Caxton aine POV***Maaga akong bumangon, papungas pungas akong tumayo habang ang mata ay nakatingin sa kanilang pito. Hindi ko maiwasang hindi titigan si taehyung lalo na si jungkook. Ewan ko kung anong dahilan ng pagtitig ko sa kanila.
Lumulubha na ang kalagayan ni taehyung at kailangang mahanap na namin ang taong hinahanap nila. Si jungkook natural parin ang kulay samantalang silang anim nagiging malabo na.
Lumapit ako sa pwesto ni taehyung at dahan dahan kong hinawakan ang noo nya. Mainit pa rin,ilang araw na syang nagkakaganito. Palaging mataas ang lagnat, minsan parang aso kung umubo.
Pinagmasdan ko ang maamo nyang mukha. Maamo na parang nakakaawa.
Magpagaling ka,bulong ng isip ko.
Tumayo ako at lumabas ng kwarto.
Nagtungo ako sa terrace at nagpakawala ng malalim na buntong hininga
"Nagaalala ka pa rin ba sakin?"-nabigla naman ako ng may marinig akong boses mula sa likuran ko.
Humarap ako at nagbuntong hininga
"A-anong ginagawa mo dito? Akala ko—"
"Akala mo tulog pa ako?"-putol nya sa sasabihin ko. Tumango tango naman ako.
Kahit hindi nya sakin ipakita na nasasaktan sya e halatang halata naman sa mapupungay nyang mga mata. Hindi sana ito mangyayari sa kanya tsaka hindi ko naman mapipigilan ang damdamin nilang dalawa para hindi sakin magkagusto at para hindi ko rin sila magustohan.
Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Siguro nga pag NBSB ka, agad agad ka nalang mahuhulog sa loob ng isang tao lalo na kung sila na mismo ang nagpapakita sayo ng motibo.
Pinilit kong hindi magkagusto kay jungkook pero puso ko na mismo ang nag sabi na mahalin ko sya. Mahalin na mukhang ito pa ang naging dahilan bakit nagkakaganyan si taehyung
Ako ang pinag awayan nila ,ako ang pinag agawan. Ganun na ba ako kaganda para pagagawan nila?
Taehyung POV***
"Akala mo tulog pa ako?"-putol ko sa sasabihin nya.
Nag inhale sya at hinarap ako ng maayos. Nagkatitigan kami sa isat isa pero agad nya namang ibinaling sa ibang direksyon ang kanyang paningin.
"Mahal mo na ba si jungkook?"-bigla nalang lumabas sa bibig ko. Nagulat sya at napatikhim bago ako sinagot
"Paano kung sabihin kong oo,magagalit ka ba?"-walang emosyong sagot nya. Hindi ko ini-expect na ganun ang isasagot nya sakin
"B-bakit naman ako magagalit? May gusto ka sa kanya at may gusto din sya sayo,tama ba?"-nanunuya kong sambit,tinitigan nya ako sa mata na parang may sasabihin.
Ako naman ang nag iwas ng tingin
Bakit ko ba ito tinatanong sa kanya.
Na alam ko naman na ako lang din ang masasaktan. Na ako lang din ang magdudusa. Maiinggit na parang wala lang. As in wala
"Paano kung sabihin kong hindi kita mahal,masasaktan ka ba?"-deritsong sambit nya. Nabigla naman ako, but before i answer her question I clear my troat.
"Bakit naman ko masasaktan?"-tanong ko tsaka tumingin sa kawalan.
Oo masasaktan talaga ako,hindi ko lang masabi dahil natatakot akong baka pagtawanan nya lang ako. Na baka hindi nya magustohan ang isasagot ko.
"Halimbawa nalang,isa sa kaibigan mo may nililigawang isang babae. At ang isa din sa kaibigan mo may gusto sa babaeng nagustohan ng isa mo pang kaibigan. Dahil na hihiya ang kaibigan mo na umamin sa babae, na nagustohan nya rin ito. At dahil sa hiyang iyon, ito ang naging dahilan para piliin ng babae ang isa mo pang kaibigan. Masasaktan ka ba?"-tanong nya sakin na parang naunuya pa. Tinapunan ko naman sya ng tingin. Hindi ko alam kong ano ang isasagot ko.
BINABASA MO ANG
Ghost in LUV [BTS.FF.]
FanfictionGhost in LUV [BTS.FF.]_ongoing Genre:Fanfiction,Romance,Paranormal Author:RightEnBlue Date Started:SAT-3-NOV-2018 Date Ended:★-★-★-★