PROLOGUE

5 0 0
                                    


Isa akong normal na nilalang na kahit sa kaliwa't kanan makikita mo lang,yeah! Isa akong babae,magandang babae for sure hindi nyo alam ang salitang maganda,

MAGANDA-ako yun, as in ako lang yun at wala ng iba. Sabi nga nila ang kapal kapal daw ng pagmumukha ko masyado daw akong nagmamaganda,feeling artista,at feeling ko daw may magkakagusto sakin na gwapo.

Yeah! Bigo man ako sa pagibig pero, study first muna hindi kasi ako yung uri ng tao na ang bata bata pa e lalandi landi na,may pa crush crush pa at ang masaklap na fall sa lalakeng may asawa. So kati talaga!.

*bogsh!*

Isang malakas na impak ang bumulaga sakin ng mabangga ako,hindi ko alam kung sa tao o sa pader. Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko,holly crap!.. Sa pader nga,sa walking wall pala ako bumangga

"Bulag ka ba?"-singhal sakin ni mathet. Tumayo ako sa pagkakaupo habang pinapagpag ang pwetan

"Mukha ba akong bulag?"-taas kilay kong sagot. Hindi ko ugaling makipag away pero ugali ko namang lumaban sa mga taong hindi kagandahan

"Sumasagot pa sya besh!"-vhurakdai

"Oo nga,palaban na sya sis!"-coriemao

"Sa liit nyang yan,lalabanan nya ako"-nakangising sambit nya habang ngumunguya nguya ng chewing gum

"Sa laki ng katawan mo,hindi ka man lang biniyayaan ng boobs at butt! Nakaka disappoint naman"-agaran kong sagot, ako pa ang kinalaban nya e kahit sinong santo daddy e nilalabanan ko sya pa kaya ng mukhang walking wall sa ka-flatan

"Aba,gago ka ah! Lumalaban ka na?"-inis nyang sambit. Mukhang umakyat na ang lahat ng dugo nya sa ulo

"Ay hindi,hindi ako lumalaban,bakit naman ako lalaban sa mga pader na katulad mo baka ma demolish ka lang at ma semento ng wala sa oras"-nakangisi kong sambit. Nakatingin naman samin ang lahat ng estudyante na nasa mathematics park.

"Ok bye! Ma,le-late na ako sa first subject ko"-sambit ko sabay talikod. Ilang habkang palang ang nagawa ko. May kung sino ang humablot ng buhok ko

"Aray ko! Putang ina ka,hindi mo ako bibitawan!"-sambit ko habang pilit na inaalis ang pagkakahawak nya sa buhok ko

"Ang tigas talaga ng ulo mo mathet, pader ka talagang bwesit ka,sa kapangetan mo kaya ganyan nalang ang inis mo sa kagandahan ko!"-ako,medyo sumakit na ang anit ko dahil sa paghigpit ng paghigpit ng pagkakahawak nya sa buhok ko.

"Hindi mo talaga ako bibitiwan? Ang kapal kapal talaga ng tinga mo kang hayop kang mambabarang ka,akala mo ikinaganda mo yang pag sabunot mo sakin? Magsama kayo ng mga kaibigan mong maharot, pakarat,malandi,akala mo maganda e kuko ko lang naman kayo,putang ina mo kang jurjurin ka!"-sigaw ko,mukhang wala syang balak na bitawan ako, hay! Jusko ang hirap talaga pag maganda,lahat kinakalaban ka,lahat kinaiinggitan ka

"Hoy! Itigil nyo yang dalawa!"-sigaw ng  professor namin

"Bwesit ka,kanina pa ako dito kinakawawa ng favorite mong estudyante,tapos ngayon ka lang dumating?"-sigaw ko sa bakulaw naming professor.

"Mathet! Mathet!... Mathet ehgit!"-ubod lakas na sigaw ng professor namin,agad nya naman akong binitiwan.

"Putang ina mo ka,ang panget panget pala ng pangalan mo kang bwesit ka!"-natatawang sabi ko kahit na mukha akong pulubi sa mga oras na ito. Mukhang hindi ako nakaligo ng ilang buwan sa itsura ko ngayon

"Guidance office, mga bwesit kayo! Bilis,mga wala kayong kwentang estudyante!"-sigaw samin ni prof. Parang ulilang tuta naman ang mga kaibigan nya,nakakatawa talaga,MATHET EHGIT?nakakadiring pangalan

~~~

"Palagi nalang kayo ng nag aaway."-mahinahong sambit ni miss Dimakulangan samin

"Sya kasi!"-chorus naming apat.

"Ayan na naman,sino ba ang nag simula ng gulo?"-tanong nya

"Si mathet ehgit po,masyado syang inggit sa kagandahan ko,insecure sakin ang malanding yan!"-sagot ko,nanggagaliiting tinitigan ako ni mathet

"Ako,ma-iinsecure sayo? Ano maganda ka?"-sambit ni mathet,habang hinihimas himas ang boobs

"Gaga! Wala kang boobs,kaya wag kang mag inarte na may boobs ka!"-sambit ni miss Dimakulangan

"Very good ma'am,so pwede na ba akong lumabas?"-nakangiting tanong ko. Pinukulan naman ako ng tingin ni mathet

"Tigil,ikaw na bwesit ka,gandang ganda ka naman sa sarili mo,walang lalabas!"-sambit naman ni miss dimakulangan

Tumayo ako at hinampas ng malakas ang table nya,nagulat naman sya sa ginawa ko,"bwesit kang teacher ka,magsama kayong dalawa,akala mo hindi ko alam ang sekreto mo?"-singhal ko,lumabas agad ako ng guidance office at malakas na sinara ang pintuan nito

Wala talagang kwenta,teacher? Hindi ko masasabing teacher ang isang yun,ako hindi maganda? Gago ba sya? Ang ganda ganda ko kaya!

"Maganda ako!.. Tandaan nyo yan!..."-sigaw ko sa science garden,nakaramdam ako ng kakaibang hangin. Hangin na dumampi sa balat ko,pakiramdam ko nagtaasan lahat ng balahibo ko pati ang buhok ko ay parang tumayo din.

"Sinungaling!"-rinig kong boses sa likuran ko. Humarap naman ako ng patalikod,at may isang lalake na nakangisi sakin.

"Sino ka naman?"-tanong ko,napaatras naman ako ng ilang hakbang ng may biglang sumulpot sa tabi nya, anim na lalake

"S-s-sino k-k-kayo?.."-utal utal kong tanong,pumikit ako ng ilang beses at hindi pa rin sila nawawala sa paningin ko. Inakala kong panaginip lang ito. Ang pag sulpot ng pitong lalake ay mukhang hindi maganda. Mukha silang mga multo,as in multo nag tatayuan ang mga balahibo ko tuwing tititigan ko sila.

Pumikit ako ng sobrang diin,at sa pagmulat ko ni anino nila ay hindi ko na nakita. Sino kaya ang pitong yun? Nanginginig nginig akong pumasok sa classroom namin. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga at hinimas himas ang dibdib ko.

"Maganda ka? Maganda ka?"-rinig kong bulong sakin,nag palinga linga ako,wala akong nakitang ibang tao dito sa classroom. Nagiisa lang ako dito, saan naman galing ang beses na yun?. Kaninong boses kaya yun?

Always enjoy Reading<3 <3

°°°
Inspired by;
Ghost in Bangtan Dorm
estupidyante (book1&2)
Galaxy [Bts ff]
Bullshit proof (book1,2,3,4)
1week na julalay ng bangtan(short story)

Ghost in LUV [BTS.FF.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon