Chapter 1: Really good friends

60 5 1
                                    

Saan ko nga ba sisimulan to?

Sa codenames ba? O sa ships?

Sa classmates ko ba o sa kabaliwan namin?

Ayy bahala na! Kung anong masisimulan ko yun na lang!

"MEHMEH!" Humarap ako at nakita ko si Nics.

"Oh?!"

"Why so tulala? Tara punta tayo sa cr andun sila Shiin" Aniya.

"Andun rin sila Dominic noh?" Usisa ko kaya bumungisngis siya at tumango-tango.

"Edi NO." Sagot ko habang tumingin nanaman sa kawalan, may kina-calculate ako eh.

"Ihh! Hakdog ka talaga! Wag kang KJ!" Papipilit niya.

"Ayoko nga! Magpapapansin lang kayo niyan eh!"

"Ayaw mo nun? Mapapansin nila tayo?" Aniya.

"Mapapansin tayo... Sa ka-weirduhan!"

"Anong pake nila?"

"Ihh! Basta hindi ako damay diyan!"

"Damay ka pa rin! Kasama mo kami eh." Wala akong nagawa kundi tumango nalang at huminga ng malalim.

**********

"Naka-tingin sila kanina sa salamin while tayo nakaharap!" Sabi ni Shiin habang ako hindi alam kung kinikilig siya o natatakot. Crush niya kasi si Dominic-- ayy wait! Crush niya nga ba? Ang alam ko crush niya rin yung isa sa codenames namin, si Jenesis.

"Ang awkward kaya!" Usisa ko.

"Shai! Si Panda oh!" Sigaw ni Mika, hindi niya kasi pwedeng sabihin yung Carlo kasi may makakarinig kaya codename nalang. Shini-ship nila ako sa Panda na yun -_-

"Mika! Si Coke oh!" Ganti ko and by the way, magkapatid si Coke at Panda.

"Yow burn!" Tawa ni Nics at Shiin kaya nag-swag sign ako.

"Kayo ah! Pinagtutulungan niyo ako!" Sigaw ni Mika. Ang sarap niyang pag-tripan haha!

"Kanta ka nalang ng teletubbies!" Sigaw ni Nics.

"Ano connect nun?" Tanong ko.

"WALA!" Sigaw ulit ni Nics sabay taas ng dalawang kamay.

"Guys! Andyan na si ma'am!" Sigaw ni Shiin kaya nagmadali kami agad at tumakbo papunta sa room.

"Super speed!" Sigaw ko.

**********

Nagtuturo yung teacher namin at nagulat ako nang dumating ang isang battalion ng mga lalaki sa room namin, para silang mangogngolekta.

Nagkatinginan kami nila Nics, Mika at Shiin sa gulat.

Eh???

-------------------------------------

END OF CHAPTER 1




My IRONICALLY Good FriendsWhere stories live. Discover now