Chapter 7- Welcome to the Group

123 4 0
                                    

Leyzen's Pov

~HINDI ko alam kung anong meron ka na sa akin ay nagpalambot ng bigla
~Sinong mag aakalang lalake pala ang bibihag sa tulad kong tigreng gala?
~kahit ako'y Titibo-tibo🎵

^___~ - Tropa
*___* - Bakla
-____- - Ako

Kanina ko pa naririnig yang Kanta na yan na paulit ulit nilang pinapatugtog sa speaker namin dito sa tambayan...Naririndi na ko!
-_-

Matapos ang Labanan ng barahan at kayabangan ni bakla at nila Kuya kanina eh Eto parin ang ibang tropa at si bakla sa tambayan
Wala na atang balak Umalis tong mga to.
Lalo na tong Si Jerome 'kuno'...

"Gusto kong sumali sa grupo niyo, Hayaan niyong ipakita kong mayabang rin ako!" yan ang sinigaw niya na nagpailing sakin

Sasali? Sa grupo namin?! Takte bawal bakla sa grupo namin uy!

"Leyzen men! Mukhang nakakarelate ka sa kanta ah? Uwuu! Kailan kaya magiging babae si men ano?"
Sabi ni jeyki at sinasabayan pa ng Hum ang Kantang 'titibo-tibo' hanep na kantang to..Ako makakarelate?! Kalokohan!

"Patayin niyo na yang Kanta na yan!Kanina pa ko naririndi!" Sigaw ko sa kanila

"Eh men naman! Ang ganda ng kanta eh! Wag kang Killjoy!" Sigaw ni jeyki

"KillJoy? Or i would Kill all of You?" napalunok naman sila

"Hehe^_^ men Di ka naman mabiro! Uy patayin niyo na daw yan! Ang panget ng kanta eh ang baduy diba men?" Pang uuto pa ni Thyro

"Tsss..." at dumako naman ang tingin ko kay jerome na natahimik kanina pa

'Ano pang ginagawa nato dito?'

"Hoy ano hinihintay mo? Bagong taon? Antagal ng oras oh! Tas nakatahimik ka lang jan?! Ano may paninindigan ka ba?" sabi ko sa kanya

"L-leyzen..Gusto ko--" pinutol ko ang sasabihin niya

"Kailan ko sinabi yung pangalan ko sayo? Wala akong matandaan na nagpakilala ako." Sabi ko na nakakunot ang noo

"Narinig kong sinabi ng mga katropa mo...Kaya wag mo nang itanggi yung Panlalakeng pangalan mo" 'hanep'

"Eh ano pa bang ginagawa mo rito? Umalis ka na bago ka pa ulit maabutan ni kuya dito at baka magkaroon pa kayo ng round 2" sabi ko sabay nguya ng bubblegum na sinubo ko

"GUSTO KONG SUMALI SA GRUPO NIYO.." mapanghamong sabi niya na parang desidido na at napanganga ako
'Seryoso ba to?'

"Ano?! Ulosira ka ba? Lakas ng Joke mo!" sabi ko

"Seryoso ako, Gusto kong patunayan yung sarili ko, Kahit sa Harap niyo lang ng mga katropa mo maipakita kong may ibubuga at may mailalabas ako sa pagkatao ko, hindi man sa babaeng mahal ko, pero sa inyo gagawin ko" paliwanag niya

"E hanep ka pala...Bakit kase pagdating sa babae Naduduwag ka? Dapat nga sa kanya mo patunayan ang sarili mo!hindi samin na alam mong lalaitin yang pinagmamalaki mo" sabi ko at dinura yung bubble gum sa trashbin

"Hayaan niyong Sumali ako sa grupo niyo! Gagawin ko lahat kahit lait laitin niyo ko ulit! Pero Gusto kong magpursigi para sa babaeng mahal ko! Para pag bumalik siya matapang ko nang ihaharap yung sarili ko sa kanya na kaya ko!" Proud na sabi niya with matching Tayo pa
'Feel na feel niya wao'

"At sa tingin mo pag sumali ka sa grupo namin magiging matatag ka na at Matapang na lalake ganun ba?" Tanong ko

"Oo! Gusto kong patunayan ang sarili ko! Payagan niyo na ko! Leyzen!.........MEN?"
At talagang idiniin pa niya yung salitang Yun sa dulo! Lintek to!

THE TITIBO TIBO STORY - REVENGE OF THE BOYISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon