HMB#1

136 2 0
                                    

"Are you sayin na mas maganda sya sakin? lol what?" sigaw ko sa kanya sabay tusok ng pork steak sa plato ko.

"hey~ hey~ hey~ keep calm and don't-make-tusok-tusok-your-pork-steak!" sabi nya na kala mo sya yung tinusok ko. Eh kung totohanin ko kaya? Sya ang tusukin ko? Wag na lang makasuhan pa ako ng animal abuse.

Inirapan ko na lang sya tsaka sumubo ng pork steak. Ang sarap nyang irap-irapan hanggang sa magsawa sya at magpakamatay.

"Kumalma ka nga, Ms. Bitter! Totoo naman eh, mas maganda sya sayo." tinignan nya yung babaeng tinutukoy nya. Matangkad, maputi, mahaba ang buhok, and everything nice. So what? Maharot naman. Wala din!

"Maganda lang 'yan. Dyosa ako."

Tinignan ko ulit yung babae. I admit it. Maganda nga sya kumpara sakin pero gaya nga ng sabi ko, wala din kasi maharot sya. Totoo naman diba? Pero sabagay, talo ng malandi ang maganda.

Tumawa sya. Si Angel, yung tinutukoy kong babae. Kasama nya yung kaisa-isang lalaki na minahal ko. Lol whut? Pero kidding aside, oo. Michael Peniel, ang ex ko. Feeling cool and gorgeous in his newly brought shades and semi-spiky hair style. Ampangit nya. Ampangit pangit nya. (kahit na ampogi nya talaga)

"Angel Villanueva. Pangalan pa lang pamatay na." pang-aasar pa ng mokong na nasa harap ko na feeling pogi. Ayaw magtigil. -_-

"Di bagay sa kanya. Angel? Sus. Pangit sa kanya."

"Oo nga pala, Perla no? Sorry na. Hiyang-hiya naman kasi yung pangalan nya sa pangalan mo Perla B. Silangan diba?" pangaasar nya pa lalo sakin.

"Hindi ka ttigil?" nagtitimpi na talaga ako sa derp nato. Leshe.

"Okay nga eh. Pilipinang-Pilipina! Makabansa kung makabansa! HAHAHAHA!" dali-dali kong kinuha yung hiniwa kong pork steak tsaka binato sa kanya.

Dali dali naman syang umiwas na may reaksyon na akala mo naman jebs yung binato ko sa kanya. Seriously, nakakatawa yung reaksyon ni Yul. Pisti! Pero kailangan kong magpigil. Inaasar nya ko, remember?

"Derp." Sabi ko sa kanya tsaka umirap.

Once again, napatulala na naman ako sa kanya. Michael, bakit? Bakit mo ko niloko? Bakit mo ko ginago?

"Punyeta ang pangit nya talaga. Buti lang sa kanya yan. Mabulok sya sa maharot na babae na yan. Bagay sila, parehong mahaharot." sabi ko. Ni hindi ko namamalayan na sinasaksak-saksak ko na yung kaawa-awang pork steak sa plato ko.

Yeah. I am Perla B. Silangan. Nung nagpaulan ng magandang ideya tungkol sa magagandang pangalan, busy ang mga magulang ko mag-isip sa loob ng bahay. Kaya ayun, nangibabaw ang pagiging makabayan nila. Hays.

17 years old, college student. Maganda. Maganda. Maganda. Aangal ka?

At ito namang katapat ko na nakaderp face padin. Jusmiyo. Yul Dela Cruz. Yul means Born on Christman which is true kasi December 25 ang birthday nya. Siguro nung nagpaulan naman ng magagandang ideya sa pangalan, wet look ang mga mgulang nya. Hustisya sakin~

Nagbell na kaya kailangan na naming pumasok sa kanya kanya naming room. Classmate kami ni Yul kaya sabay kami. Sa totoo lang, hindi naman talaga kami close nitong derp na to eh. Simula nung nagbreak kami ni Michael, simula na nang pagdidikit nya sakin. Siguro may gusto to sakin? LOL.

Kidding aside, Yul and Michael was supposed to be bestfriends. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila at wala din akong paki. Wala akong pake sa dalawang lalaking 'to. Same feathers who flocks together ay ewan! di ko alam yung kasabihan na yan. -_-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hey, Ms. Bitter! (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon