KAHIT ANONG PAGPUPUMIGLAS ni Luna ay walang nangyari. Kaya nagulat pa siya nang tila mahimasmasan sa wakas ay nasa harapan na niya si Lester. Mas lalo siyang nagpumilit na makawala kay Migz ngunit nanatiling naka-ipit sa braso nito ang leeg niya.
"Miguel, what are you doing to Luna? Let her go. Nasasaktan siya."
Pero bago ka makalapit si Lester para tulungan ang dalaga ay hinayaan na ni Migz na makahinga si Luna. Pero imbes na huminga ay tinangka lang niyang tumakbo palayo para magtago. But Migz had caught the collar of her shirt, pulled her back to his side, and secured his arm over her shoulders.
"May sasabihin daw siya sa iyo, Lester. Importante. Kaya makinig kang mabuti. Apat na taon siyang nag-practice para sa araw na ito."
Halos maputulan ng ugat sa leeg si Luna nang marahas niyang lingunin si Migz. She wanted to scream at the man who just smiled at her with his usual arrogant smile. Parang sasabog na ang dibdib niya sa lakas ng tibok ng kanyang puso.
"Luna?" it was Lester's voice. "May...sasabihin ka raw?"
Lalong pinagpawisan ng malamig si Luna nang balingan si Lester. Dahil ngayon ay tila na-focus na rin sa kanya ang atensyon ng mga tao sa paligid nila. It was like the world just turned its full attention on her right that moment.
Naiiyak na siya.
Inalog-alog siya ni Migz. "Hoy, gising."
Muntik nang mahilo si Luna sa lakas ng pagkaka-alog ni Migz sa kanya. O puwede ring dahil tinakasan na siya ng kaluluwa niya kaya para na lang siyang papel ngayon na susunod sa ihip ng hangin.
"Stop harassing her, Miguel," saway uli ni Lester sa pinsan. "Let her go and just leave her alone."
"Sigurado ka?" tanong ni Migz. Kay Luna ito nakatingin. "Ito na lang ang chance mo. Kung magkakaroon ka pa ng ibang pagkakataon, wala na ako para suportahan ka at saluhin ka kapag bigla kang hinimatay. So. It's now or never. Just tell him, Luna."
And that shook her up a little. Parang naririnig din niya ang sigaw ng mga kaibigan niyang suportado ang agenda niya ngayong araw. It's now or never. It's do or die. Mag-e-end of the world na.
Palihim siyang kumapit sa varsity jacket ni Migz saka mariing pumikit at inipon ang lahat ng kanyang lakas ng loob at tapang ng apog.
"I...I like you, Migz!"
"Ha? Ako?"
Narinig ni Luna ang malakas na tawanan ng mga tao sa paligid nila. At tila doon lang din siya natauhan sa kanyang mga sinabi.
"N-no! No!" pasigaw na niyang wika kay Lester. "A-ang ibig kong sabihin hindi ikaw—I mean, hindi si Migz—"
"I heard you perfectly, Luna," singit ni Migz.
"I heard you, too," nakangiting wika ni Lester.
"We heard you," sagot din ng mga nakangising kapwa nila estudyante sa paligid nila.
"A-ano! Hindi ganon—Lester! Ikaw...ikaw ang gus—"
"Wala nang bawian," singit uli ni Migz. He pulled her even closer to him and rub his cheek on her head. "I like you, too. Girlfiend na kita."
"Bagay kayo," wika ni Lester.
"Thank you," sagot ni Migz.
"Magtino ka na, Miguel." Iyon lang at naglakad na palayo si Lester.
Nagpumiglas si Luna para makawala kay Migz. Pero walang-wala ang lakas niya sa lakas ng binata. All she could do was to try her best to reach out to Lester, kahit inuubo-ubo na siya dahil nasasakal na siya ng braso ni Migz.
"Lester, sandali! Magpapaliwanag ako—I'm sorry! Hindi si Migz! Ikaw, Lester!" Pero patuloy lang sa paglayo ang binata. Na mali ang iniisip sa mga sinabi niya. Kaya buong lakas na siyang sumigaw. "Lester! Gusto kita!"
"So, ano iyan? Break na agad kayo ni Migz?"
