Chapter 3: Jealousy

34 3 1
                                    

"Shiin, Nics!" Sigaw naming dalawa ni Mika habang tumatakbo. Bakit rin kaya nag walk-out si Nics?

Crush niya rin pala si Dominic!

"Huy hintayin niyo kami!" Sigaw ko.

***
Nang makarating kami sa cr agad namin nakita yung dalawa na nakabusangot habang nakayuko.

"Ang hirap palang magkaroon ng parehong crush." Bulong ko kay Mika.

"Ewan ko, hindi naman ako nagka-crush eh." Aniya.

"Eh paano si Kevin?"

"Hindi ko nga crush yun!" In-denial level.

"Tsk."

"Hala! Wrong timing wrong timing! Papunta yung battalion!" Sigaw ko.

"Bahala sila sa buhay nila." Sabi ni Shiin, halatang halata sa boses niya na pikon na pikon talaga siya.

"You're right." Sabi naman ni Nics.

Wala akong nagawa kundi mag-stay kaya ayun nakapunta na nga yung battalion dito. Hindi talaga kumibo yung dalawa.

"Tara na nga." Sabi ni Shiin.

Saktong nag-ring yung bell pag-alis namin sa cr. 30 minutes lang kasi yung break time namin.

*****
Lunch break na ngayon at nandito kami sa stage habang kumakain-- well kami lang tatlo nina Mika at Nics, hindi kasi kumakain ng lunch si Shiin eh.

"Uyy pansin ko lang, bakit palaging nagpa-practice yung mga nagba-basketball? Nasa tapat pamo natin, baka matamaan tayo ng bola tsk tsk." Sabi ko.

"May laban sila." Bitin na sagot ni Shiin.

"Ahm ok." Sagot ko.

"Nics kailangan ko yung takip ng pagkain mo."

"Ito oh." Paga-abot ni Nics sa akin.

"UY SHAI, NICS MAY BOLA!!!!" Sigaw ni Mika kaya tumingin kami ni Nics at napasigaw ng makitang may bolang papunta sa amin.

"AHHHH!!!!!!!!"

Pagmulat ko sa mga mata ko, hindi ako natamaan kundi yung...

Pagkain tsaka bote ko! Yung kay Nics naman yung pagkain lang niya!

"Aru! Lagot!" Sigaw ni Mika.

"What the heck?!" Sigaw namin ni Nics.

Napatingin yung mga basketball boys sa amin at nag-sorry agad.

Bwisit naman oh!

----------------------------------

END OF CHAPTER 3

My IRONICALLY Good FriendsWhere stories live. Discover now