Title-10%Akala mo lang hindi, pero oo! Oo!
Isa ito sa mga nagbibigay ng first impression sa story mo. Minsan mas madaling makaakit ng readers kung maganda ang dating o tunog ng pamagat ng iyong kwento. Mas maganda kung pinag-isipan hindi yung basta may mailagay lang.
Book Cover-10%
Bukod sa title, nagbibigay din ng first impression sa isang libro ang cover nito. May mga mambabasa na ito talaga ang unang pinagbabasihan kung babasahin nila o hindi ang isang kwento. Kaya naman bibigyan din natin ito ng kaukulang puntos.
Plot-40%
Dito papasok kung gaano ka kagaling sa pagdeliver o pagkwekwento. Ito ay ang tinatawag na flow o takbo ng iyong kwento. Aanhin mo naman di ba ang magandang cover at title kung hindi maayos ang plot. Eh di wala rin. Ito ang pinakamahalaga sa lahat kaya ito rin ang may pinakamalaking puntos.
Grammar and Mechanics-20%
Minsan, sa sobrang kagustuhan na umpisahan na agad ang kwento eh dito tayo pumapalpak. Wala na tayong pakialam kung tama ba ang grammar sa bawat pangungusap at talata. Nakakainis naman di ba yung kada line eh may parts ka na parate kang loading sa meaning?
Kaya edit-edit din mga bes!
Creativity and Uniqueness-20%
Umeffort talaga si bes sa theme ng story niya eh. So dapat lang credited siya riyan. Dito titingnan namin kung gano ka-creative at ka-unique ang inyong mga kwento. Syempre mas bago, mas nakaka-excite basahin di ba?

BINABASA MO ANG
Bye, Baby, Bye
CasualeMeron ba kayong one-shot story na tungkol sa pano nadurog ang puso mo? Sali na!