chapter 9

1.5K 61 8
                                        

Thanya's POV.

Pagpasok ko sa school
Andaming kalalakihan ang bumungad sakin
Kaya naman napangunot ang noo ko

"maglalakas loob na kami! Ms. Thanya cruz! We want to court you!" sigaw ng lalaki at nag-bow sila sakin lahat

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa nila

Tss. Sa halip ay dumiret-diretso ako papunta locker

Bigla ay may kumalabit sakin at nag bibigay ng papel

Ano toh? Love letter?

Ang ginawa ko pinunit punit ko ito

"ms. Cruz tanggapin mo sana po ito.. Please pinaghirapan ko pong gumawa nito para sayo halos hindi na kase ako makapag isip kung paano mo ako papansinin.. Bumababa naren yung grades ko kakaisip sayo lagi nalang ako nalulutang..  Ms thanya tanggapin mo po itong explosion box na ito"

Inabot nya sa akin ang box
Na puro picture ko sa labas tas may pangalan ko sa takip
Na may iloveyou sa baba
Tas rabbit ang itsura ng explosion box ang cute pero kahit gaano pa sya kacute diko alam kung bakit hindi ko naisip na itago nalang ito

Sa halip ay tinignan ko sya at dahan dahan kong ibinaba ang explosion box..

At tinapak tapakan ko hanggang sa nadurog lahat

Napangaga yung lalaki
Tss.

"get out of... My way"sabi ko

Halatang di makapaniwala yung lalaki sa ginawa ko

"I said get out of my way!"sigaw ko kaya nataranta naman sya

Dumeretso ako't huminto upang tignan yung lalaki

Halos maiyak iyak sya habang pinupulot ang pira-piraso

"di ko kasalanan na bumaba ang grades mo.. Kasalanan mo yan choice mong mag aral hindi ang pasiyahin ang isang tulad ko naiindihan mo?" sabi ko at tumalikod

Dumiretso ako sa canteen para bumili ng tubig..

"How dare you!"
Pak* bigla ay sinampal ako ng isang babae pagkatalikod ko

Kaya naman napa harap sa gilid ang muka ko sa lakas ng hampas ng babaitang ito..

Impakta ka!

Bumuntong hininga sya ng malakas"how dare you na tapak tapakan ang ginawa ng lalaking gusto ko!"sigaw nya at halatang nangigil

Kaya humarap ako sakanya

"how dare you to slap me without my permission?" kalmadong sagot ko

"huh?! Inisip mo pa talagang mag paalam ako sayo? Ha? Anong klase ka?"

"di mo alam kung gaano sya nahirapan! Nagpatulong pa sya sakin kagabi alam mo ba yun ha! Yung taong gusto ko sinasaktan mo!"dagdag na sigaw nya pa

"gusto mo? Gusto kaba?"tanong ko at ngumisi

"hah! Hinde!dahil nasayo ang atensyon nya! Tas ikaw? Hindi ka marunong mag appreciate!pano ka nila natutunang mahalin sa ugali mo? Ha? Sa totoo ngalang you're  A big mess!"

"because boys nowadays doesnt look at your attitude they look at your beauty" sabi ko at tumalikod

Tss. Edi sana di nya tinulangan dapat kase inagaw nya yung atensyon nung lalaki sakanya edi sana di sya nag kakaganun

Pumasok nako sa classroom dahil late ako
Napatingin sakin lahat ng kaklase ko

Napairap nalang ako.
Tsk.

Umupo ako sa upuan ko at nakinig sa klase

"ms.cruz bakit late ka?" tanong ng teacher namin sa computer

"maraming humarang sakin sa baba eh. Please proceed" sagot ko

Napabuntong hininga nalang sakin yung teacher namin..

Kaya napalingon ako sa gilid ko ng mahagip ng mata ko si terence

Nakatingin sya sakin kaya napangunot ang noo ko

Bigla nya akong kinindatan
Tsh korni mo nanaman

***
Kindly support my story by tapping the star and comment down below thank you!

The badgirl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon