First POV (activity)
Pagpasensiyahn niyo na, hindi ko alam if tama ba yung ginawa ko 😁😁😁✌✌✌***
Ano ba dapat gawin pag new year?! Nagsecelebrate? Nagpaparty? Nagpupunta sa kamag anak para maki-kain? Hiindi naman kame masyadong naghahanda pag new year kung ano lang meron, yun lang hinahanda namen, dati hindi kame naghahanda pag new year kase naghanda na kame nung Christmas pero simula nung mamatay yung tatay ko hindi na kame naghahanda, new year na lang. eh ang birthday kase ng tatay ko december 26 kaya December 24 pa lang (noche buena) naghahanda na kame si papa yung punong abala sa pagluluto ng ulam para sa mga bisita niyang darating, masarap kayang magluto si papa. Pag new year naman nagbibigay na lang siya ng pera 3 years na din nung mamatay ang tatay ko, syempre namimiss mo yung tatay mo, sino bang hindi kase biglaan lang ang pagkamatay niya noong una na-high blood lang tatay ko tapos dinala sa ospital eh namen siya maalagaan noon dahil nasa probinsiya siya ame nasa manila, nagpunta tatay ko sa probinsiya para mamiyesta ayun nadale siya ng high blood kakain. Sabi nung mga pinsan ko dun nilason daw siya, pero hindi na namen inintindi yun ang importante lang samen gumaling siya at makauwi ng manila. Pero binawian din ng buhay nung makauwi kame ng probinsiya hindi na kame nakapagpaalam kay papa namaalam siya agad. Sa ngayon andito kame sa hospital at inabutan na ng new year dahil nagkasakit ako, dahil daw sa pagod kaya nagkumbulsion ako at isinugod nila ako sa hospital. Galing kase ako trabaho tapos pagbaba ko ng jeep umuulan tapos basang basang ako ng makauwi ng bahay tapos nagpunas lang ako at nagpalit ng damit at natulog.Sinulat na lang ni Desiree sa notebook ang mga naisip niya dahil wala siyang magawa buti na lang my dalang notebook ang kapatid niya dahil lahat ng tao na kasama niya sa loob ng kuwarto sa hospital ay tulog kahit yung bantay niya tulog na din.
"New Year na New Year andito ako sa loob ng hospital? Haay.. layf ang saklap tsk tsk.." napapailing na sabi ni Desiree. Bumangon si desiree sa kama para magpunta sa banyo inabot niya yung stante na pinaglagyan ng dextrose niya at hinila papuntang cr. Napatingin si desiree sa relo na nakasabit sa nurse station
"Alas dos na pala ng madaling araw, may lumalabas kayang ghost dito?" sabi ni desiree
"Hehehe.. ikaw talaga desiree ang hilig mo takutin sarili mo," sabi ni desiree. Pagkatapos niyang umihi ay bumalik na siya sa kuwarto
"Ate," tawag ng kapatid niya
"Magparamdam ka nga?!, Huwag yung ginugulat mo ko, aatakihin ako puso sa ginagawa mo," sabi ni desiree na nakahawak sa didbdib niya sa sobrang kaba
"Sorry? Nagising kase ako na wala ka eh, syempre nag-alala ako. San ka ba kase galing?" tanong ni tin tin
"Nag banyo lang po ako, naiihi na kase ako eh" sabi ni desiree hila hila ang dextrose papunta sa higaan niya
"Sa susunod ate gisingin mo ko para may kasama ka sa papunta sa banyo," sabi ng kapatid niyang si tin tin
"Opo, sorry na po, hindi na mauulit, happy new year tin!" natatawang sabi ni desiree
"Happy New year din ate," sagot ni tin tin
YOU ARE READING
Flashfiction / Dagli / Oneshot
Cerita PendekCompilations of my Flashfiction / Dagli / Oneshot