I’m marrying a daddy’s princess
Gabriel’s POV
Nagulat ako sa sumunod na sinabi ng dad niya sa akin.
Dad niya: Wag kang mag-alala hijo, pumapayag na akong magpakasal na kayo ng anak ko. Alam
kong gagawin mo ang lahat maging Masaya lang ang anak ko. Ito lang ang gusto ko hijo, wag na
wag mong iwawala ang tiwala ko sayo.
Ako: Opo, salamat po tito.
Nakipagshake hand ito.
Dad niya: Mahalin mo at intindihin ang anak ko hijo. Napakaswerte mo sa anak ko.
Ako: Opo tito.
Dad niya: Tito? Payag na akong tawagin mo akong dad.
Nagulat ako nung niyakap niya ako.
Dad niya: Welcome to the family hijo.
Ako: Thank you dad.
Dad: Paano, let’s celebrate! Inuman na!
Nagpabili ito ng mga alak at nakipaginuman kami sa mga trabahador.
Dad: wag na wag mong sisirain ang tiwala ko sayo.
Ako: Opo.
Dad: Cheers! O inom pa kayo!
Nahihilo na ako kasi everytime na mauubos ko ang isang bote binibigyan niya ako ng alak kaagad.
Rafa’s POV
Ako: Asan na ba sina daddy mom?
Mom ko: Hindi ko rin alam hija, hindi niya sinasagot ang tawag ko sa kanya eh.
Ako: Nakakinis!
Mom ko: Saan ka pupunta hija?
Ako: hahanapin ko sila mom.
Kinuha ko si Frankee sa kuwadra niya at hinanap na sila.
May nakita akong ilaw sa may manggahan kaya pinuntahan ko iyon, hindi nga ako nagkamali ng
hinala nandun sila ni dad nakikipag inuman.
Mas lalo pang uminit ang ulo ko.
Lumapit ako sa kanila.
Nakita ako ni gab.
Gab: Hi babe!
Lasing na lasing na ito.
Lumapit ito sa akin na sususray suray.
Hahalikan niya sana ako pero itinulak ko siya.
Ako: Ano ba! Ang baho mo!
Gab: hahalikan lang naman kita eh.
Ako: Sino ba ang nagsabi sayong uminom ka, diba mag uusap pa tayo.
Gab: Eh nagpabili naman si tito ng alak kaya napainom na rin ako at tsaka enjoy kasama ang mga
trabahador niyo, hindi nang-iiwan.
Ako: Anong ibig mong sabihin diyan?
Mas uminit pa ang ulo ko sa sinabi niya.
Gab: Asan si Reese bakit hindi mo kasama ang childhood sweetheart mo?
Ako: Childhood sweetheart?! Sino nagsabi niyan sayo?
Gab: Wala lang nararamdaman ko lang.
