Probinsiya

26 2 0
                                    

Nakasakay ako ngayon sa aming van pauwi sa probinsya. Halos taon -taon na namin to ginagawa. Dinadalaw namin ang aming Lola Pinang. Ayaw niya kasi sumama sa amin kaya kami ang pumupunta at dumadalaw sa kanya.

Nakasaksak ang headphones sa aking tenga binuksan ko ang bintana at tinanaw ang tanawin. Pinagmasdan ko ang daan. Masyadong matarik, pero hindi gaya noon, mas madali na itong daanan. Dama ang hangin na humahampas sa aking mukha , namigat ang talukap nang aking mga mata hanggang sa hindi ko namalayan ay nakatulog ako.

Ping, andito na tayo. Gumising ka na.

Kinusot ko ang aking mga mata. Naamoy ko kaagad ang pamilyar na amoy ng probinsiya. Pagmulat ko, nakita ko ang nakangiting mukha ng aking inang si Marissa. Nginitian ko sya agad at inayos ang aking sarili. Huminga ako ng malalim at agad na bumaba.

Bitbit ang aking mga bagahe, nilibot ko ang paningin sa buong lugar. Tatlong buwan akong maninirahan dito. Wala kasing pasok dahil lumalaganap ang pandemya sa buong Pilipinas, hindi man sakop ang aming lugar, mas pinili na lang naming lumuwas at manatilivdito sa mas tahimik. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng bahay hindi gaya sa amin inaamin kong mas maliit ang marangyang tirahan ni lola pero makikita na naalagaan ito ng maayos. Namimiss ko dito. Naalala ko ang mga nagdaang taon kada tumapak ako sa lugar na ito, ganitong-ganito ang nadadatnan ko. Ganitong-ganito ang naiisip ko.

I'm Pia Marice Anderson. Lahat ng taong nakakakilala sa akin ay tinatawag akong 'Ping', and I'm totally fine with it. NBSB ako and average lang ang mukha. Yeah, beauty is in the eye of the beholder sabi nga nila. Kung maganda ako sayo edi thank you kung hindi, sana mas maganda o gwapo ka. Haha . Lahat ng friends ko sinasabihan akong transparent, not just because I can adjust to everything but because sobrang babaw ko. Lahat ng emosyon, malungkot, masaya, galit makikita mo talaga sakin depende sa sitwasyon. Anyways, tama na ang drama pumasok na kami sa loob at sinalubong naman kami ni lola Pinang ang pinakamamahal kong lola. Siya yung ina ni Arthur, yung papa ko.

Nakuuu! Siguro pagod kayo sa byahe . Sige magsipunta na kayo sa dining at ako na ang bahalang magpaakyat nitong gamit niyo sa kwarto. Narinig ko nag boses ni lola. Umuna na kasi sila ni Mama at Papa dahil kinuha ko pa ang cellphone ko sa kotse.  Manang, pakiakyat nga ng mga bagahi nila sa kanilang kwarto. Nasaan si Ping? Napangiti ako nang hanapin ako ni lola.

La! Andito ako! Nakangiti ko siyang sinalubong ng yakap. Bakit ka po nangangayat? Habang pinagmasdan ang kanyang kabuuan. Agad kong binalingan ang kaniyang mga tagapag alaga.

Pinapabayaan niyo ba lola ko di--hmmpp. Ngumuso ako ng tinakpan ni lola ang aking bibig . 

Ang daldal mo parin talaga. Huwag kang mag alala dahil sa mga gamot ko ito. Ikaw talagaaa. Nanggigil na saad niya. Kinuha ko ang kanyang kamay na nakatakip sa bibig ko at yumakap ulit sa kanya.Nakanguso ko ring dinuro ang mga tagapagbantay. Yumuko lamang sila habang natatawa. Alam kasi nilang nagbibiro lang ako. Namiss kita, lola!

Napatawa na lang sina Mama at Papa sa inasta ko.

Alam mo naman kasi yang apo mo . Hindi ka na nasanay. Bumeso si mama kay lola ganun din si papa.

Tara na po sa kusina ma, kanina pa ako nagugutom, natatawang saad ni Papa sabay himas ng tiyan. 

Ang takaw mo pa rin Arthur! Tingnan mo nga yung tiyan mo.

Siyempre saan pa ko magmamana. ? At saka, kahit malaki tong tiyan ko, mahal naman ako ng asawa ko.

Yhieeee- tukso ng lahat kina mama. Ang sweeettt! Sana all!

Sabagay, sa ama mo ka pala nagmana . Makinis at sexy kasi ako ng kabataan ko, with actions na sabi ni lola. Natawa ang lahat sa kanyang sinabi at tinungo na namin ang kusina.

Actually, ang asawa ni lola na si Lolo James ay pumanaw na mahigit limang taon na rin ang nakalipas . Natural na sakit ang ikinamatay niya. Yung lola ko, simula noon gusto na namin siyang kunin dito pero ayaw niya dahil itong bahay ang simbolo ng kanilang pagsasama. Ito ang pinagmulan ng kanilang pamilya. At naiintindihan namin yun kaya nga kami ang dumadalaw dito. Si Lolo James ay may lahing American at doon sila nagkakilala ni Lola Pinang . Isa kasing OFW noon si Lola. Nagustuhan si lola ng kanilang pamilya dahil masipag, mabait, masayahin at mapag-alaga ito. Siyempre maganda din si Lola. Simula nang makasal sila ni lolo, bumalik sila dito sa Pilipinas, bumili ng mga lupain at pinangalagaan nila ito hanggang sa lumago. Isa kami sa may ari ng pinaka malaking hacienda dito sa probinsiya. At halos kilala si lola dito sa buong bayan. Marami na kasing natulungan ang aming pamilya. Nagkaroon sila ng anak at yun ay si papa.  Naging busy na kasi sila sa pag aasikaso ng kanilang nasasakupan kaya hindi na nila siya nasundan. Gayunpaman, hindi naman nawala ang kanilang pagmamahalan hanggang nga sa pumanaw na si lolo.

Pagkataos naming kumain ay hinayaan na kami ni lola na magpahinga muna. Marami pa kaming oras na makapagkuwentuhan at hindi naman ako makakaalis dito sa bahay hanggang sa lumabas yung SWAB test namin at magkukulong din kami ng 14 days para sigurado.  Ayaw din kasi naming makaperwisyo.

Dahil sa pagod ay hinubad ko lang ang aking sapatos  at patalong humiga ako sa kama. Nakakapagod ang araw na to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wanted and GrantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon