chapter 35

1.2K 33 0
                                        

Thanya's POV.

Nakauwi nako sa bahay na puno ng saya.

Ngunit alam kong hindi pa iyon ang oras para makita ako ni terence.

Tsk!

Muli ay inayos ko ang magiging schedule ko.

Give her a sweet revenge.

I smirk

Tinawagan ko yung abogado ko upang sabihin na pakawalan na si kira sa kulungan...

At agad akong kumilos

Nagbihis muli ako ng balot balot na itim na damit at pinuntahan kung saan ang tahanan nito.

Nang makarating ako ay dahan dahan kong itinalon ang bakod nito at nakita kung gaano kasaya ang mga kapatid nito.

Agad akong nakaramdam ng awa para sa pamilya nito

Masyado akong masama sa gagawin ko.

Im sorry..

Tinatagan ko ang loob ko

Muli ay tinalon ko ang bakod at tinawagan ang nanay ni kira

Iniba ko ang boses ko upang hindi malaman kung sino ako kung sakaling marecord ang boses ko

"hello?"

"umalis na kayo sa bahay niyo"sabi ko

" h-ha? Sino toh?" sagot nito

"sabing lumayas na kayo! Dalhin niyo na ang mahahalagang gamit niyo bilis!"sigaw ko

Agad kong pinatay ang telepono at hinintay ang pag kuha nito ng mga gamit palabas.

Sako ang dala dala nila, nang makita ko itong palabas na ay agad akong nagtago sa poste.

Nang medyo makalayo ito ay agad kong sinidihan ang granada at binato ito sa bahay nila..

I will give you a perfect problem kira.

Wala akong balak idamay ang pamilya ni kira kahit na dinamay niya noon sila manang felly..

Agad naman akong tumakbo papunta sa kotse ko

Tinanggal ko ang bawat itim na balot na suot ko nag ayos ako ng sarili ko..

At nakita ko agad ang pamilya ni kira lalo na ang nanay ni kira na dahan dahang napaupo

At iyak ng iyak..

Gusto kong maawa pero tuwing naalala ko yung ginawa ni kira saakin pati sa pamilya ko at  mas gugustuhin ko nalng na wag na itong tulungan..

Nagkunwari akong napadaan sa harap ng nanay ni kira

Agad akong bumaba ng kotse ko
At naupo rin upang makita ko lalo ang pagmumuka nito

"ahm? Nanay? Bakit ho kayo naiyak?" pag aalala kong tanong

"mga anak d-d-dito K-kayo.." sabi nito at yinakap ang dalawang anak nito na umiiyak rin

"p-pwede ko ho bang malaman? Kung bat kayo umiiyak?" sabi ko

"y-y-yung bahay na... Yung bahay na pinaghirapan bilhin ng panganay kong anak... Nawala.. Nasira ko "lalong humagugol ito

Siguro si kira ang tinutukoy nito

"a-asan ho ba ang anak niyo?" tanong ko

"yun nga -a-ang di ko alam.." Tunay na nakakaawa ang mukha nito dahil halatang may edad na ito "sabi niya magtatrabaho lang siya p-pero... Sasapit na ang pasko wala parin siya..."tuloy tuloy na tumulo ang luha nito " paano nalang kung malaman niya na... Yung bahay namin na pinaghirapan niya...,"lalong hunagulgol ito

"m-mama...san na po t-tayo titira?" tanong ng bunsong batang babae

Agad na nagpunas ng luha ang nanay nito

"ahm, kyril gagawa ng paraan si mama ha? "napakunot ang noo nito at muling umiyak..

"you can sleep at my house.."sabi ko

"ah, miss hindi--"

"no, i will help you and buy you some house bukas na bukas bibili agad ako ng bahay para sainyo.." sabi ko

"jusko..hulog ka ng langit iha"sabi nito

Sana nga ho, ngunit baka magulat ka kapag nalaman mo na kung sino ang dahilan ng pag ka sunog ng bahay niyo ay dahil sinunog ko.

Hehe

Pinasakay ko na ito at agad akong pumunta sa apartment..

Pinakain ko muna sila at pinatulog

Kung ganyan kalang kabait kira ay sana hindi na nangyari ito.

Kinabukasan ay maaga akong gumising upang kamustahin kung ano na nangyari kay kira

"inaayos na po ang pang piyansa ni kira ms. Cruz"

"good" sabi ko

Agad akong nag tungo sa bahay na alam kong malapit lang sakin at iyon ang binili ko sa pamilya ni kira..

Umuwi muli ako ng apartment.

"tinulungan naman ako ng isang babae kira.. Mabait siya kaya mamaya magpasalamat ka ha?"sabi ng nanay ni kira

Kaya pumasok ako ng tuluyan sa bahay

"ay kira ito ito.. Ipapakausap ko sya sayo magpasalamat ka kira okay?" halatang tuwang tuwa ang nanay nito dahil makakausap ng anak nito ako

Kinuha ko cellphone at bumulong ako sa nanay nito na sa kuwarto ko nalang kakausapin si kira

Kaya pumayag naman ito at naghanda ng pag kain..

Pumasok ako sa kuwarto ko at ni lock ang pintuan.

"h-hello?" sabi ni kira

"ahm, im kira.. Maraming salamat po sa pag--"

"walang anuman KIRA" sabi ko at ngumisi

"s-sino toh? Thanya ikaw ba toh? Walang hiya ka thanya! Pakawalan mo pamilya ko!" sigaw ni kira

"oops, ang bait ng nanay mo... Kaya di mapakawalan"

"ah so ikaw pala ang nag pasabog ng bahay namin?!"

"bahay niyo? O dating tambayan niyo? Na ninakaw mo lang naman para masabi na iyo?"

"hindi ko alam ang sinasabi mo! Walang hiya ka! Pakawalan mo ang pamilya ko sabi!" sabi nito

Ansakit masyado sa tenga ng boses niya

"ang tining ng boses mo punyeta ka kira!" pasigaw na bulong ko

"pakawalan mo pamilya ko thanya kung ayaw mo sabihin ko sa pamilya mo na andito ka na"

At doon ako kinabahan..
Sandali akong natahimik

"edi sabihin mo, para mapagkamalan ka na baliw"

"letse ka talaga thanya! Wala kang puso! Itim yang puso mo!"

"then stay away from a blackheart."

"ang sama mo!"

"mas masama ka parin kira.. You are the real BITCH!"

***
Kindly support my story by tapping the star and comment down below thank you!

-antagal kong di naka update hakhak! Kaya ayan hinabaan ko ng beri layt HAHHAHAAHA

To all silent reader's uso maging maingay bes HAHAHHAHAHA
Muah! Tsaka vote din pag may time HAHHA muah love you heärter's

The badgirl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon