Chapter 14

66 26 4
                                    

*** A/N: Hi po. So binago ko po ang cover ng story na'to. Pagpasensyahan niyo na lang, hehe. Wala din po akong time maglagay ng cast at iba pang effects dahil may mga gawain din ako outside wattpad and ang major goal ko lang naman is maisulat ang mga nasa isip ko. Its your chance din para bigyang-buhay ng inyong imagination ang mga characters dito. Ginagawa ko po yun tuwing nagbabasa ako. May sarili akong iniimagine na itsura ng characters/settings/etc...and minsan pa nga, ako yung leading lady, hehe.****

---------------------

Shen's POV

     "Wala naman po. Binigay lang sa akin yung mga topics sa iba't ibang subjects na gagawan ko ng report" sagot ko kay mama na nasa kabilang linya. Saktong pagkauwi ko galing ng school nang tumawag siya. She just want to check kung kamusta ako. Syempre sinabi kong ayos lang. Mas mabuti na yun kaysa idetalye ko pa ang lahat ng mga nangyayari sa akin. Pero nabanggit ko rin sa kanya na pinatawag ako ng adviser namin sa office niya after ng klase. So sinabi ko na rin kung ano ang sinabi ng adviser namin. And tungkol nga iyon sa reporting. Hay... Akala ko ligtas na ko sa pagrereport since halos kalagitnaan na ng school year. Hindi pa pala. Di bale, ako naman ang pinakahuling magrereport, baka di pa nga ako maabutan dahil sa kulang na ang oras.

     "Yun lang ba?" tanong ni mama.

     "O-opo" alanganing sagot ko. Lumapit ako sa nakabukas na bintana ng aking kwarto at dito nangalumbaba habang hawak ko ang cellphone na nakatapat sa aking tainga.

     "I know you Shen. Alam ko kung kailan ka may ayaw sabihin." Haay... No choice ako kung hindi sabihin ang pahabol ni Ma'am Brenda sa akin kanina.

     "Tinanong po ni Ma'am Brenda kung may club na daw ba akong sinalihan" I answered, waiting for her reply.

     "Then?" tanong muli ni mama. Alam ko na kung ano ang patutunguhan ng usapang ito.

     "Sumagot ako ng wala pa. Hindi naman po yun compulsory ma e."

     "I think kailangan mong sumali sa mga clubs. Maganda 'yan para ma-boost ang confidence mo and for you to discover and improve your talents or skills." Sinasabi ko na nga ba at ganito ang mangyayari. And CLUBS? Meaning more than one? Naku naman! Bakit ba sinabi ko pa ang tungkol dito?

     "Sige po" sagot ko na lang. Wala na naman akong magagawa. I have to obey her. Hindi lang dahil sa ina ko siya or dahil may deal kami. But more than anything else, its because I love and respect her. Just like how I love and respect my father, my lola, my kuya, my true friends and every special people in my life. At alam ko naman na para sa akin din lahat ng ginagawa niya.

     "Ma, parang hindi po ako bagay sa section na napuntahan ko." Hindi ko maiwasang sabihin ito kay mama.

     "What do you mean by that?"

     "Ka-kasi po... Masyadong matatalino ang mga kaklase ko at

kasi...ah basta po! Baka pwede akong lumipat?" Natatarantang sagot ko. Kahit pa may mga kaibigan na ako, may bahagi pa rin sa akin na gusto magpalipat ng kahit section man lang.

     "No. Bakit ka lilipat? Dahil natatakot ka? Nahihiya? Matalino ka Shen. Gaya ng lagi naming sinasabi, all you need is to gain more confidence. Paano ka mag-iimprove kung ayaw mong subukan ang maraming bagay? Huwag mong sayangin ang opportunity na ito. Hindi lahat ay kayang mag-aral sa Almonte Academy. Challenge yourself Shen. Mas malawak ang mundo outside our province." Heto na naman kami sa walang katapusang pangangaral sa akin. Kung minsan nakakasawa na ring pakinggan. Hindi naman madali ang mabago ang sarili e. Mahirap. Lalo na sa tulad kong laging nakadepende sa iba. Pero ginagawa ko naman ang best ko. Nauunahan lang ng takot at kahinaan ng loob kung minsan.

The ChangesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon