Chapter 4-His Side Story

138 7 3
                                    

Jerome jiezen's Pov

Simula nang makilala ko tong tomboy na to mas lalong naging mahirap ang buhay kong mabuhay pa matapos ang nangyare sakin.

Na sa dami ba naman ng pwede kong makilala sa Kalsada na yun ay bakit siya pa! Ang angas angas ng dating! Hambog! Mayabang! Naiinis ako dahil Puro na bangas ang mukha ko dahil sa kaniya.
Anong karapatan niya para saktan ako ng ganito? Pati narin yung mga Sindikatong kasama niya! Nilamog nila ko! Nasira na ang gwapo kong mukha.

Tapos ngayon Kung kaladkarin niya nanaman ako papunta dito sa Garden nato ay parang siya ang tatay ko! Lintek ang walang ganti sa tomboy nato! Eh puro angas yabang at kahambugan lang naman ang alam

At ngayon nagulat ako ng pinagkekwento niya ko tungkol sa sarili ko!
Takte..

"Ano? Bat ako magkekwento? Adik ka ba?" Gulat na tanong ko nang may halong inis

"Magkekwento ka o sasapakin ulit kita?" at nanahimik na kong sumandal sa puno

'Gusto niyang magkwento ako tungkol sa buhay ko...hays bakit sa harap pa ng tomboy nato?'

"Magkwento ka para makilala kita, gaya ng sabi mo hindi ka pa namin kilala para saktan ka namin ng ganyan kaya magkwento ka, baka sakaling magbago isip ko at Maging mabait ako sayo"

'Wow hah!Maging mabait? Eh puro yabang lang alam neto eh!' Sa isip isip ko

Pero naisip ko rin...Yung mga pangyayare sakin bago kami magkakilala sa kalsada
'Nakakatrauma pag naalala ko yun shet'

Naramdaman kong may tumulong Luha sa mata ko hindi ko nanaman mapigilang umiyak pag naaalala ko yun

Napaangat ang ulo ko sa kanya ng bigla siyang tumabi sakin sa puno..

"Oh abutin mo na tong panyo, wag ka na mahiya Kulay black naman yan, pasensya na wala akong Kulay pink Ayoko sa pambabaeng gamit" sabi niya pa! At nakita ko siyang nakangisi sakin
'Damn that handkerchief! Pinahamak ako!'

Pahablot kong kinuha ang panyo na hawak niya at pinunasan ang luha kong tumulo
Napabuntong hininga ako at napayuko ulit

'Hays pano ba ko magkekwento sa harap ng tomboy nato?'
Kaya sa halip na magkwento ay iniba ko ang sasabihin ko..

"G-ganyan ka ba talaga? Bakit ka ganyan sa mga lalaking gaya ko? Ansama ng ugali niyong nga sindikato kayo" pagbubugnot kong sabi sa kaniya

"Tss...wag mong ibahin ang Usapan pinagkekwento kita..Minsan lang akong makinig sa madramang istorya kaya swerte ka't pakikinggan pa kita" mayabang nanamang sabi niya

'Takte akala ko mapapalampas ko siya dun..pero hindi..Pinagkekwento niya talaga ko!'

"A-ah e pano ba ko magkekwento sayo? Eh ang-ang yabang mo!" Pagmamaktol ko kunwari

'Pakshet bat ako nauutal?' 'Nababakla ka na ba talaga jerome? Umayos ka ipakita mong lalake ka!'

"Tss..Kailangan mo pa ba ng intro? Andami mong arte..Basta magkwento ka Simula umpisa hanggang Sa nakilala mo ko..Bilisan mo nasasayang oras ko" sabi niya
'Lakas talaga makalait ng tomboy na'to'

"Simula kase nung makilala ko siya--" pinigil niya ko magsalita at sumabat siya! Lintek!pano ko magkekwento ng diretso?!'

"Hanep wala akong sinabing ikwento mo yung baduy na love story niyo ng babaeng eka mo mahal mo! Umpisahan mo sa Maling ginawa niya sayo at bakit ka nagdrama nung araw na nagkakilala tayo!" Parang nababagot na sabi niya na

THE TITIBO TIBO STORY - REVENGE OF THE BOYISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon