NAKAHINGA NA NANG MALUWAG si Luna habang pabalik sa kanyang silid. Katatapos lang niyang ipasa sa editor-in-chief nila ang mga articles na pinaglamayan niya magdamag. Halos wala pa siyang tulog ngayon dahil medyo late na rin sila naghiwa-hiwalay ng mga kaibigan niya kagabi. Napasarap kasi masyado ang tsikahan nila kaya di na siya nagkaroon ng oras para magpahinga sana sandali bago magtapos ng trabaho. Pero ayos lang. At least, wala na siya problema ngayon. Tapos na ang self-impost 'hellweek' niya. Makakabawi na siya ng pahinga at tulog...
Napahinto sa paglalakad si Luna nang mamataan kung sino ang prenteng naka-upo sa table niya at nagbabasa ng magazine. At tila ba naramdaman agad ni Migs ang presensiya niya kaya nag-angat ito ng tingin at diretso sa dalaga ang atensyon nito. There must be something wrong with the world today when she felt her heart skipped a beat at the sight of his handsome face.
Wait—what?
"Luna."
"Yes, Boss?" Mabilis siyang lumapit sa binata. Para lang muling mapahinto ilang hakbang mula kay Migs dahil bigla itong tumayo at sinalubong siya. Napahawak si Luna sa entrada ng cubicle niya para mapigilan ang sarili na sumalpok sa katawan ng binata.
"What are you doing?"
"Boss?"
"You're blocking my way out."
"Ha?" At siya pa talaga ang humarang sa daraanan nito?
"I was just leaving because you're already here. I don't want to occupy your working space."
"Ah..." Parang may mali. Gayunman, tumalima na rin si Luna at umalis sa pagkakaharang sa daan.
And he actually walked out. Narinig ni Luna ang impit na pagtatawanan ng mga katrabaho niya. Mariin na lang siyang napapikit dahil sa inabot na kahihiyan.
Baliw kasing lalaki iyon, eh—
"Luna."
"Yes, Boss?" Nagdilim ang mundo ni Luna nang may kung anong humarang sa mukha niya paglingon niya sa kay Migs. "Ano ba..."
"Nabasa mo ba 'to?" Muling sinipat ni Migs ang magazine, na siyang saglit na nagpadilim sa mundo ni Luna. "I was featured in this. Maganda ang article but it's kinda boring. Especially since they didn't even listed the reason why I was called one of the hottest man in the business industry. I didn't even know someone knew about my existence in this country. Magaling mag-research ang kung sinomang may pakana ng article na ito."
"Actually, ikaw lang ang nilagyan nila ng quote na hottest man in the stock market industry."
"So, you read it." There was an obvious satisfaction on his handsome face now that she found really...attractive.
Oh, Luna. Stop that.
"Ah...may kopya kasi ang kaibigan ko ng magazine na iyan, Boss."
"Hindi ka bumili ng sarili mong kopya?"
"Hindi na ho. Nabasa ko na, eh."
Napansin ni Luna ang biglang pagbabago sa mood ng lalaki. Mukhang na-badtrip ito sa kung ano at basta na lang siya tinalikuran.
"Follow me to my room, Luna."
"Yes, Boss."
"And bring some notepad."
"Boss?" Hindi na sumagot si Migs at diretso na itong nagtungo sa naksaradong silid nito. "May nasabi ba akong mali...?"
Iyon ang paulit-ulit na umiikot sa isip ni Luna habang hinahanap ang notepad niya sa kanyang table. Nang masagi niya ang computer mouse at nabuhay ang screen ng computer niya kung saan naka-display ang 'diary' niya na naiwan niya kanina. Impit siyang napatili.
BINABASA MO ANG
Stupid Love (Completed)
RomanceFirst loves were supposed to be great, right? But hers just ended in a messy disaster. And it was all because of that one guy. Luna: "Juan Miguel Antonio Laxamana. I will never forgive you." Juan Miguel Antonio Laxamana : "...I'...