Z I O N

6 0 0
                                    


"Bes. Halika nga rito! Bilis!"

Nakabusangot akong pinuntahan si Anna na nasa kusina ng apartment na tinutuluyan naming dalawa. Ang aga-aga eh kung makasigaw akala mo naman sobrang layo naming dalawa.

"Ano ba kasi yan?"

Singhal ko sa kanya.

"Bes. Tingnan mo ang bagong profile picture ni Zion. Ang gwapo talaga. Omo!"

Hindi ko na tiningnan iyon at binatukan siya ng malakas.

"Ka-imbyerna ka. Makakain ba yan? Makakadagdag ba yan ng taba?"

"Hoy kababae mong tao. Wala ba talagang kilig na nakatago diyan sa kaloob-looban mo?"

Inirapan ko siya. Bahala ka nga.

"Hep-hep!"

Tiningnan ko siya ng masama nang pinigilan niya ako at hinawakan ang kamay ko.

"Tingnan mo nalang kasi. Ewan ko sa'yo ha. Ba't di ka nadadala sa kanya? Oh? Tingnan mo ang mga mata. Shez bes. Tapos ang pogi niya talagaaaaa!"

Walang gana kong tiningnan ang picture. Anong pinagkaiba ng mukha niyan sa personal at sa picture eh wala naman? Mukhang gago pa rin naman.

Tuluyan na akong naglakad pabalik sa kwarto. Napailing nalang ako nang tumitili at gigil na napasigaw si Anna sa pangalan ko. Aba't.

Anong problema niya kung wala talaga akong pakialam sa Zion- zion niya na yun?

-------

Inilagay ko sa locker ko ang mga gamit at isinara iyon. Magpapalit ako ng shorts at crop-top kasi magpapractice ako ng sayaw para sa darating na founder's day ng university.

Papaalis na sana ako nang makita ko si Zion na naglalakad habang dala ang kanyang gitara.

Hindi ko na sana bibigyang pansin nang makita kong nginitian niya ang mga babaeng tumitili sa kanya.

Ang yabang! Panget naman. Akala mo kung sino!

Umirap ako at naglakad na papuntang comfort room.

Pagkatapos magbihis ay nagpunta na ako sa isang vacant room at inilapag ang speaker.

Give it to me, I'm worth it
Baby I'm worth it
Uh huh I'm worth it
Gimme gimme I'm worth it
Give it to me, I'm worth it
Baby I'm worth it
Uh huh I'm worth it
Gimme gimme I'm worth it

Pagkatapos maitali ang jacket sa bewang ko ay unti-unti kong sinabayan ang kanta. I paced back and forth and swayed my hips. I created my own rhythm, and danced like my dreams depended on it.

Just gimme you, just gimme you
Just gimme you, that's all I wanna do
And if what they say is true
If it's true, I won't get mad at you
I may talk a lot of stuff
Guaranteed, I can back it up
I think I'mma call your bluff
Hurry up, I'm walkin' out front

Uh huh you see me in the spot like
"Ooh I love your style"
Uh huh show me what you got
'Cause I don't wanna waste my time
Uh huh see me in the spot like
"Ooh I love your style"
Uh huh show me what you got
Now come and make it worth my while...

Ngumiti ako nang matapos ko ang sayaw gaya ng pinagpractisan ko sa bahay. Mabuti nalang talaga at wala akong nakalimutan.

"Amazing as always."

Napatigil ako nang marinig ang baritonong boses na kilalang-kilala ko.

"Did you follow me and watch me the whole time?"

Hinarap ko siya at gaya pa rin ng dati ang epekto niya pero di ko iyon pinakita.

"Yes."

Ngumiti siya sa akin ng walang bahid na pang-iinis.

"Why? I don't want you in my life again."

His smile faded because of what I've just said.

"I'm sorry for being an asshole Glee. I'm sorry."

Heto na naman tayo sa mga sorry, sorry at sorry niya. Ilang beses na ba niyang paulit-ulit na hingin ang kapatawaran ko? At ilang beses ko pa din bang sasabihin na ayoko na? Ilang linggo na rin siyang ganito at hindi ko alam kung kelan siya titigil.

"It's okay. Nakalimutan ko na rin naman ang dati. Hindi na naman ako nasasaktan kagaya nong unang beses mo'kong tinalikuran kasi pinili mo ang musika. Hindi na naman masakit maiwan nang walang eksplenasyon na natanggap."

Liar.

"Alam mo namang gusto ko ang makapasok sa isang musical university diba? It was my dream Glee. I thought you'd support me."

He said to me with begging eyes. Kita ko rin ang pagtitig niya sa akin at ang takot sa mga mata niya na muli ay tatalikuran ko siya.

"I did. Kaya nga di kita hinabol kasi yun na eh. I thought you'd be there for me when I'm reaching my dreams too but you left me because I was never really on yours."

Tumalikod na ako upang di niya makita ang pagpatak ng mga luha ko. Stupid tears! Stupid heart!

Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig nang niyakap niya ako mula sa likod.

"You were my greatest dream Glee. I'm sorry. I'm really sorry. I want you again. I want you always. It kills me that whenever I sing and create a melody, I would always end up with something broken because I don't have you. I still love you. I do. Please. Please come back to me."

Umiyak na ako ng tuluyan. Ramdam ko din ang pagkabasa ng balikat ko. Unti-unti kong tiningala ang kanyang mukha at nasilayan ang kumikinang na likido sa kanyang mga mata.

Mahal na mahal ko pa din siya.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hinalikan siya sa mga mata na siyang nagpapikit sa kanya.

"I tried closing my doors. Pero mahal pa rin talaga kita. Please don't leave me anymore. I couldn't stand another great pain from you, Zion."

Short Lovely StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon