Chapter 9

104 30 4
                                    

Gweynet's POV

     Hay naku, ang tahimik. Walang gustong magsalita sa amin ni Ken. Nakakainis naman kasi yung mga nangyari kanina. Nakatingin lang ako sa labas, pinagmamasdan ang mga ilaw na nadadaanan. Madilim na sa paligid. Ang tagal din pala namin sa mall.

     "Ken. Ahm. Salamat pala kanina" muntik ko ng makalimutang magpasalamat sa kanya.

     "Sigurado makakarating sa matanda ang nangyari" sagot niya. So, yun marahil ang reason kaya mas lalong naging seryoso ang isang 'to.

     "Huwag kang mag-alala. I'll take care of everything. Ako na ang bahala. Hindi ito makakarating sa daddy mo. At saka wala ka namang ginawang masama ha. You just saved us."

     "Anong save ang sinasabi mo? Gusto ko lang manuntok kanina" depensa niya. Hmmp, deny pa more.

     "Sabi mo eh" sarcastic kong sabi.

     "Ken, sa susunod gusto ko namang pumunta ng amusement park. Samahan mo ko ulit?"

     "What! Wala ng next time. Amusement park? Ano ka bata? Pinagbigyan na nga kita ngayon pati ang pagsama sa mga stupidong mga kaibigan mo -"

     "Hey stop that! Huwag mo namang sabihan ng ganyan yung mga friends ko. Inaano ka ba nila? Saka malaki ang utang na loob mo sa akin remember? Isang tawag ko lang sa daddy mo, sigurado mamumulubi ka kaagad."

     "Ngayon bina-blackmail mo ko ulit!" galit pa ring saad niya. Pero carry lang. I'm sure I could still handle him.

     "Nakausap ko pala si Jessy noong isang araw" suddenly I changed the topic.

     "Sino yun?" tanong niya. Haist, ang hirap talagang kausap ng taong 'to. "The girl who spread pictures na kung saan magkasama kayo at nagkalat ng mga lies that you're dating her. Dating ba o kayo na daw? Ah basta ganun. Iba-iba na kasi ang mga details na naririnig ko."

     "Ano ngayon? Wala na akong pakialam sa babaeng yun basta lang wag siyang magpakita sa akin."

     "Don't worry, nasa Canada na siya by now."

     "Edi mabuti."

     "She apologized to me Ken. Hindi daw niya kayang humarap sa'yo kaya sa akin siya dumiretso. Nagawa raw niya iyon dahil matagal na siyang may gusto sa'yo and she's hoping na mapansin mo siya. Magma-migrate na talaga sila sa Canada this month. And before she leaves, umasa siya na mapansin mo rin siya. Kaya nang makita ka niyang lasing sa isang bar, kumuha siya ng mga photos kasama ka. Kung sakali raw handa siyang magpaiwan dito sa Pinas para sa'yo."

     "O ngayon? Baliw lang ang gagawa ng ganun... Teka nga lang. Ano ba ang gusto mong sabihin talaga?"

     "Para sa akin kabaliwan nga yun. Ken, hindi ba pwedeng bumalik ka na lang sa dati? Stop hating other people. See, marami ang gustong mahalin ka. Bakit inilalayo mo ang sarili sa iba? I really miss the old you." Hindi niya ako inimik.

      "Nandito na po tayo Ma'am, Sir" singit ng driver. Nakahinto na pala ang kotse sa tapat ng condo ni Ken.

     "Stay away from them. Baka mahawaan ka ng katangahan lalo na dun sa transferee. She's a fucking troublemaker."

     "Hoy hindi ah! Ikaw sumusobra ka na ha! Wag kang magmura!" Hindi niya ko pinansin at dumiretso palabas. Arrgg... Ni hindi man lang nagpaalam. Napangisi ako nang may naisip. Lagot ka sa akin ngayon. Hindi naman kita ilalaglag sa daddy mo. Konti lang.

***

Shen's POV

     Pinagmamasdan ko ang asul na langit habang nakahiga sa damuhan. Wala talagang pumupunta sa lugar na 'to na siyang pinagpapasalamat ko. At least may mapupuntahan ako whenever I want to be alone.

The ChangesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon