CHAPTER 10-Paghuhukom

116 2 0
                                    

CHAPTER 10

Leyzen's Pov

NAGMALATIGRE ang itsura ko dahil sa pag ungos ng Ilong ko sa sinabi niya...

"ANONG sabi mo?! Ako girlfriend mo?! Nahihibang ka na ba? Mas gugustuhin ko pang malamog ng sindikato kesa maging girlfriend mo tss" sigaw ko sa kaniya

Hanep tong lalake nato...Hindi ko alam kung anong nakain niya at bigla nalang nagsasalita ng mga nakakaasiwang bagay gaya nalang ng sinabi niyang girlfriend niya ko! Aba hanep...Adik!

"Ouch! Ang sakit mo naman magsalita Leyzen!..." sabi niya at kunwari pang hinawakan ang Puso niya saka umarteng nasaktan

"Tss! Ano bang nakain mo ha? Puro nakakaasiwa lahat ng sinasabi mo! Lahat walang katotohanan!" sigaw ko ulit sa kaniya

"Hoy wag kang ganyan magsalita! Basta wala nang bawian! Narinig mo naman yung sinabi ko kanina sa mga clown diba?! Ikaw ang girlfriend ko" pagmamaktol niya saka nagpout
Hataness! Nababaliw na siya!

"S-siraulo! Hindi mo ko girlfriend magtigil ka! Nakakadiri ka!"
Takte bat ako nautal!?

"Ehhh basta Leyzen!...Hindi ako titigil! Boyfriend mo na ko simula ngayon! Para maniwala silang may relasyon tayo! Sa halip na magpanggap tayo totohanin na natin agad! Ayokong gayahin yung mga nasa palabas na may pa pretend pretend pa! Gusto ko totoo agad! Legal agad! Leyzen naman" pagmamaktol niya
Na ikinagulat ko!
Shete, otso, nwebe, dyis.

'May nakain talaga to, ilang katol at droga ba nahithit nato? Sinapian ba to? Pinainom ng pampaisip bata? hataness'

"M-mongoloyd ka! Wala akong boyfriend! Ni hindi ka pa nga nanliligaw Boyfriend agad?! Ba Adik ka!"sigaw ko ulit sa kaniya at binatukan siya para magising siya

"Aray! Bat ka ba nambabatok?" tanong niya at kumunot ang noo ko sa kaniya
'Parang may iba talaga sa lalakeng to ngayon e'

"Sabihin mo nga, Ilang droga nahithit mo? Nakainom ka ng Shabu? Tinurukan ka ba? Hanep kung ano anong lumalabas sa bibig mo Hindi ikaw yan bakla" nagseryoso na ko ng salita sa kaniya

At bigla ring kumunot ang noo niya
At saka siya biglang pilyong ngumiti at nilagay ang hintuturo niya sa baba niya na parang nag iisip

At nang parang nakapag isip na siya tinignan niya ko sabay ngisi

"Ahh...Alam ko na gusto mo sigurong....Ligawan muna kita noh? Sabagay hindi pa pala ko nanliligaw...di bale...Manliligaw---"
Di na siyang natapos ng batukan ko siya ulit ng mas malakas kesa kanina

"Aray! Napakasakit! Ano ba leyzen! Kanina ka pa nambabatok ah! Di mo ba alam masakit?!"  sigaw niya

"Eh kanina ka pa rin eh! Ayusin mo nga sinasabi mo! Kung ano mang nakain mo Iluwa mo na!" Sigaw ko sa kaniya

At nakita kong napabuntong hininga naman siya

"Leyzen kase....Alam ko hindi kapani-paniwala mga kilos ko ngayon, pero...Seryoso ako." sincere na sabi niya

'Anong--s-sincere?!'
'Seryoso? Ano bang sinasabi neto?'

"Takte ano bang pinagsasasabi mo kase hindi na kita maintindihan ang gulo mo ngayon bakla...Bigla ka nalang naging ganyan na parang kang isip bata at nanlambot ka tas kung ano anong sinasabi mong kacornyhan sakin! Aba eh ano bang gusto--"

0_______0 hataness..
dagliang nanlaki ang mata ko at nanlambot ang katawan ko dahil sa ginawa niya!

H-hinalikan niya ko!

THE TITIBO TIBO STORY - REVENGE OF THE BOYISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon