"HEY, GA-GRADUATE NA TAYO next week! Sa wakas!"
"Korek. Akalain mong nakatagal tayo sa university na 'to ng apat na taon?"
"They should give us an award. For staying here despite those horrible professors."
"Nah. We should just celebrate," suhestiyon ni Luna sa mga kaibigan. "Mas masaya iyon."
Kasalukuyan silang nasa isa sa mga bench sa malawak na parke ng kanilang unibersidad. Katatapos lang kasi nilang makuha ang katibayan na sa susunod na linggo ay aakyat na sila ng entablado para kunin ang kanilang mga diploma.
"Ano ba ang magandang gawin ngayon? Kain tayo sa labas?"
"Kain na naman, Loida? Lagi na lang tayong kumakain, eh. Lumulobo na tuloy ako," reklamo ni Sandy. "Iba na lang. Baka mamaya hindi na magkasya sa akin ang binili kong damit para sa graduation natin."
"Bar-hopping?" suhestiyon in Luna.
"Hindi rin puwede," kontra ni Loida. "Alam nyo namang isang buwan na akong grounded dahil nahuli ako ni Daddy na nalasing noong huli tayong nag-bar-hopping."
"Ikaw naman kasi, eh. Sinabi na sa iyong sasayaw lang tayo at mga light beer lang ang puwede nating inumin. Laklakin mo ba naman ang pinakamatapang na alak sa bar na iyon, natural bangenge ka pag-uwi."
"E, there's a cute guy kasi beside me. Gusto kong magpa-impress. Ayokong masabihan na corny dahil sa light beer lang ang iniinom ko, 'no? I have a reputation to maintain."
"Reputation-reputation...hayan, reputation sa tatay mo ang nasira mo. Grounded ka tuloy. Mas nakakahiya iyon. Ga-graduate ka na lang sa college, naga-grounded ka pa," singit ni Sandy.
"At least, I had the best date after that. Kayo, ano bang nagawa nyo para sa sarili nyo nitong buong college years natin? Wala. Ayaw kasi nyong mag-take ng risk, eh."
"Mabuti na 'yung safe. Para hindi kami nadidisgrasyang..." Napatanga na lang si Luna sa lalaking palapit sa direksyon nilang magkakaibigan. "...tulad mo..."
"Hi, Luna," nakangiting bati ng lalaking lumapit sa kanila. "Nakuha mo na rin ang certificate mo for graduating students?"
Hindi pa sana siya magsasalita kung hindi pa siya siniko ni Sandy. "O-oo...nakuha ko na..."
"Ako rin." Itinaas pa nito ang hawak na papel. "Congrats, ha? I heard cum laude ka."
"Salamat..." Nag-iba ng tingin si Luna para hindi na masyadong mailang habang nakatitig sa guwapong mukha ng binata. Baka may mahalata pa itong hindi magandang nangyayari sa kanya.
"Ahm, sige, Luna. Mauuna na ako sa inyo. Congrats uli."
Napakagat-labi na lang si Luna habang pinagmamasdan itong maglakad palayo. She could feel her heart screaming out after him. Pero hindi naman niya magawang sundan ito.
"Hoy, Luna. Nakatanga ka na naman dyan. Ano ba, girl? Lumapit na nga ang palay, di mo pa kinausap nang maayos," untag ni Sandy.
"Four years mo nang crush ang Lester Samonte na iyon, hanggang ngayon, nganga ka pa rin sa kanya," wika ni Loida. "Mas malala ka pa sa pagkaka-grounded ko."
Hinarap ni Luna ang mga kaibigan. "Shy ako, eh..."
"Ay, ang arte niya, o..." wika ni Sandy.
"Batukan kita riyan, eh." Binatukan na ni Loida nang tuluyan si Luna.
"Aray ko..." Pero hindi na alintahan ni Luna ang pambu-bully sa kanya ng mga kaibigan.
Kinausap siya ni Lester, ang kanyang ultimate college crush. Nginitian, binati at nag-sayonara byebye pa sa kanya. Masaya na siya sa buhay.
BINABASA MO ANG
Stupid Love (Completed)
RomanceFirst loves were supposed to be great, right? But hers just ended in a messy disaster. And it was all because of that one guy. Luna: "Juan Miguel Antonio Laxamana. I will never forgive you." Juan Miguel Antonio Laxamana : "...I'...