CHASE
FRIDAY
Hintay ako ng hintay ng buong magdamag kagabi pero walang Sam na dumating. Ni hindi ‘man lang nagsabi na hindi siya pupunta para sana nakatulog ako ng maaga. Ang pinakamainam pa sa lahat, wala kaming contact number ng isa’t isa kaya mas nainis lang ako habang naghihintay. Wala pang sino ‘man ang nagtangkang paghintayin ako. Wala pa. Nakakairita.
Humanda siya sakin.
Nakalimutan niya yata na si Chase ako.
____
SAM
As usual, kahit weekend papunta ako sa condo ng mahangin na lalaki na ‘yun. Akala ko nga magiging masaya ang weekend ko dahil hindi ko siya makikita pero to my surprise pati ba naman Saturday ko ilalaan at isa-sacrifice ko para lang turuan ang utak hangin na gangster na ‘yun.
May ilang araw ko na din siyang tinuturuan pero ni isa mga araw na ‘yun hindi kami nagkasundo dahil lagi niya akong inaasar. And—sa limang araw na ‘yun, hindi ako nagpatalo sa kanya kahit isang beses..ako pa ba?
Bago ako umakyat ng condo niya tinawag ako ng front desk officer kaya lumapit ako.
"Goodevening po Ma’am, wala po kasi ngayon diyan si Sir Chase.."
"Ganun ba? Kanina pa ba siya umalis?"
"Medyo po. Sabi niya po kasi may bibilin lang siya pero baka naman po pauwi na ‘yun.."
"Ganun ba? Ahm-Okay lang ba kung sa unit na lang niya ako maghintay?" Napakamot ulo kong tanong sa kanya.
"Sige po, akyat na po kayo. May spare keycard naman po kayo ng condo niya diba?"
"Yeah pero—"
"Okay lang ‘yan Ma’am. Girlfriend ka naman niya..tyaka binilin naman niya na paakyatin ka na kapag dumating ka sakaling wala pa siya."
Natigilan ako bigla sabay napatawa ng malakas. "Hahaha Miss nagpapatawa ka yata. Hindi niya ko girlfriend. Ako? Papatol sa mayabang na ‘yun? Baka hindi ako ‘yung ibinilin niya sayo. Tutor—" May iduduktong pa sana ako pero pinutol na niya agad ako. How nice.
"Naku Ma’am, ‘wag na kayong mahiya! Kayo nga lang ‘yung nakita kong halos araw-araw nandito, kahapon lang yata kayo wala. Tyaka—Hindi naman po kayo ang unang nakarating sa unit niya, kayo lang ‘yung madalas niyang kasama. Wala naman po siyang ibang binilin bukod sainyo, kayo si Samantha diba? Seryoso na yata si Sir Chase sayo..swerte nyo, gwapo na, nagbago pa para sayo..”Ngiting ngiting sabi niya na mukhang kinikilig pa. Pinagmalaki mo pa talaga yung gawain ng magaling na gangster na ‘yun ha? Pero ang tsismosa ng front desk officer na ‘to ha. Tss. Sige ikaw na updated sa buhay ng lalaki na ‘yun, hindi halatang may gusto ka sa kanya ha? Haynako.
Napangiwi na lang ako. "Oo nga ako si Sam pero—ahhh..Basta! Hindi niya ako girlfriend! Kapal ng mukha niya."
BINABASA MO ANG
The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)
FanfictionIsang unbeatable legendary gangster meets miss geek famous girl. Si gangster na isang playboy at si geek girl na isang slight man hater. Si gangster na mayabang versus kay geeky girl na masungit. Ano kayang kakahinatnan kapag nag-clash ang ugali nil...