Assignment #10
Nasa store siya sa loob ng Stock room nagkukulong dahil sa sobrang lamig sa labas ng store sa loob ng mall lalabas lang siya pag screening time na sa loob ng sinehan para magbenta ng popcorn, burger, hotdog at softdrinks naka-all black uniform with jacket na black.
Balot na balot dahil sa sobrang lamig parang habang tumatagal palakas ng palakas ang aircon sa loob ng mall nanginginig na siya sa sobrang lamig yun ang nararamdaman ni 'cassey' Cassandra Montemayor.
Isang maliit na babae, payat, flat chested (yun ang description niya sa sarili niya) pero maabilidad siya marami siyang trabahong pinapasukan, kung saan my trabaho dun siya kelangan kase niyang magtrabaho para na rin sa pamilya niya kase siya ang breadwinner may sakit ang nanay niya, bedridden na, ang tatay naman niya isang on-call construction worker lang tas may tatlo pa siyang kapatid na maliliit pa buti na lang apat lang sila kundi magpapakamatay na siya (hehehe.. char!) Kaya todo ang kayod niya para matulungan ang pamilya niya.
"Cas, kumain ka na ba?" tanong ng supervisor niya
"hindi pa po ma'am belle inaantay ko pa po yung screening," sagot ni cassey
"Kumain ka muna kaya.. malayo pa naman ang oras eh, isang oras pa naman," sabi belle
"Ma'am mamaya na lang ako kakain, nanginginig ako lamig hindi ako maka-kilos," sagot ni cassey. Kinapa ni Belle ang ulo ni cassey
"Kala ko may sakit ka na, papauwiin na sana kita," sabi ni Belle
"Ma'am hindi talaga ako sanay sa lamig, ganito lang talaga ako," sagot ni cassey
"O siya, ikaw na ang bahala," sabi ni Belle
"thank you ma'am," sagot ni cassey. Mga ilang minuto pa nag-stay si cassey at tumayo na siya para pumunta sa cr
"Ma'am Belle punta lang ako ng cr," sabi ni cassey. Tumango lang si Belle.
Tumakbo si Cassey papunta sa cr para mabawasan ang lamig na nararamdaman niya. Dirediretso ang pasok niya sa loob ng cr sa loob ng cubicle hindi niya napansin na maling cr ang pinasukan niya
"Oh, my gahddd, ang lammiig!" sabi ni cassey. Lumabas si Cassey Sa loob ng cubicle ng mapansing may nakatingin sa kanya.
"Bakit Nakatingin kayo sakin Sir?" tanong ni cassey. Hindi na lang inantay ni cassey na makasagot ang lalaki, kumuha muna siya ng tissue bago umalis ng cr
"Mukhang Magkakasakit ako nito ah, sinisipon na ako, maya maya mamalatin na ako," sabi ni cassey nang maramdaman niyang tumutulo na ang sipon niya habang papunta sa loob ng snacktime store.
Habang nag aantay ng screening time tumulong muna ako sa paglalagay ng popcorn sa paperbag, paglalagay ng burger at hotdog buns sa warmer, softdrinks at mineral water sa refrigerator, hindi ako pwedeng humawak ng Kaha dahil may taong nakalaan para dun, dahil pag nagkulang ikaw ang sisihin, ang trabaho mo lang ay Mag-Hawker (taga tinda ng pagkain sa loob ng sinehan), Usher (taga-asisst sa mga customer kung saan sila dapat umupo, may respective seat kaseng nakalaan na nakalagay sa ticket nila), at Porter (taga punit ng ticket sa loob ng sinehan).
Pagdating ng screening time maraming ng tao ang nakapila sa ticketbooth at dahil busy at maraming tao ako ang naglagay ng yelo sa cup lagayan ng softdrinks at dahil nakatalikod ako hindi ko nakikita yung mga customer na bumibili
"Miss, pabili nga po ng popcorn," sabi nung lalaki.
"Ano'ng popcorn sir?" sabi ni ate eds yung cashier ng snacktime.
"Miss ano'ng pangalan ng babaeng yun," tanong ng lalaki
"Ah, bakit po sir?" tanong ni ate eds
"Gusto ko siya ang magserve sakin," sabi nung lalaki. Lumapit sakin si ate eds
YOU ARE READING
Flashfiction / Dagli / Oneshot
Short StoryCompilations of my Flashfiction / Dagli / Oneshot