Caxton aine POV***Patakbong lumapit sakin si namjoon habang hawak hawak ang isang pirasong papel na mukhang may kalumaan na ang itsura
"A-ano yan?"-taka kong tanong. Iniabot nya sakin ang papel at may naka sulat.
****Griffen,endorser,danceclass****
"Anong meron dito?"-maang kong tanong.
"Bago kami pinagbabaril yan ang mga lugar na pinuntahan namin. Ang Griffen library,Endorser apartment, at ang danceclass"-saad nya,hindi ko maintindihan ang mga sinabi nya.
Anong connect nun sa nangyari sa kanila. Baka naman nagkataon lang
Pero bakit ang Griffen library ang endorser apartment na malapit sa school na pinapagaralan ko at ang danceclass na malapit sa SM sabugao.
"Anong connect nyan?"-takang tanong ko. Hinarap nya ako ng maayos bago nag salita.
"May natanggap kaming sulat at ang sabi kailangan naming pumunta sa lugar na yan. Ewan ko kung bakit pinuntahan din namin ang mga nakasulat jan"-paliwanag nya. Nahiwagaan naman ako sa mga sinabi nya.
"Hindi kaya pinaikot ikot lang kayo para mas mapapadali ang pagpatay sa inyo?"-kunot noong tanong ko. Tumango tango naman sya pero bakas sa mukha nya ang pagdududa at hindi pagsang ayon sa sinabi ko
"Pinaikot ikot?"-tanong nya. Bumuntong hininga ako at hinawakan sya sa balikat
"Maaaring isa yan sa pamamaraan nila para—,ganun,yung pagbabarilin kayo"-ako at napa ah! Naman sya.
Nagmumukha na tuloy akong detective sa mga oras na ito.
"Akin na ang papel,titiganan ko kung anong makukuha natin jan"-ako sabay hablot ng papel sa kamay nya.
Griffen,endorser,danceclass. Iniayos ko ang mga words at may nabuo akong pangalan
Griffen
Endorser
Danceclass
(GED)Ged? Teka bakit ged? Anong meron dito?
Baka nag kataong ganito ang nabuo kong pangalan. Tsaka imposibli naman yun. Hindi sya pinapayagang lumabas magisa
Lagi din syang sinusundo ng mommy nya
Ang daddy nya naman nag tatrabaho sa ibang lugar at nitong nagdaang araw lang umalis sa bahay nila.
Malabong si ged nya ang gumawa nun.
Unless may nag utos o baka tinakot sila. Erase erase erase!,hindi ganun yun at hindi dawit si ged sa gulong ito
"Teka lang namjoon,namukhaan nyo ba ang bumaril sa inyo?"-tanong ko. At tumango tango.
"Naka bonet pero may takip ang mukha,fit ang damit at parang babae sya, dahil sa hugis ng katawan nya. Maliit ang baywang,malaki ang balakang at may katatamtamang laki ang balikat"-paliwanag nya.
Hindi ito maaari. Baka si GED ang bumaril sa kanila. Pero kung sya nga,bakit nya naman gagawin yun?
Napatingin naman ako sa pintuan dahil lumagabog ito ng ubod lakas.
Bumungad sakin sina yoongi na patakbong lumapit sa amin ni namjoon. May kung anong dala sila.
"Ano yan?"-agad kong tanong
Hinihingal na sinagot ako ni hoseok
"Evidence,sinasabi dito kung saan matatagpuan ang taong bumaril sa amin at kung saang bahay"-sagot nya
"Ano?"-parang hindi siguradong tanong ko. Papaanong nangyari yun?papaanong may evidence at saan naman nagmula ang evidence na yun?
"Cctv? Voice records at picture"-sabat naman ni seokjin habang naka panghimaywang
"Akin na nga yan"-sabi ko sabay kuha ng loptop sa center table at isinaksak dito ang Flash Drive na dala dala nila
Ganun nalang ang pagkabigla ko dahil mali ako ng inisip,kitang kita ng dalawang mata ko ang malinaw na malinaw na mukha nya na nahagip ng cctv. Parang maiiyak ako dahil sa nakita.
Hindi ito totoo.
Baka kung sino lang ang gumawa nito. No!,no! No hindi si ged ang babaeng nasa cctv.
Kung sya nga ang babaeng ito,
Bakit sya? Bakit sya pa? Bakit hindi nalang ang iba?WALANG tigil na pagpindot ang ginawa ko sa door bell ng bahay nila ged. Gusto kong linawin ang lahat,gusto kong sabihin nya sakin na hindi sya ang babaeng nahagip ng cctv. Pinagkatiwalaan ko sya bilang kaibigan,parang kapatid na ang turingan namin sa isat isa kahit bibihira lang kami kung magbonding dahil sa paghigpit ng mga magulang nya.
Pero bakit? Bakit nya magagawa yun? Bakit nagawa nyang lokohin ako kung sya nga ang babaeng nakuhanan ng cctv
Bumukas ang pinto at bumungad sakin si ged.
"A-anong ginagawa mo dito?"-takang tanong nya. Pinapasok nya ako pero hanggang sa loob lang ako ng gate. Hindi na ako tumuloy pa sa loob ng kanilang bahay.
"Ged"-ako habang nakatingin sa kanya
"Bakit?"
"May itinatago o inililihim ka ba sakin?"-deritsong tanong ko hindi na ako nag paligoy ligoy. Gusto king malaman ang totoo. Gusto kong sabihin nya sakin na hindi sya ang babaeng iyon. Ang babae na nasa picture,cctv.
"A-ano bang pinagsasabi mo?"-sabi nya at nginitian ako,"tara sa loob"-anyaya nya pero pinigilan ko sya.
"Ano itong picture? Diba ikaw to? Ikaw ang babaeng bumaril sa isang sasakyan na lulan ang pitong lalake?"-sunod sunod kong tanong sa kanya. Napatigil naman sya at parang hindi makapag salita.
"Ano? Sabihin mong hindi ikaw to,gedd! Please sabihin mo"-halos mangiyak ngiyak na sabi ko. Hindi ko to ginagawa dahil kaibigan ko sya ginagawa ko to para makatulong sa mga taong nangangailangan ng tulong ko.
Napatingin naman ako sa kanya ng bigla syang mapahagul-gol sa pag iyak. Napaupo sya sa kinatatayuan at patuloy pa rin sa pag iyak
"Confirm! Ikaw nga ang babaeng ito?"-halos pabulyaw kong tanong. Nakaramdam ako ng puot,galit,inis sa kanya dahil nag sinungaling sya sakin may inilihim sya sakin. Nagsinungaling sya dahil ang sabi nya wala syang inililihim nung tanungin ko sya nung nakaraang linggo
Nakapansin ako ng kakaiba sa ikinikilos nya. Parang palagi syang nagugulat. Para syang takot kung kakalabitin mo sya.
Hindi ko yun pinansin dahil inisip ko na baka may kung ano na namang ginawa ang magulang nya sa kanya.
Ikinukwento nya sakin na minsan sinasaktan sya ng mommy nya. Kaya inisip kong baka na truma lang sya.
Pero hindi pala. Mali ang inisip ko dahil ang totoo meron syang itinatago na mas malala pa sa inisip ko.
Halos patayin nya ang pitong lalake na nakahilata ngayon sa hospital. Baka nga patay na ang pitong yun.
At gusto lang talagang malaman kung sino ang taong gumawa nun sa kanila.
"Bakit ka nag lihim sakin ged?"-umiiyak na tanong ko. Hinawakan ko sya sa magkabilang balikat at inalog alog ko.
"Sinabi mo na wala kang inililihim sakin—,bakit mo nagawa to ged.. Bakit?"-humihikbing sabi ko. Hindi ko na napigilan ang emosyon ko.
"S-s-sorry,h-hi-h-hindi k-k-ko si-s-sinasadya"-umiiyak na sambit nya gusto ko syang pag sasampalin. Hanggang sa matauhan sya sa pinag gagawa nya.
"N-n-nag sisisi n-n-na ako!.."-humihikbing sabi nya
"Huli na! Huli! Na ged! Hindi na maibabalik ang nagawa mo"-singhal ko sa kanya. Hindi ko napigilan ang kamay ko at nasampal ko sya ng sobrang lakas.
Nasapo nya naman ang kaliwang pisngi.
Lalo pang lumakas ang paghikbi nya. At na karamdam ako ng konsensya dahil sa ginawa.
"Sorry! Hindi ko sinasadya. Tutulongan kita"-sabi ko sa kanya. Niyakap ko sya at hinimas himas ang likod.
[A/N:ayoko na!.. Huhuhu ang OA na ng chapter na to!]
BINABASA MO ANG
Ghost in LUV [BTS.FF.]
FanfictionGhost in LUV [BTS.FF.]_ongoing Genre:Fanfiction,Romance,Paranormal Author:RightEnBlue Date Started:SAT-3-NOV-2018 Date Ended:★-★-★-★