CHAPTER NINE

1 0 0
                                    


Jeon jungkook POV***

Nakaupo ako sa isang putol na kahoy. Nakatitig ako sa ginagawa ni namjoon habang ang lima, naghaharutan na parang mga bata. Nagawi naman sa utak ko si caxton aine, maguumpisa na sana ang relasyon namin kung hindi lang naki singit si taehyung. Sana nililigawan ko na ngayon si aine kung hindi rin dahil sa kanya. Selos! Selos talaga?  selos na namuo sa puso at isip nya.

Masyado syang nagpadala sa emosyon, ni hindi man lang sakin nag paliwanag kung bakit ganun nalang ang inis nya,galit nya sakin.

"Jungkook!.."-tawag ni seokjin."sumali ka naman dito!"

Ngumiti lang ako at muling ibinalik ang pansin sa ginagawa ni namjoon. Lumapit sakin si jimin habang sumisigaw habang hinahabol sya ni taehyung.

Hindi pa kami nagkakaayos, ewan ko kung sino ang mauuna sa amin para makipag ayos sa isat isa. Alangan naman ako? Hindi naman ako ang nag umpisa ng gulo

Habang papalapit sakin ang dalawa,napakunot ang noo ko dahil sa isang ugat na naka usli at mukhang mapapatid dito si taehyung. Sisigaw na sana ako pero huli na,humampas ang katawan nya sa sinibak na kahoy. Shit ang sakit nun!

Nagmadali naman akong tumayo at patakbong nilapitan sya.

Inilahad ko ang kamay ko pero tinabig nya ito. Nagpakawala naman ako ng malalim na buntong hininga at ibinalik sa kanya ang tingin.

Inilahad ko ulit ang kamay ko. Pero sa halip na tabigin, hindi nya nalang ito pinansin at pilit na tumayo. Pero bigo sya sa ginawa nya. Mukhang napurohan ang kamay nya na naitukod nya sa pagtumba

"Hindi mo ba talaga ako papansinin?"-tanong ko sa kanya. Pero hindi nya ako sinagot at pilit na tumayo pero gaya ng nangyari kanina mas lalo lang syang napahiga dahil mas sumakit pa ang kamay nya.

"Ano? Hindi mo ba talaga kailangan ang tulong ko?"-tanong ko ulit pero pinukolan nya lang ako ng masamang tingin tsaka napangisi.

Para saan naman ang ngising yon?

Ngumisi sya na parang nanunuya pa. Talaga namang ang taas taas din ng pride ng isang to.

Umupo ako sa harapan nya na parang girl friend ko lang ang nasa harapan ko. At muling kong Inilahad ang kamay ko.

Inabot nya naman iyon

Agad ko syang inalalayan para makaupo ng maayos. Hinawakan ko ang kamay nya na mukhang may naipit na ugat.

Hinila ko ito ng may kalakasan at napa sigaw naman sya sa sakit na naramdaman.

"Tama na,babalik din naman yan mamaya. Titiisin ko nalang ang sakit."-sabi nya sakin pero ang mata, nakatingin sa kawalan.

Nag pakawala ako ng malalim na buntong hininga at tumingala sa kalangitan.

Oo nga naman. Bakit kailangan ko pang hilahilain ang kamay nya kung maya maya lng e gagaling din naman ito.

Nag hintay ako ng ilang minuto. Napakunot ang noo ko dahil imbes na gumaling e mukhang lumala pa ang sakit.

"Humahaba na ang oras natin dito. Kailangan manahap na natin ang taong kinakailangan nating hanapin"-sabi ni namjoon. Sumangayon naman sila hoseok,jimin,seokjin at yoongi

"Ano namang kinalaman nun sa kamay ni taehyung?"-maang kong tanong

"Dahil nga tumatagal na tayo dito. Hindi agad agad babalik sa normal ang lahat. Halimbawa, nasugatan ka imbes na gumaling mas lalala lang. Kum baga ang jatawan natin na nakahimlay sa hospital bibigay na"-paliwanag ni yoongi. Hindi na nakakapag taka kung bakit may alam din ang isang to tsismoso kasi si yoongi at lahat lahat nalang siguro alam nya pero ang masama hindi nya alam kung sino ang gumahasa sa kanya.

Ghost in LUV [BTS.FF.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon