Chapter 13

88 29 3
                                    

Arken's POV

     Bago pa tuluyang makasakay ng kotse si Gweynet, pinigilan ko na siya sa pamamagitan ng paghawak sa pinto nito.

     "Nagawa ko, kaya akin na" sabi ko sa kanya.

     "Ang alin?" painosenteng tugon niya. Shit! Pinaglalaruan na naman niya ko.

     "Hindi ako nakikipagbiruan" kalmadong wika ko.

     "Oo na. Heto na nga oh hinahanap ko na" she answered while opening her bag. Mabuti naman at alam niya kung kailan seseryoso.

     "Mabuti naman at natapos mo lahat ng pinapagawa sa iyo ng teachers natin. On time pa ha. Ang galing mo naman." Mas mukha siyang nagdududa kaysa natutuwa.

     "Tinapos na nga, kung anu-ano pang sinasabi mo. Bilisan mo na nga. And correction, PINAGAWA MO AT HINDI NG TEACHERS NATIN."

     "Hehe. Halata ba?" tanong niya pa habang inaabot sa akin ang susi. Hindi ko na lang siya sinagot dahil hahaba lang ang usapan.

     "Sa susunod, be extra careful ha. Nanakawan ka na pala hindi mo pa alam" pahabol niya pa. Hindi ko pinansin ang pang-aasar niya at agad ko na lang siyang iniwan.

     "Uy. Aalis ka na? Saan ka na naman pupunta? Umuwi ka ng maaga. Hayst. Pasalamat ka at may lakad ako ngayon kung hindi ay susundan talaga kita" rinig ko pang dakdak niya.

     Bakit ba lagi akong ginugulo ng babaing yun? She stole my motorcycle's key just to blackmail me to answer those fucking questionaires. Kinausap pa niya ang matandang na warningan ako sakaling hindi ko sagutan ang mga ito. I'll never leave my things sa kung saan-saan when she's around. Napakapakialamera.

     "Uy 'pre kamusta? Balita ko good boy ka na daw ngayon." Sinamaan ko ng tingin ang lalaking kumausap sa akin. Sinabayan pa ako sa paglalakad.

     "Relax lang 'pre. May gusto lang akong sabihin."

     "Wag mo nga akong tawagin ng ganyan. Hindi tayo magkumpare."

     "Aray ko. Sinasaktan mo na naman ako. Talaga bang ganyan kayo sa akin? Sa tuwing may kailangan lang saka kayo lalapit." Sabi niya habang hawak ang bandang dibdib.

     "Tigilan mo nga 'yan. Baka gusto mong bangasan kita."

     "Eto na. Titigil na. Masyado kang hot. As in mainitin ang ulo. Seriously, hinanap talaga kita para sabihing hinahamon ka ng grupo nila William. Yung taga JD Academy. Ilang araw na akong binabalik-balikan." Napaisip ako sa mga sinabi niya.

     "Ayos lang kung ayaw mo. Ako ng bahalang-"

     "Hindi. Makikipagkarera ako. Fix the date" sabi ko sa kanya bago ko siya iniwan. Bakit ko titigilan ang isang bagay na dati ko ng ginagawa?

     Drag racing...

***

Shen's POV

     Pahirap sa buhay ang lalaking yun. Imbes na magpasalamat nang ibigay ko sa kanya ang mga pinasagutan niya kahapon, nagalit pa. Mali-mali daw ang sagot ko doon sa "statement" at "proving" na yun. E sa mahina nga ako sa geometry. Natadtad tuloy ng liquid eraser ang papel niya sa kapapalit ng mga sagot. Pati yung mga essay ko parang pang-grade 1 daw. Aba sobra siya. Doon ako mas confident, pinaganda ko kaya ang mga sagot ko sa mga essay tapos nilait lang niya!

     Kaya nang makita ko siyang pumasok kanina, inis na ang nararamdaman ko. Asar na lalaking yun!

     "O, kawawa na yang mga damo sa tabi mo. Galit ka?" napalingon ako sa nagsalita sa likod ko.

The ChangesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon