Prologue

348 49 5
                                    

Masasabi kong simple lang naman ang buhay na meron ako. Nakatira ako sa probinsya kasama ng aking lola. Ang mga magulang ko kasi ay laging busy sa work nila. May isa akong kuya pero simula nang mag-college sya, madalang na syang umuwi dahil malayo ang pinapasukan nyang university. Kahit na paminsan-minsan, nalulungkot ako dahil sobrang bihira ko silang makasama, naiintindihan ko naman sila. Pinupunan naman ng aking pinakamamahal na lola ang lahat ng pangungulila ko. Graduating na ako ng highschool this year. Nag-aaral ako sa isang public school sa aming bayan kahit pa maykaya naman kami.

Sabi nila childish daw ako, may pagka-clumsy at mahiyain which is aminado naman ako. Magkaganun pa man, kontento pa rin ako sa buhay ko ngayon.

Ngunit dumating ang araw na nagbago ang lahat.

Napilitan akong lumuwas mag-isa ng Manila at mag-transfer sa Almonte Academy (isang kilalang private school sa Pilipinas which means mostly mayayaman ang nag-aaral sa skul na yun, school for elites ika nga ng iba).

Kakayanin ko bang makipagsabayan sa mga pagbabagong magaganap sa buhay ko sa paglipat ko sa siyudad at pagpasok sa school kung saan iba sa nakasayan ko?

At higit sa lahat, pano kung sa kauna-unahang pagkakataon ay tumibok ang puso ko at matutong magmahal sa isang lalaking di ko inaasahang iibigin o kahit mapalapit man lang ay di ko naisip?

The ChangesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon