Chapter 6

154 43 1
                                    

Shen's POV

     Tahimik, mag-isa, walang kaibigan... Ganyan ko mailalarawan ang mga unang araw ko sa Almonte Academy...

     "Waaah!" OH-EEM-GEE! Yung favorite Kpop band ko, magko-concert dito sa Philippines! Samahan niyo ko, mamaya, bibili na ko ng tickets!"-Jiana.

      Sabi ko naman di ba mga unang araw ko ang tahimik. Well, parang hindi na ngayon. Kakarating ko lang kanina nang tawagin ako ni Kirsten. Sa upuan daw muna ako ni Rick since wala pa siya. Then ngayon nga, dumating na si Jiana.

     "Uy Shen, sama ka ha. Libre ko ang ticket basta gusto ko lahat tayong lima will watch the concert." sabi ni Jiana with matching yugyog pa sa akin. Gusto ko sanang umiling pero ayoko namang madismaya siya kaya sige na nga. Bahala na.

     "Narinig ko 'yan sa balita. Di ba next year pa ang concert. Wala pa ngang exact date. OA mo naman. Sigurado wala pang tickets." Basag ni Kirsten. Hehe, medyo nasasanay na ko sa ugali nila. Kapag ganyan talagang magkakaibigan, nagkakaintindihan kayo and komportable ka sa pressence ng bawat isa. Nasasabi mo ang gusto mo at nakikisakay sila sa trip mo. I know the feeling dahil sa dalawang kaibigan ko lang na nasa probinsya nagagawa ang ganung bagay. I value them so much.

     At iyon ang bagay na hindi ko pa sa ngayon magawa sa bago kong mga kaibigan. I admit, ako iyong tao na mahirap magtiwala sa iba and as much as possible I isolate myself away from others. Ramdam siguro nila na hindi pa ako ganun kalapit sa kanila. Obvious naman kasi eh... I seldom talk with them at hindi din ako sasama kapag hindi nila ako iniimbitahan. Pero I appreciate their efforts naman. Nakikita at nararamdaman ko na gusto nila talaga akong maging kaibigan. Siguro, unti-unti, masasanay din akong kasama sila. Sana lang mahintay ang time na yun. Sana hindi nila ako layuan kahit boring akong kasama.

     "Ah basta, I will still check kung may tickets na, mahirap ng maubusan nuh." - Jiana

     Napapalingon na lang ako sa paligid. Nandito kami sa loob ng classroom at halos kalahati na ng classmates ko ang nandito. Busy naman sila sa kani-kaniya nilang pinagkakaabalahan. I don't know kung anong iniisip nila about me lalo na at may mga nakikipag-kaibigan na sa akin. I can't stop myself for being paranoid. yun bang feeling pinag-uusapan ka behind your back?

     But one thing I'm sure about ay palaging masama ang titig sa akin ni Layka everytime na magkasalubong ang mga tingin namin. That makes me feel uneasy.

     "Ah balik na ko sa upuan ko." paalam ko sa kanilang dalawa.

     "Good morning!" sabi ng isang babae na kakapasok lang ng kwarto.

     "Oh madam President. Welcome back!"

     "Salamat. Kamusta na? Ang dami ko na yatang na-miss sa klase."...

    

     Pinagmamasdan ko lang si Gweynet habang masayang nakikipag-usap sa mga classmates namin. Napaka-friendly naman niya. Hindi nawawala ang ngiti niya habang nakikipag-usap. Then nagpalinga-linga siya na parang may hinahanap.

     "Oh, there you are!" sabi niya ng nakatingin sa akin. "I'll excuse myself na ha. Pupuntahan ko lang yung new friend ko" sabi niya sa mga kausap. Eh, ako ba tinutukoy niya? Lumingon pa ko sa kaliwa't kanan pero ako pa lang naman ang nandito.

     "Shen, kamusta na?" tanong niya at nakipagbeso pa talaga.

     "Okay lang. Ikaw?" mahinang tugon ko. "I'm fine" sagot niya.

     "Magkakilala na kayo?" tanong ni Kirsten. Tumango lang ako.

     "Yes. Nakilala ko sya kahapon" sabi naman niya ng nakangiti. Saka siya umupo sa tabi kong upuan sa kaliwa. Siya pala ang seatmate ko. Mabuti na lang nang may harang na sa gitna namin ni Arken. Sobrang di ako makakilos ng normal kapag nandiyan siya.

The ChangesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon