Part 5

4.8K 149 2
                                    

"I MEAN, CAN YOU believe it? Pagkatapos ng mga sakripisyo ko para lang sa relasyon namin, siya pa ang may ganang mangloko at, take note, ha? Siya pa ang humihingi ng 'cool off'!"

"Cool off? Oh, my gosh, ha? That is so yesterday. Wala nang gumagamit ng salitang iyan ngayon. Dapat nga lang na hiwalayan mo na ang kumag na iyon, Sandy. He's so...year kopong-kopong. Bago ka pa mahawa sa kabaduyan niya."

"But...I love him—"

"Gaga. Ang pagmamahal, sinusuklian din ng pagmamahal. Hindi 'yung niloko ka na, magpapaka-martir ka pa. Come on, girl. You deserve more than a cheating, lying bastard like that kopong-kopong guy of yours. Eww!"

"Pero kasi..."

"Ano? Tatanggapin mo na naman siya at patatawarin sa ika-tatlong beses lang naman niyang panloloko sa iyo? Okay lang 'yung isang beses kang niloko, eh. Baka maniwala pa akong mahal ka nga niya at ayaw niyang mawala ka sa kanya kaya naglulumuhod siyang humingi ng tawad sa iyo. Pero 'yung tatlong beses? Day, may tawag dyan, eh. It starts with a letter T."

"Loida's right, Sandy," sang-ayon ni Luna. "Kapag winawalanghiya na ng taong mahal mo ang pagmamahal na iyon, it's time you let it go. Hindi sa nagkamali ka ng minahal, kundi hindi lang kasi talaga para sa iyo ang taong iyon. At sabi nga ni Loida, forgiving your cheating guy once is okay. Pero 'yung tatlong beses? Tama na, Sandy. Maawa ka na sa puso mo. Baka kasi dumating ang araw na hindi ka na maniwala na worth it kang mahalin nang totoo ng isang lalaki."

Nanatiling walang imik si Sandy, halatang tumututol sa mga sinasabi nila ni Loida. Pero hindi na ito nagsalita at mayamaya pa ay nagtutubig na ang mga mata nito. Inipon ni Loida ang mga tissue sa table nila saka iyon inilapag sa harapan ni Sandy. Ilang sandali pa ay dinampot na ni Sandy ang tissue at tahimik nang umiyak. Luna hugged her friend to comfort her.

"Okay lang iyan, girl. Makakalimutan mo rin ang walang kuwentang lalaking iyon. You'll find someone better. Soon."

"Oo naman, 'no? Sa ganda kong 'to?" sagot nito sa kabila ng patuloy na pagluha. "I'm a good catch kaya bakit ako magtitiyaga sa isang unggoy?"

"Huy. Huwag mong ikumpara ang lalaking iyon sa unggoy. Nakakahiya sa walang muwang na lahi ng mga unggoy." Natawa na lang si Sandy. Gayunman, walang tigil pa rin ito sa pag-iyak. "Sige, umiyak ka lang diyan hangga't gusto mo. Huwag mong pansinin ang ibang customer nitong restaurant na pinagtitinginan ka. Lakasan mo pa ang pag-iyak kung gusto mo. Idamay mo sila sa kamiserablehan ng buhay mo ngayong gabi."

"Korek. This is a free country, at wala namang nakalagay sa labas ng restaurant na bawal umiyak dito kaya hayaan mo sila dyan," dugtong ni Loida. "Dito lang kami ni Luna, lumalamon at lumalaklak ng wine."

"Sira talaga kayong dalawa." Sandy laughed and dabbed her tears away. "Thank you...I feel better now."

"Good." Iniabot naman ni Luna ang glass of wine ng kaibigan. "Let's cheer for the next guy in your life. Preferably, 'yung bitbit ang hinihintay mong 'forever and ever amen'."

"Amen," cheered Loid and Sandy.

Mukhang kahit paano nga ay naka-recover na si Sandy dahil nagagawa na uli nitong makipagkuwentuhan at makipagtawanan sa kanila ni Loida. Puwede ring pinipilit lang nitong ma-distract sa totoo nitong nararamdaman. Hindi nga naman kasi biro ang tatlong taong relasyon nito sa kasintahan. But, it looked like their friend was on her first stage of letting go.

"Ah, guys. May ibabalita nga pala ako sa inyo. Sandy, bes, okay lang na maiba ng konti ang topic natin?" tanong ni Loida. Tumango lang si Sandy. Inilapag naman ni Loida ang isang magazine na hinugot nito sa loob ng bag.

Muntik nang masamid si Luna sa nginunguyang karne nang makita ang mukhang nakabalandra sa cover ng magazine.

"Juan Miguel Antonio Laxamana. Remember him, guys?"

Stupid Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon