Title: Sa mga lalaking minahal ko
By: annika26
Genre: Romance
Sub-genre: Contemporary Romance; sweet young Adult romanceA typical teen ager pumapasok sa school, gumagawa ng mga assignment, gumagawa ng mga project, activities. natural lang magkaroon ng crushes lalo na sa edad mong 16 years old yung iba nga nagkakaroon na ng boyfriend at age of 14.
Pag nagkakaroon ako ng crush dinadaan ko sa love letter with their home address pa kaya lang hindi ko siya pinapadala nilalagay ko lang yung mga love letter ko sa isang box at tinatago ko sa ibabaw ng cabinet sa loob ng kuwarto ko para hindi makita ng mga kapatid ko.
Ang isa sa mga nagawan ko ng love letter ay yung boyfriend ng ate ko pero dati pa yun, crush kase ko dati si lancesilot nung ako ay grade five, kaya nga nakatago na lang yung mga love letter ko na yun eh.
"Nakatingin ka na naman kay lancesilot," sabi ni jayson. Inirapan ko siya
"Masama bang tumingin jayz," sabi ko.
"Crush mo pa din siya hanggang ngayon?" sabi ni jayson
"Baliw, Hindi ko na po siya crush," sabay alis ko sa harapan niya. Malamang aasarin na naman ako nun kaya umalis na ko at pumunta ko sa kwarto ko.
---
Lumapit sa akin si Steve at may pinakitang love letter. "Anong ibig sabihin nito? May gusto ka sakin?" kunot ang noo tanong ni steve
"Hala! Paano napunta sayo yan?" nanlalaki ang mata na tanong niya kay steve. Nagulat talaga siya kung paano napunta yung love letter sa kanya.
"Hindi ko alam, may naghatid lang sa bahay na mail man," sagot ni steve. Napa tapik na lang si Janna sa noo, hindi niya talaga alam ang sasabihin niya.
Si steve ay crush niya nung second high school siya. Baka magalit yung girlfriend niya pag nalaman na may nagpadala sa kanyang love letter. Napabuga ng hangin si Janna
"Oo crush kita dati, pero hindi na ngayon at sorry pero hindi ako ang nagpadala sayo niyan." sabi ni janna sabay takbo palabas ng canteen. Nakita niyang papunta si lancesilot sa kanya at hawak hawak ang love letter
"Oh my gash!" sabay takbo ni janna sa ibang direction. Napunta si janna sa comfort room para umihi at magtago kay lancesilot. Si lancesilot naman ay crush niya nung grade five siya. May narinig siyang pumasok sa loob ng CR, tahimik lang siya at itinaas ang mga paa sa sahig
"Janna, lumabas ka Diyan mag usap tayo." sabi ng gay friend niyang si archie.
"Walang Janna dito." sabi ko pero iniba ko yung boses ko.
"Alam ko anjan ka loob, andito sa labas ang bag mo." sabi ni archie. Lumabas si Janna sa cubicle. Ipinakita ni archie na meron siyang hawak na love letter
"So, explain this?" iwinawagay wagay pa niya yung letter. "May gusto ka sakin?.. Girl hindi tayo talo." sabi archie. Tumango ako
"Dati may gusto ako sayo, pero hindi ko naman alam na bakla ka na noong nagkakilala tayo, pero wala na akong gusto sayo ngayon, sorry." sabi ni janna ng nakayuko
"Ilan ba ang ginawan mo ng love letter? Kase kong titingnan mo, nakita ko din si lancesilot na may dala dala ding letter." Tanong ni archie
"Apat kayo eh, ikaw, si lancesilot, si steve, at si jacob," sabi ko. Si archie yung crush ko nung first high school ako
"Si lancesilot ay boyfriend ng ate mo, si steve may girlfriend na rin, ako hindi pwede, so itong si jacob saan to nakatira?" Tanong ni archie
"Nasa america na siya with his family doon na siya nag-aaral." sagot ko naman kay archie.
Nag explain ako kay lancesilot na hindi ako yung nagpadala ng love letter sa kanya at inamin ko din sa kanya na dati may gusto ako sa kanya noon kaya wag na lang malalaman ni ate na pinadalhan 'ko' ng love letter dahil magagalit yun saken.
After Four Months may isang lalaking lumapit saken habang nagrereview ako sa library umupo siya sa harapan ko at inabot ang love letter na isinumpa ko na. Napatingin ako kay jacob
"Totoo pa rin ba to hanggang ngayon?" Tanong ni jacob
"Bakit mo naman tinatanong?" Sabi ko. Si jacob ay crush ko noong grade six ako. Dahil mabait siya sakin lagi niya akong pinagtatanggol sa mga nang bubully sakin dati. Umiyak talaga ako noong nagpaalam siya na aalis na sila at mag aaral na siya abroad. Kaya gumawa ako ng love letter para sa kanya
"Kase manliligaw ako sayo." sabi ni jacob at nilabas sa loob ng bag ang tatlong stem roses at chocolate na favorite niya.
'grabe kinikilig ako' ani Janna sa sarili niyaNaghiyawan ang student na nanunuod sa kanila at sinabing "woohoo sagutin mo na yan." namula tuloy ang mukha niya dahil dun. Natutuwa naman si jacob sa mga naririnig niya
"Sige" sagot ko. 'Bakit ko pa papakawalan ang taong mahal ko, andito na siya, bumalik para sa akin'. Tumayo si Jacob at hinila ako patayo at hinalikan ako sa labi.
YOU ARE READING
Flashfiction / Dagli / Oneshot
Short StoryCompilations of my Flashfiction / Dagli / Oneshot