Naa-alala mo pa ba ang araw na sinabi mo sa akin ang mga katagang "Hindi kita iiwan" at "Ikaw lamang"?
Ngunit bakit nawala nang wala man lang paalam?Mga halik at yakap, na kunwari'y 'di mapagpanggap,
Matagal ko nang alam ngunit bakit hindi ko pa rin matanggap?Mga luha na lagi nalang nagbabadyang bumaba mula sa aking mga mata.
May isang tanong, isang tanong sa aking isipan na pilit na ako'y ginagambala...
"Kaya ko pa ba?"
BINABASA MO ANG
Only YOU
Teen FictionSa tagal ng ating pinagsamahan, Bakit 'di man lang kayang ipaglaban? Ang ating pagmamahalan Na puro kasinungalingan lamang