SEYD
Nagmamadaling umalis si Chase at alam na alam ko kung saan ang takbo niya, kanino pa ba. Napakapit ako ng maiigi sa basong tangan ko. Pakiramdam ko manghihina akong bigla pero dapat kong tatagan dahil para sa ikasasaya niya ‘to.
I smiled bitterly as I silently uttered to myself, “That was the bravest thing and the right thing to do, Seyd.” I raised my head and I ordered another shot of whiskey. I am mentally cheering myself. What kind of fckery is this. Tss. Napailing ako.
Oo, mahal na mahal ko si Sam pero alam ko kung hanggang saan lang ako. Hindi ko siya pinapamigay dahil never naman siyang naging akin at lalong hindi siya bagay para basta ko na lang angkinin—pero pakiramdam ko, mawawala na lang bigla sakin ang isang taong sobrang pinakaka-ingatan ko.
Simula palang nung una, malinaw na saaming dalawa lalo na sakin na kaibigan lang ang tingin sakin ni Sam, wala ng hihigit pa. She tells me everyday how thankful she is na dumating at never akong umalis sa tabi niya despite everything and despite ng lahat ng hindi niya kayang isukli. Ilang beses na niya akong tinurn down at tinanggihan pero nanatili lang ako sa tabi niya.
Hindi ko isinisiksik ang sarili ko sa kanya. Gusto ko lang makita niya na kaya ko rin naman ibigay ang pagmamahal na naibigay sa kanya ni Chase obaka nga higitan ko pa. Pero wala.. sa kabila nang lahat, mahal ko siya pero mahal niya siya.
Ganun yata talaga kasaklap ang mundo.. ‘yung taong sobrang gusto mo, ayaw sayo. Samantalang ‘yung gusto niya, iniwan naman siya.
Masakit kung sa masakit pero ayoko naman na magtiis na naman siya at mahirapan.
Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako umasa na sana isang araw wala na siyang nararamdaman o maramdaman para kay Chase at hayaan niya akong makapasok sa buhay niya.
Pero ganun yata talaga kapag mahal mo ang isang tao. Hindi ka basta bibitaw hangga’t may pagmamahal at nakakakita ka ng pag-asa.
Masaya akong malaman na sinabi ni Sam kay Chase na kami na, pero masakit na nagamit lang ako para pagtakpan na okay siya. Pero kahit sabihing mong ganun nga ang nangyari, hindi pa rin ako aalis sa tabi niya dahil mananatili ang pagmamahal ko sa kanya kahit pa alam kong may mahal siyang iba.
Ayoko nang nakikita pa siyang nasasaktan at nahihirapan.
She’s been my everything and my only source of strength ever since Mom got sick due to her breast cancer. Sam never left us; whenever Mom has chemo sessions lagi siyang present. Since day 1 she’s there holding my Mom’s hand and making her feel better even when everything is slowly falling into pieces.
I love how she manages to put up a smile on my Mom’s face even when I couldn’t. A girl like her would be so hard to find. Ang swerte ko dahil nakilala ko siya pero ang lungkot lang dahil kaibigan lang ako sa buhay niya.
Siguro nga panahon na para mag-move on at hanapin ko naman ang tamang tao para sakin.
Mahal ko siya at hindi na mawawala ‘yun.
Sa sobrang buti niyang tao, deserve niyang maging masaya. Kaya kahit ang pagmasdan siyang nagmamahal at nagiging masaya sa piling ng iba ang tanging paraan para maka-move on ako, gagawin ko basta para sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)
FanfictionIsang unbeatable legendary gangster meets miss geek famous girl. Si gangster na isang playboy at si geek girl na isang slight man hater. Si gangster na mayabang versus kay geeky girl na masungit. Ano kayang kakahinatnan kapag nag-clash ang ugali nil...