CHAPTER 11- Sorry & Confess

80 2 0
                                    

CHAPTER 11

Leyzen's Pov

Hataness! HANEP bakit para siyang nag iba? Parang andaming nagbago sa kanya?
Takte After 1week ganyan na siya?! Di ko inexpect langya!

Papalapit siya ng papalapit sakin gamit ang wala niyang emosyong mukha ay hinarap niya ko

Winagayway niya pa ang kamay niya sa mukha ko para matauhan ako

"HI...?" nagulat ako sa unang salitang sinabi niya

'Anong- Hi?! As in hi lang? Anak ng baka! Matapos ang Isang linggo HI lang?! Naka 'High' ba siya?!'

"So! Hihintayin ko nalang bang tumulo ang laway mo sakin? Wala ka man lang bang sasabihin?" kampanteng sabi niya na walang paring emosyon!
Walang ngisi, walang ngiti, walang yabang, Wala! Hanep

Napalunok ako.Pinasadahan ko ang itsura niya mula ulo hanggang paa
Nakasuot siya ngayon ng Uniform ng school at ang sapatos niya ay may tatak na 'Fila' na panglalake! At may Headphones din na nakalagay sa leeg niya, Nakataas ang mga buhok niya na halatang nakagel, May bago rin siyang Relo na halatang mamahalin!
At May Nginunguya siyang bubble gum at pinapalobo sabay putok nito!

'Hataness, Lord Sinong sumapi sa taong to?! Hindi naman siya dati ganito!'

"Tch! Anyway Nice to see you again Leyzen, Gumaganda ka lalo, I suggest na maglugay ka at maglagay ng Hairpins or Headbands para naman mas mukha kang Koreana, lagi ka kaseng nakapony at gulo gulo buhok mo, magsuklay ka din then try to put some make up , foundation or lipsticks on your lovely face, I imagine that Brilliant on you"
kalmadong sabi niya na wala paring emosyon at saka nakapabulsang naglakad at nilampasan ako!

'Anong sinabi niya?! Hanep talaga!'

Tila naubusan ako ng laway at hindi nakapagsalita!

'Ako maglulugay at make up?! Takte Nauntog ba siya at nakalimutan niyang tomboy ako!?'
'Hindi pwede to! Kailangan ko siyang makausap!'

Di pa naman siya ganong nakakalayo kaya humakbang ako papalapit sa kaniya kahit nakatalikod na siya

"A-ano, B-bak- J-jero--" takte bat ako nauutal?! Sabihin mo na ang pangalan niya leyzen!

"Argh! JEROME JIEZEN SMITH!!" sa sobrang gigil ko hindi ko na napigilan na sumigaw at deretsahang sinabi ang pangalan niya

At napalingon naman siya agad sakin nang may pagtataka sa mukha niya na nakakunot pa!

"What? Leiandra Zenria Colin Alcantara? Have i heard my Handsome name from you?, well obviously you shout my name...So What are you up to?" pag eenglish niya

'Tngne dati hindi siya madalas mag english nang ganyan! May sumapi talaga sa kaniya!'

"Wow ha! Matapos ang isang Linggo ayan ang isasalubong mo sakin?! Anong kalokohan yan Bakla?! Itigil mo na yang joke mo kase hindi ako natutuwa! Walang nakakatawa!" sigaw ko sa kaniya

At napataas ang kilay niya

"What? Oh Cool lady huh? Leyzen it's just about 1 week? And you know what? I don't know if Galit ka kase antagal kong hindi nagpakita o galit ka dahil hindi man lang ako nagsabi at masyado mo kong namiss, hmm alin ba sa dalawa? Spill the fact that----"

"Hanep tama na! Itigil mo na yang pag eenglish mong lintek ka kase Kung akala mo manonosebleed ako Eh nagkakamali ka! At hanep lang kung papapiliin mo ko sa dalawang sinasabi mo Wala! Dahil naiinis ako sayo! Naiinis ako! Imagine?! Isang linggo! Isang linggo kang nawala tapos papasok ka na para kang bagong retoke dahil sa bagong Itsura at bagong Ugali at pagsasalita mo?! Aba lintek lang! Nakakainis ka na jerome!" Sigaw ko at napasabunot nalang sa noo ko

Ewan ko kung sa kaniya ba talaga ko naiinis o sa sarili ko, Kase ng makita ko siya ngayon para akong nagsisi dahil feeling ko nagbago ang ugali niya dahil sakin! Naging cold siya!
At hindi ko alam kung pano ko pa siya kakausapin ng maayos dahil sa pagbabago niya!

"Oh...sige nga, Flashback tayo, SINO BANG NANIGAW SAKIN NUNG LAST WEEK AT PINAMUKHA SAKING MANYAK AKO AT WALA AKONG KWENTA? SINO BA?SO AKO BA DAPAT ANG MAG 'SORRY' DITO?"

'Burn' 'Sapul'

At tinamaan ako sa mga sinabi niya, sapul na sapul ako sa mga binitawang niyang salita

"Kase For Fvcking sake Leyzen! Im not that Strong enough to accept all your judge on me! Sawa na kong marinig lagi yang Paghiyaw hiyaw mo sakin! You know what?! Im always asking myself...WHY LEYZEN CAN'T BE NICE TO ME? Kahit isang beses lang?! Dammit!"

At hindi ko alam pero Biglang may tumulong tubig mula sa mata ko, at parang nanghina ako sa mga sinabi niya

'Sapul na sapul ako eh'

"Ano leyzen?! The heck! Balak ko nang magbago! Ayoko nang ipakitang mahina ako!kase lalake ako! Para naman mapakita ko sayo na BABAE ka parin! At ako ang LALAKE dito! Because---"

"OO NA SIGE NA SORRY NA! SORRY! SORRY! SORRY! SORRY! NAPAKARAMING SORRY! SOBRA SOBRANG SORRY! SORRY NA PWEDE BA? SORRY! SORRY JEROME! shit lang! Ayan na Sorry na!" sigaw ko na parang susuko na dahil sa mga sinabi niya

At napatahimik ko siya dahil dun

"SORRY DAHIL NAGING MASAMA AKONG TAO SAYO, SORRY DAHIL NASAKTAN KITA, SORRY KUNG NATAPAKAN KO YUNG PAG KALALAKE MO, SORRY DAHIL MAYABANG AKO, SORRY KASE TOMBOY LANG TO! NAGPAPAKALALAKE EH! KAYA ANG YABANG DIBA? SORRY...Kaya nga kita hinihintay pumasok eh...dahil magsosorry ako okay? Pano akong magsosorry ng maayos kung nagbago yang----"

"Hindi naman ako magbabago kung hindi dahil sayo...Pero ang Feelings ko para sayo tingin ko Hanggang ngayon nakatago, at hindi parin nagbabago"

O____O

Napanganga ako dahil sa biglaang sabi niya...
At nagulat ako ng bigla siyang ngumiti ng matamis

"Pwede bang may kasunod yang 'Sorry' mo?" nakangiting tanong niya

"A-anong kasunod?" Tanong ko kahit umiiyak parin

"Pwede bang 'I Like You' na lang kasunod?"

'Hataness'

"Lintek na yang---"

"Op op opss! Kasosorry mo lang mumurahin mo na agad ako? Hays naman.."

"Eh hanep ka kung ano anong sinasabi mo nagsorry na nga---"

"Hep! Okay Seryoso na....Pwede bang magconfess?"

Tila bumalik na ang dating jerome na nakilala ko ang bakla...

"A-anong confess sinasabi mo?! Nag aadik ka na talaga ata!" Sabi ko sabay tawa at punas sa luha ko

"Wala mang kasunod na I like you yung Sorry mo, Pero pwede bang ako nalang ang magdagdag ng 'I like you' na yun para sayo?....Alam ko biglaan to...pero leyzen...I LIKE YOU. I realized now I REALLY LIKE YOU. As a man please Maniwala ka"

'At tuluyan na ngang naghukom gaya ng nasa utak ko!'

Hanep!
Ang corny niya anong isasagot ko?!

THE TITIBO TIBO STORY - REVENGE OF THE BOYISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon