Assignment #9
Nagiisa si minnie sa park kung saan siya nakahiga, naglatag siya kanina ng banig saka kumain kasama ang alaga niyang aso si chester
"Aw, aw," 'minnie gutom na ko, may pagkain pa ba diyan' sabi chester.
Sa ordinaryong pagkakataon kahol ng aso lang ang maririnig ng mga tao pero ako ay may supernatural abilities nakakausap ko ang mga hayop katulad ng mga aso, pusa, daga, ibon, leon, elephante, giraffe, kahit anong hayop kahit insecto huwag lang ahas dahil ang ahas ay mahirap basahin at kausapin.
"Kakain mo lang ah, gutom ka na naman," sabi ni minnie. "Dogfood na lang ang dala ko diyan, wala ng karne inubos mo na kanina pa," sabi ni minnie
"Aw aw," 'pwede na yan'
Kinuha ni Minnie yung plastic ng dog food at inilagay sa bowl "oh, kumain ka na, ubusin mo yan ah," sabi ni Minnie
"Aw, aw," 'hindi ko talaga gusto yung amoy ng dog food' reklamo ni chester habang kumakain
"Tingnan mo 'to nagreklamo pa," iling na sabi ni Minnie.
Hindi sa lahat ng oras ginagamit ko ang powers ko mahirap na, nasa city kame ngayon baka mapagkamalan akong baliw. Kailangan ko kasing bumili ng mga gamit at pagkain pang-stack dahil sa isang buwan pa ang baba ko galing sa gubat.
Nakita niyang tapos na kumain si chester at nilagyan niya ng tubig ang bowl "ubusin mo yan, magliligpit lang ako, pupunta pa tayo sa grocery," sabi ni Minnie
Nilagay ni minnie ang mga gamit sa likod ng kanyang kotse at binuksan ang pintuan katabi ng driver seat at pumasok si chester at nagdrive papunta sa grocery na pinakamalapit
Hindi nasunod ang listahang ginawa ni Minnie dahil kung ano ang makita at magustuhan niya ay kinukuha niya kaya ngayon sumubra pero ok lang sa kanya marami naman siyang dalang pera hindi niya problema ang pera dahil my trust fund na iniwan ang parents niya at my business ding pinamana sa kanya kaya lang ipinamahala niya ang negosyo sa taong mapagkakatiwalaan niya para mamuhay siyang magisa sa gubat.
"Aw aw," 'dagdagan mo yung pagkain ko mamaya ah, gutom na ko' sabi ni chester
"Ikaw talaga, puro ka pagkain?! Kaya ka lumalaki eh, magdiet ka nga," tukso ni Minnie kay chester. Ang laki laki kase ni chester para na siyang douberman sa laki. Lumaki lang siya dahil sa pagkain
"Tara na kukunin pa naten yung pinamili naten," aya niya kay chester at pumasok na sa loob ng grocery. After magbayad sa kahera ay nakuha na nila ang grocery at lumabas na sila, ipinasok ni Minnie ang mga pinamili sa loob ng kotse kasabay ng pagpasok ni chester sa loob ng backseat.
"Bakit diyan ka uupo? Diba harapan ka?" kunot noong tanong niya kay chester
"Aw aw," 'ayoko na sa harapan hindi ako makahiga, sakit na ng likod ko' reklamo ni chester
"Magdiet ka kase," asar niya kay chester. Kinuha ni Minnie ang mga pinamila na katabi ni chester baka kase madaganan ni chester at inilipat sa haraan katabi ng driver seat at umalis na.
"Aw aw," 'hindi naman uubra yang pang aasar mo sa akin' ngising sabi ni chester
"Whatever." sagot ni Minnie
Nakarating sila sa tinitirhan nila bandang 5pm na ng hapon. Nagpagawa si Minnie ng bahay sa loob ng gubat ng isang mabatong marmol na bahay. Ang pera na minana niya sa mga magulang niya ang pinang- patayo niya ng bahay. Bata pa si Minnie ng mamatay ang mga magulang niya at naiwan ang alaga niyang aso na si chester. May umampon din sa kanya pero ganun din, namatay din, noong una hindi niya alam pero kinalaunan ay nalaman niya ito ay dahil sa kanyang kapangyarihan.
YOU ARE READING
Flashfiction / Dagli / Oneshot
Short StoryCompilations of my Flashfiction / Dagli / Oneshot