I’m marrying a daddy’s princess
Gabriel’s POV
Ipinasyal na ako dati dito ni Raf, ang laki ng pinagbago ng farm nila. Kailan lang nung namasyal
kami dito eh ang dami ng pinagbago. Nag-aalaga sila ng mga hayop gaya ng mga baka, baboy
may mga fishpond din sila laman nun ang iba’t isda may mga sugpo din silang mga alaga, may
mga puno ng mangga at mga niyog din sila. Ang pinagbago ng farm nila, kita mo sa malayo na
lumaki rin ang piggery nila at dumami rin ang mga alaga nilang baka, hitik sa bunga ang mga
puno ng mangga at niyog nila at narenovate na rin ang farm house nila. Ang paboritong tambayan
ni raf ay ang likod ng bahay nila nandun ang isang garden na natatamnan ng mga malalaking
sunflower.
Dad niya: Anong ginagawa mo pa diyan? Magbuhat ka na ng gamit namin.
Ako: opo.
Raf: Dad naman.
Dad niya: Anongipinangako mo sa akin Rafa?
Raf: Nag-umpisa na kaagad?
Dad niya: Oo, kaya ikaw pagbutihin mo ang ginagawa mo.
Ipinasok ko na sa loob ng bahay nila ang mga gamit nila.
Dad niya: Para hindi naman magreklamo ang anak ko doon ka matulog sa guestroom sa itaas.
Bawal mong pasukin ang kwarto ng anak ko.
Ako: Opo.
Dad ko: O umakyat ka na dun para mamayang alas siyete uumpisahan mo na ang trabaho mo.
Ako: Sige po.
Dad ko: Kwarto mo yung nasa pangatlong kwarto dun sa kaliwa.
Ako: Opo, akyat na po ako.
Dinala ko na ang gamit ko sa kwarto na ipinagagamit ng daddy niya.
Inayos ko na mga damit ko sa built in cabinet na nandun, tsaka ako nahiga sa kama.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.
Ako: Anong ginagawa mo dito? Baka makita tayo ng daddy mo. Hindi pa tayo payagan na
magpakasal.
Raf: Wala naman akong narinig na sinabi ni daddy na hindi kita pwedeng pasukin sa kwarto mo.
Ngumiti ito ng napakaluwang inilock ang pinto at tsaka lumapit sa akin.
Ako: oooppppssss......
Nag dive ito sa kama.
Raf: I can’t believe na nagpropose ka na talaga sa akin ng kasal.
Ako: Gusto mo bang ulitin ko.
Raf: Wag na. hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko simula pa kahapon babe.
I kiss her on her lips.
Raf: hmmm... ump.. I came here to hmmm... alam kong pahihirapan ka talaga ni daddy kasi
naghirap din sina kuya nung nagtrabaho sila sa pamilya ng kanilang mga asawa para payagan
lang silang magpakasal.
Ako: Nandiyan ka naman palagi, makita lang kita magagawa ko na ang lahat gaano man kahirap
ang trabaho na ibibgay sa akin ng daddy mo.