Chapter 10

274 15 0
                                    

NAMSHEN

I was staring blankly on the window. Para akong may hinahanap sa kalsada na mukhang hindi naman darating. Napatingin ako sa orasan. Pasado ala-sais na pero hindi ko pa nakikita ang presensiya ni Kuya Nemo.

Bakit wala pa ang f*ckboy na iyon?

May gusto sana akong itanong kasi pilit akong binabagabag ng konsensiya ko.
Pakiramdam ko, masama akong tao dahil iyon ang pinaparamdam sa akin ni Kuya when it comes about Oyan. Parang hindi ako naka-gawa ng maganda sa bestfriend niya kaya gusto ko siyang tanungin. Never akong lumabas simula kaninang umaga dahil ayaw kong makita si Papa na siguradong hindi umalis ng bahay.
Ganoon siya kapag may problema kaming dalawa. Hindi siya naga-apologize pero pakiramdam ko iyon ang paraan niya.

"Tch.." Dahil sa tagal ni Kuya Nemo ay naupo muna ako sa kama at kinuha yung phone ko. Magla-laro muna ako ng ML habang hinihintay siya.

Habang nagla-laro ay biglang may kumatok na nakakuha ng atensyon ko.

"Sino 'yan?" Tanong ko at ibinalik ang tingin sa phone. Walang sumagot kaya napatingin ako at agad na tumayo. Medyo napaawang ang bibig ko ng makita yung maid na may dalang pag-kain.

"Miss Namshen, pinapasabi po ng Papa niyo na kumain na daw po kayo." Tinaasan ko lang siya ng kilay at saka padabog na sinarado yung pinto. "Bakit walang kadala-dala yung maid na iyon?" Napapailing na tanong ko.

Pang-labing walong beses na niya akong pinuntahan at pilit binibigyan ng pag-kain pero ayaw ko kaya alam kong napapagod na siya. Naramdaman ko ang mga yabag niya paalis ng bumalik ako sa pinto dahilan para mapahinto siya. Mataray ko siyang tiningnan bago niluwagan yung awang sa pinto kaya agad siyang pumasok at iniwan yung pag-kain habang nakangiting lumabas.

"Maraming salamat po, miss Namshen." Nakayukong sabi niya bago ako tumango at saraduhan siya ng pinto.

"Tss. Masyadong madrama." Bulong ko bago tiningnan yung pag-kain. "Akala niya talaga kakainin kita? Tss. Asa!" Nasa kalagitnaan na ako ng laro ng biglang may marinig akong tunog mula sa labas.

"What's that noise?" Wala sa sarili kong tanong at nagmamadaling sumilip ng bintana.

Lumawak ang ngiti ko ng makita ang fireworks na nagpapaliwanag sa buong kalangitan. Mukhang sa Park galing base sa layo nito sa aming bahay.

Napaisip tuloy ako kung ano ang meron sa Park para magpa-ganiyan sila. Habang nakatutok ang atensyon ko sa fireworks display ay biglang nag-ring yung phone ko.
Napatingin ako dito pero hindi ko pa kinuha dahil nakatutok ako sa panonood.
Hahayaan ko na sana pero bigla akong na-curious kong sino ang tumawag kaya kinuha ko at agad na sinagot.

"Hello?! Sino 'to?" Iritable kong tanong habang nanonood pa rin ng fireworks display.

[ Pumunta ka dito sa Park. ] Seryosong sabi nung lalake sa kabilang linya. Tumaas naman ang kilay ko ng makilala si Kuya Nemo.

"Pardon?" Mataray na sabi ko sa kanya pero pinatayan niya na ako ng tawag kaya nag-init ang ulo ko. "Anong trip nito? Bakit niya ako papapuntahin sa Park?"

Wala talaga akong balak pumunta kaya hindi ko maintindihan kung bakit ako nagba-bike ngayon papunta sa Park. Hindi ako nag-palit kaya mukha akong matutulog.
Nang makarating ako ay medyo marami yung tao kaya nahirapan akong ipasok yung bike.

"Nasaan ba si Kuya Nemo?" Wala sa sarili kong tanong habang inililibot ang tingin.
Nasa kalagitnaan na ako ng Park ng marinig ko yung isang boses na kumakanta at kalat sa buong Park.

"Kuya.." Seryoso kong sabi at pinuntahan kung saan nanggagaling yung boses niya. Napaawang ang bibig ko habang pinapanood si Kuya Nemo sa isang side ng Park.
Kumakanta siya kasama si Oyan na nag-gigitara sa tabi niya.

Behind His Innocence (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon