayos.
*KIRK!*
Hindi lang pala si cheska ang naalerto dahil maging ang leon ay tumayo sa kinauupuan nito.
Kinakabahan ngunit may kaunting saya siyang nararamdaman. Atlast, may makakasama na siya at lalong lalo na may makakatulong sa kaniya.
"Lord! salamat po." Sobrang galak ang nararamdaman ni cheska pero gayunpaman hindi siya umalis sa kaniyang pinagkukublian.
Dahil hindi hadlang ang kinalalagyan niya upang hindi marinig ang pinaguusapan ng paparating dahil parang naka full volume ang mga boses nito sa sobrang lakas."
"WE DON'T HAVE ENOUGH SUPPLY BRO. AND THE ANIMALS WERE TOO HARSH TO US."
Sisigaw pa sana si cheska para balaan ang mga paparating. Ngunit parang may tumakip sa kaniyang bibig dahil walang ni isang salita walang lumalabas. "Trust no one, or else you will be dead in an instant."
Bigla siyang napahawak ng mayos sa kaniyang kinakapitan ng biglaang nag pop-up sa kaniyang isipan ang mga kataga.
Parang nakakita siya ng multo dahil biglang nagsitayuan ang balahibo niya maging sa batok. . . . . Hindi mapigilang hindi matakot sa kaniyang kaligtasan.
Muntikan na niyang makalimutan . .. .
"Nandito pala ako sa lugar kung saan ang buhay ay parang laruan."
Pumikit siya ng mariin at sabay mahnang nanalangin. At nang tuluyan ng nakarating ang mga paparating ay unti-unti niyang sinalubong ang mga ito ng tingin.
BINABASA MO ANG
The Professionals
Mistério / SuspenseMystery/Thriller "Killing is not a sin, but you being alive is a worst sin"-Game master Author/Writer: R E J M O N ⓒ