Ang Simula

19 1 0
                                    

Her P.O.V

"Oh my!! Nerd"

"Yuck. Look at her hair. Gross"

"Hindi ka bagay dito. Ugly Duckly"

"Ang manang naman niyang manamit"

"Ang panget niya. Ang baduy nakasalamin pa."

Mga bulungan na kaya kong hindi pansinin. Ganito naman araw-araw

Sa bawat pagtapak ko sa Unibersidad na ito. Laging ganito ang bungad.

Naranasan mo na bang matapunan ng basura. Matapunan ng malagkit na juice sa ulo. Balibagin ng bola. Itulak sa hagdan. Malait araw-araw. Masabunutan. Masampal. Makalmot. Malagyan ng red paint sa palda.

Yan kasi ang pasalubong sa'kin dito sa Saint Ruiz Academy. Isang sikat na paaralan kung saan ay iskolar ako.

Nagtatrabaho ako para mabuhay. Para may makain sa pang araw-araw.

Para makapag-aral. Pero hindi ko alam na magiging ganito kalupit ang trato sa'kin dito. Siguro karma na ito sa mga kasalanan ko dati at sa pagiging pasaway ko.

Pero kung alam kong ganito kalupit ang karma sa'kin hindi sana ako naging pasaway at matigas ang ulo.

May magulang pa ako. Pero hindi nila ako pinagaaral. Kabayaran ko ito dahil sa pagiging pasaway ko sa kanila. Ang buhayin ng walang tulong galing sa kanila.

Hindi ako sanay sa ganitong buhay. Hindi ako sanay na nagtatrabaho. Na tumirang mag-isa. Na ina-api.

Pero unti-unti akong nasasanay ng wala sila. Nang nag-iisa. Siguro sanayan lang. Siguro masaya na 'din sila.

"Ms. Lopez lutang ka na naman sa klase ko. Ilang beses na dapat kitang tawagin"natigil ako sa pag-iisip dahil sa maingay kong guro. Alam ko naman na lahat ng tinuturo dito. Napag-aralan ko na lahat. Pero napilitan akong mag-aral ulit. Running for Valedictorian ako.

"Sorry miss"hinging paumanhin ko.

"Sorry,sorry. Answer the problem. Yung nasa board"utos ni miss.

Tumayo ako para sagutan ang problem sa board. Math subject namin ngayon. Isa sa paborito kong subject dito sa unibersidad.

"Sa susunod wag kang lulutang lutang dito sa klase ko! Understand!"nakasigaw na sabi ni Miss. Buenaventura.

"Yes miss."nakatungong sagot ko.

Nagpatuloy sa pagtuturo si Miss Buenaventura. Ako nakinig na lang din at baka mapahamak na naman.

*****

Hello I'm back. Maiksi lang ang ginawa ko dito sa Prologue. Dahil namiss ko kayo nag-update din ako dito. Ang tagal ko ding nawala.

And hindi ko sure pero magiging busy din ako next week. Pero magsusulat pa din ako para sa inyo.

Sana nagustuhan niyo ito. Second story ko ito. Read my first story.

Visit my Profile. Click the 'Works' then makikita niyo yung isa ko pang story. Sana basahin niyo din siya. Hindi ako mabilis mag-update doon pero gumagawa ako ng paraan para makapagupdate agad.

PLEASE VOTE, COMMENT, AND BE MY FAN.

ADD ME ON MY FACEBOOK ACCOUNT. KUNG GUSTO NIYONG SUMALI SA GC NAMIN ADD NIYO AKO Queen Zey THEN PM ME. PARA MA-CONFIRM KO KAYO AT MA-ADD. GC NAME: Zey Fam Official. SANA KUNG GUSTO NIYONG SUMALI BE ACTIVE KAHIT HINDI AKO SOBRANG DALAS MAGONLINE. KUNG GUSTO NIYO LANG NAMAN SUMALI

I love you all. Muah :-*

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 03, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Secret Side Of MeWhere stories live. Discover now