Hera's point of view
Nandito kami ngayon ni Hanily sa kwarto namin. Located ito sa second floor. May dalawang kama rito at malawak. Kumpleto lahat mula sa aircon, banyo, closet at iba pa. Kakatapos ko lang ayusin ang mga gamit ko buti nalang at tinulungan ako ni Hanily kahit na pinigilan ko siya kanina. Makulit eh, pero napadali naman dahil sa tulong niya.
Para talaga siyang si Miley, speaking of her. Namimiss ko na ang babaeng yun."Hanily, can I ask you something?" Tanong ko kay Hanily na nakaupo sa kama niya paharap sa akin. Tumango naman siya bilang sagot.
"Ano yung kulay gold na pinto duon sa dulo ng hallway?" Curious na tanong ko sa kanya. Napakunot naman ang noo niya.
"Ah yun ba, dorm yun ng mga vampire Royalties. Tatlong prinsesa ang nanduon. Mas malaki ang dorm nila tsk malamang mga prinsesa sila. Sa dorm naman ng mga boys may ganun din at ang tatlong prinsipe naman ang mga nanduon sa kulay gold ang pinto." Sagot niya sa tanong ko. Ah okay duon pala ang dorm room ng mga Royalties. May special treatment.
"Tara kain tayo sa cafeteria!" Anyaya sa akin ni Hanily.
"Ikaw nalang, wala kasi akong gana mag lunch ngayon." Sabi ko sa kanya at humiga ako sa aking kama. Haisst ano kaya ang mangyayari bukas. Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa side table na may lampshade.
"Sige Hera, sa cafeteria lang ako ha. May pagkain naman diyan sa ref." Pagpapaalam ni Hanily bago siya tuluyang lumabas ng kwarto namin.
***
Maaga akong nagising ngayon dahil ngayon ang first day ko sa klase dito sa Vampires Academy.
Tumayo ako sa aking higaan at nagsimula ng maligo. Tulog pa si Hanily siguro puyat sa kakanuod ng K-drama.
Matapos kong maligo ay nagpatuyo na ako ng buhok at kinulayan ko ito ng kulay brown. Nagbihis na ako ng uniform at nagsuot na ako ng contact lens. Nag ayos na ako ng aking sarili.
Ang ganda ng uniform dito. Ang ganda talaga, mukhang mahal pa ito. May kasamang academy pin. Pero parang familiar sa akin ang uniform na ito. Hmm saan ko nga ba ito nakita?
Nagising naman si Hanily dahil 6:30 Am na. Binati niya ako ng good morning at binati ko rin naman siya. Naligo na siya at nag ayos ng kanyang sarili pagkatapos.
Nandito na kami ni Hanily sa may sala at nag aayos ng aming dadalhing gamit. Nakalimutan ko kasi ayusin kagabi. Tsk! Pati rin pala yung binigay ni Headmaster Takahata nakalimutan kong basahin. 7:03 Am palang naman kaya maaga pa. 7:30 kasi ang start ng klase namin.
Kinuha ko yung name pin at inilagay ko ito sa right chest ko. Ang academy pin logo naman ay nakalagay sa left side ng chest ko. Sinuot ko na ang ID ko. Okayyyy I think I'm done and ready to go.
"Tapos na rin ako mag ayos ng gamit ko. Kain tayo sa cafeteria." Sabi ni Hanily. Tumango naman ako saka tumayo at lumabas na kami ng dorm at sinarado ang pinto.
"Anong section mo?" Tanong sa akin ni Hanily habang naglalakad kami dito sa dormitory hallway.
May mga ilang estudyante ang nakatingin sa akin. May mga ngumiti at may mga parang pinagbaksakan ng langit kung makasimangot. Siguro dahil sa ngayon lang nila ako nakita dito. Syempre bago ako psh.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Legendary Vampire Princess
VampireABOUT VAMPIRE TAGALOG/ENGLISH C O M P L E T E D (Official acc) UNDER EDITING (In this acc) SAVE THIS STORY ON YOUR PRIVATE LIBRARY OR READING LIST. ENJOY READING READ INSIDE!!! +++++++++++++++++++++++ Mature Contents (No BedScenes) just some foul l...