Hera's point of view
"Are you ready, anak?" Tanong ni mama na nasa driver seat parin pero nakalingon siya sa pwesto ko.
Ready na nga ba ako? Aishh I don't know what to do and I don't know what to say!
"Uhmm, I think so?" Patanong na sagot ko dahil hindi ako sigurado kung ready na ba akong pumasok sa isang parte ng pagkatao ko este pagkabampira pala.
Nandito na kami sa parking lot ng academy. Mukhang malungkot ang academy dahil sa tahimik ito at tanging ihip lang ng hangin at mga tuyong dahon na nagliliparan ang maririnig mo. Walang mga huni ng ibon. Malamang baka patay na ang mga ibon dahil sa mga kauri kong bampira. Haha maybe?
Bumaba na kami ng kotse at may isang babae ang lumitaw sa harapan namin ni mama. Maputi at maganda ang babae na naka suot ng pormal. Sa kanyang itsura at kilos ay talagang kagalang galang ito. Mukhang kasing edad lang siya ni mama.
"Welcome to Vampires Academy, Mrs. Sawyer" Pagbati niya kay mama at ngumiti ito kaya nginitiian rin ito ni mama.
Bumaling ang tingin sa akin ng babae. Ngumiti ito at pansin mo sa kanya na mabait siya ngunit hindi mo gugustuhing kalabanin siya. Nagtitigan lang kami hanggang sa magsalita na siya.
"Nakakapagtaka... impressive." Sabi niya sa akin at ngumiti muli. Naguluhan naman ako sa sinabi niya.
"Mind reading is one of my special abilities, but I don't know why I can't read your mind through your eyes." She said with amused tone. Special abilities? What the heck!? This is really full of surprises!
"By the way I'm Savannah Itchika, just call me Mrs. Itchika. I'm the headmaster's assistant. I'm here to guide you." Pagpapakilala niya sa kanyang sarili. Ah kaya pala ang pormal ng datingan niya.
"Nice to meet you, Mrs. Itchika" Sabi ko at nag bow sa kanya. Like Koreans or Japanese, its shows respect.
"Matagal tagal na rin Frina, huli kitang nakita noong digmaan pa." Sabi ni Mrs. Itchika kay mama. Magkakilala pala sila dati pa.
"Oo nga Savannah, namissed ko rin ang lugar na ito. Sana ay bumalik na ang dating sigla ng lugar na ito." Makahulugang sabi ni mama kay Mrs. Itchika. Tumango naman si Mrs. Itchika bilang pagsang ayon kay mama.
"Humawak ka sa akin ija, ikaw rin Frina." Utos ni Mrs. Itchika na kaagad ko rin nang sinunod kahit ako ay naguguluhan sa sinabi niya. Humawak na rin si mama sa kanya.
Sa isang iglap lang ay kaagad kaming nakarating sa tapat ng isang pintuang malaki.
Shitness! Nakakasuka yun ah! Teka nag teleport ba kami? Grabe parang binaliktad ang sikmura ko duon. Hindi manlang nila ako ininform. Pakiramdam ko umikot ang paligid ko kanina, daig pa yung roller coaster eh!
"Lahat ng mga first timer na kagaya mo ay nahihilo or nasusuka. Huwag kang mag alala lilipas rin mamaya iyan, anak." Paliwanag ni mama sa akin. Grabe! Lahat na! Lahat na may thrill! Kaya pati buhay ko may thrill eh! I'm dizzy right now.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Legendary Vampire Princess
VampireABOUT VAMPIRE TAGALOG/ENGLISH C O M P L E T E D (Official acc) UNDER EDITING (In this acc) SAVE THIS STORY ON YOUR PRIVATE LIBRARY OR READING LIST. ENJOY READING READ INSIDE!!! +++++++++++++++++++++++ Mature Contents (No BedScenes) just some foul l...