Isang babae ang nalingunan ni Luna. Kakaiba ang pakiramdam niya sa ngiti nito. Gayundin ang pakiramdam niya sa mga tingin na ibinibigay na sa kanya ngayon ng mga tao sa pagligid nila. It suddenly made her feel like everyone hated her.
"Tapang mo, infairness," wika ng isa pang babae. "Nagtapat ka sa isang Lester Samonte sa harap ng maraming tao...at buong giting mo ring tinanggihan ang isang Juan Miguel Antonio Laxamana. Sa harap din ng maraming tao."
"Who would ever thought such bravery exists?"
"Dalawa sa prince charmings ng univerity...toroy! Haba ng hair. Sarap sabunutan."
"At super sawi rin. Tinanggihan siya ng isa at joke naman ang isa. Aray ko, teh."
Nagtawanan ang mga ito pagkatapos. Para bang napagkasunduan bigla na may dapat silang pagtawanan kay Luna. And all she ever wanted to do at that moment was to crawl back to a cave and wait for the second coming of Jesus.
"Anong nakakatawa sa ginawa ni Luna?" Tila nagkaroon ng world peace nang mga sandaling iyon. Sa tono ng boses ni Migz, mukhang hindi na maganda ang mood nito. "She tried her best to convey her feelings for the man she had been inlove with for four years. It took all her might and guts just to have that courage. I see no reason to laugh about that."
Malakas na napasinghap si Luna nang balingan si Migz. Sinubukan din niyang pigilan ito sa mga sinasabi dahil lalo lang siyang lulubog sa kahihiyan. Pero nagpatuloy lang si Migz.
"Kayong mga babae, hindi ba't trip nyo rin si Lester? But you're not doing anything about it. You just sit there and let destiny your job for you. Sinuwerte kayo. No wonder my cousin was looking outside of this university for his ideal girl. But this girl, Luna, stepped up what you just dreamed and imagined about, and you have the nerve to laugh at her? Well, you can all go to hell and rot there."
Halatang hindi makapaniwala ang mga ito sa sinabi ni Migz. Si Luna naman ay hindi na matiis ang mga naririnig sa binata. Kumo-quota na siya sa kahihiyan niya ngayong araw. She just wanted to go home and cry.
But Migz just wouldn't let her go.
"Ikaw naman." Luna knew Migz was talking to her now. "Tatlo ang ninong kong general sa AFP at lima ang kamag-anak naming nasa congress at senate. Kapag pinag-trip-an ka ng mga tao rito dahil sa mga nangyari ngayon, upakan mo silang lahat. Ako'ng bahala sa iyo."
"Pakawalan mo na ako, Migz. Gusto ko nang bumalik sa mga kaibigan ko." Yumuko na lang si Luna nang makita ang mga tingin ng mga taong pinagsabihan ni Migz bago isa-isang umalis ang mga ito. "Please."
His hold on her slowly loosened. That was when she finally felt free. Pero imbes na lumayo agad ay hinarap pa niya ang binata.
"Ngayon lang ako napahiya nang ganito sa buong buhay ko. And I hated you so much for it, Juan Miguel Antonio Laxamana. I hope I will never see you ever again."
Iyon lang at nilayasan na niya ang binata. Nakayuko siya at hinayaang takpan ng mahaba niyang buhok ang kanyang mukha para itago siya sa mundo. Dahil hanggang nang mga sandaling iyon ay tila nakikita pa rin niya ang kakaibang ngiti at tingin ng mga nakarinig at nakakita sa mga pangyayari kanina. Pati ang tawanan ng mga ito, tila umaalingawngaw sa pandinig niya. At ang imahe ni Lester ang pinaka-tumatak sa isip niya.
Ang guwapo nitong mukha, ang mga mata nitong nagtatanong kung ano ang nangyayari, at ang boses nitong nagbibigay ang pagbati sa pinsan nito sa 'relasyon' kay Luna.
First loves were supposed to be great, right? But hers just ended in a messy disaster. And it was all because of that one guy.
"Juan Miguel Antonio Laxamana. I will never forgive you."
BINABASA MO ANG
Stupid Love (Completed)
RomanceFirst loves were supposed to be great, right? But hers just ended in a messy disaster. And it was all because of that one guy. Luna: "Juan Miguel Antonio Laxamana. I will never forgive you." Juan Miguel Antonio Laxamana : "...I'...